My mouth parted like I saw some kind of a monster. Nang makakuha ako ng lakas ay tinabig ko ang kamay niya. Kumunot ang noo ko at lahat ng memories naming dalawa ay nag-flashback sa isipan ko. Tumingin ako ng masama sa kanya. Unti-unting namuo ang galit sa puso ko. Masyadong maliit ang hall na ito para sa aming dalawa. Naglakad ako palayo sa kanya dahil sa bigat na nararamdaman ko. Bakit niya pa kailangan gawin 'yon? Nakalimutan na ba niya ang ginawa niya noon sa akin? Pinagtulakan niya ako. Nakalimutan na ba niya na may pamilya na siya? Walang nakahalata sa ginawa niya dahil masyadong busy ang mga tao sa laro. "Hannah..." Parang nilipad ako ng mga anghel noong tinawag niya ako. His voice was full of chances. Damang-dama ko ang pangungulila at naramdaman ko iyon dahil tumatagos hangga

