Napatingin ako sa kanya na nakangisi sa akin. Naglalaro ang mga ngiti niya sa labi. Nakakaloko na para akong mababaliw. "You're shaking..." He murmured. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, inalis ko ang kamay ko at umupo sa inuupuan ko kanina. "Here Nay Ester." Siya na ang nagabot ng paminta kay Manang. "Bumalik ka nga sa kwarto mo at magsuot ng damit. " Sermon nito sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya dahil para akong tinutukso ng abs niya. Shyt. "No, it's okay nay. Someone is enjoying the view." Natatawang biro nito. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko sa sinabi niya. Umiling ako at padarag na tumayo naglakad ako papuntang sala. "Hey! I'm just joking." Hinila niya ang kamay ko at napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata. " You...you're blushing

