"Kaya galit ang Ate Allana mo, Alli. Pero 'wag kang mag-alala. Tutulungan ka namin lalo na at alam ko na kung nasaan ka. Sasabihin ko sa Ate mo na okay ka lang dito." Tumango ako at ngumiti ng tipid. "Sabihin mo kuya na ayos lang ako. Maayos ang kalagayan ko." "Pero papaano kung may magsumbong sa 'yo Alli? Nakakasigurado ka na ba sa mga kasama mo?" Nag-aalalang tanong nito. "Don't worry, kuya. They don't know my real identity. I used another name to cover me in this trouble. Just call me Hannah." Mukhang nalito pa ito sa sinabi ko pero tumango rin ito kalaunan. May kinuha ito sa pocket niya. "Here is my contact number. Just call me if you need something Alli." "Hannah nga sabi Kuya." "Oh... sorry. Hannah. Well that's a good idea." Tumango ako at kinuha ang number card ni Kuya. "'Ya

