NAKARATING naman sya ng ligtas at maayos sa bahay nila, tuwang tuwa pa nga ang kapatid nya na mapasalubungan ito ng masasarap na pagkain. tinawagan nya din agad si luther ng makarating sya sa bahay nila. "anak mangingisda lang ako, samahan mo muna ang mama mo mamitas ng mga gulay" tumango naman sya sa sinabi ng papa nya. "sige pa, sasama kami ni bernard sakanya" sinenyasan nya ang bunsong kapatid para lumapit sakanya "o dalhin mo itong basket" inabot nya ang brown na basket sa kapatid "ma! ano bang mga kukuning gulay? kami nalang ni bernard" lumabas naman ang nanay nya galing sa cr. "sasama na ako, hindi mo naman kabisado ang mga tanim natin." napakamot sya ng ulo dahil tama nga ang mama nya hindi nya pa masyado kabisado ang mga tanim nila dahil nalipat iyon ng pwesto. dumeretso sil

