Nang maka uwi na lahat ng bisita ay saka na lamang kami naka uwi mag 1 am na kaya tulog na si Mira , inaantok na rin ako kaya hindi ko namalayan naka tulog ako sa sasakyan pauwi. ***** Nagising ako kinabukasan na iba na ang suot kong damit , naka pambahay na ako at nasa kwarto ako ni Ben, kaya napa balikwas ako ng bangon at kinapa ang aking sarili , wala na akong suot na bra ngunit may under wear naman ako , tumayo ako para pumunta ng banyo para tingnan ang aking sarili wala na ang bakas ng make up ang aking mukha. " Si Ben kaya nagpalit sa akin?" tanong ko sa aking sarili sa salamin, hindi naman sa nag iinarte ako dahil may anak na rin naman ako pero parang hindi kaya ng katawan ko na may humawak at may maka talik akong iba bukod kay Art. " No magaling na ako , pero magaling na nga b

