MISIS NI ART POV Hindi ko alam saan kami dadalhin ng asawa ko , ang alam ko wala na ang bahay namin sa Alabang Hills at hindi ko pa natatanong sa kanya kong bakit niya binenta. Nasa sasakyan na kami at kalalabas lang namin ng Hospital. Masaya at halatang excited ang aking anak na si Adam.Malakas na rin ito at lalung bumubuti ang lagay niya salamat sa panginoon at binigyan pa niya ako ng pagkakataon na makasama namin siya " Were here " huminto ang sinasakyan namin sa isang malaking bahay or let me say mansyon, bumaba ang driver niya para pag buksan kami, siya naman ay nauna ng lumabas para salubongin kami, " SURPRISE " boses ng Prinsesa naming si Mira napa lingon ako sa pinanggalingan ng boses niya " WELCOME BACK KUYA ADAM " sabi nito , at yon din ang nakalagay sa hawak nitong banner,

