HINAYAAN nya si luther na yakapin sya, halos kalahating oras na ata silang ganun at hindi umaalis sa dagat. nakita nya pa ang pagtingin ng mga kaibigan sa gawi nila pero parang hindi na sila nagulat. sila nalang ang naiwan sa dagat at hindi man lang gumalaw ng onti si luther at mahigpit lang sya na yakap yakap. bigla nyang naalala si lander na baka nag hahantay sakanya. "l-luther.." "hmm?" "a-ahon na tayo, kailangan ko na maligo" hindi ito nag salita at hindi din sya pinakawalan bagkus nagbigay lang ito ng sapat na distansya para makatingin ito sa mukha nya. "why? ayaw mo na ba akong kayakap?" nakagat nya ang labi nya at napaiwas sya ng tingin. "h-hindi din naman natin to dapat ginagawa.... h-hindi naman k-kita kilala..." halos pabulong na sambit nya. nakita nya ang pag igting ng pan

