Nakapaghain na kami ng mga putahe sa lamesa. Sa veranda ng resort sila kakain kung saan ay may infinity pool at tanaw ang maganda at malawak na dagat, ngunit bago pa makalabas my roon munang malaking up-down glass window para makarating sa veranda . Hindi maalis ang ngiti ko sa pagappreciate ng magagandang tanawin. Napaka presko dito at napakatahimik. Bumaba na rin ang mga magulang ni Sir Dexter na si Madame Celine, she was a beautiful and sweet lady. Tulad ni Madame Ava na mama ni Yohanne. Lagi silang nakangiti. Pero ang daddy naman niya ay laging seryoso - Si Sir. Kim Sakanya yata nagmana si Sir. Dexter kuhang kuha nito ang features niya maging ang kanyang mga mata. Nakaupo sila sa mesa kung saan nakahain ang mga pagkain, katabi nila si Sir. Dexter , Hiko at Sir. Yohanne. Sa harapan ni

