Chapter 1: The k********g

3185 Words
Nagustuhan ko naman ang dress na binili ni mommy kaya ayos lang. Hindi ko lang talaga magawang ngumiti dahil wala akong gana. Noon ay si Stan ang palaging escort ko sa mga ganito. Sighing, I walked out of my room and down our great living room. Clifford was already waiting for me with his three-piece suit. He is a great man. He is handsome and I am lying to say I don't appreciate that. Palagi kong nakikita kung paano umikot ang leeg ng mga babae sa tuwing nakikita siya. He is that attractive and friendly to everyone. Kaya kung minsan ay mas lalong dumidikit sa kanya ang mga babae dahil alam na hindi sila mapapahiya. Sa isang limousine kami sumakay. Iyon kase ang sabi ni daddy. Kasama namin si Mr. Kenley at ang common driver ko. Ang SUV ay... as usual... nakaconvoy sa amin. Ngayon ay hindi ako maiilang kung nasa paligid ko lang sila dahil common naman iyon lalo na dahil mayayaman din ang a-attend sa party. Marami ang media na naghihintay sa bawat bisita. Sa labas pa lamang ng hotel ay kitang-kita na ang pagiging magarbo at importante ng gabing ito. Hindi ko pinigilan ang sariling umirap sa mga flash ng bawat camera. Sa tuwing may nagtatanong sa amin ay tinitingnan ko lang nang masama. Clifford was holding the small of my back as we got together inside the expensive and dashing hall of the hotel. Nagkalat ang mga taong may magagarang damit. Sa labas lang ang mga press kaya napanatag na ako. At least walang magbabantay sa bawat galaw ko — well except to the goons. "Mr. Llamas!" bati ng isang matangkad na lalaki na nakasuot din ng three piece suit. He looks familiar. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Malalalim ang kanyang mga mata at napakaseryoso. They were expressive yet dangerous. Matalim ang kanyang tingin kahit alam kong hindi sinasadya. It's a natural look, I guess. Sa kaliwa niya ay isang magandang babae. Mas matangkad ako sa kanya kahit pa parehas kaming nakaheels. Pero mas maamo ang mukha niya compared sa akin. Bukod sa brown niyang buhok na halatang natural, tingin ko ay may halo siyang banyaga. Hindi ko lang malaman kung ano. "Mr. Neumann!" balik bati ni Clifford. Tipid na ngumiti sa amin ang babae na tila tensyonado pa yata. Tipid din akong ngumiti sa kanya. Siguro'y parehas kaming ayaw umattend sa party'ng ito. I wonder kung boyfriend niya iyong si Mr. Neumann? "This is Stacey Yanes," pagpapakilala sa akin ni Clifford sa kanila. "Oh! Yanes' representative." Malalim ang boses ni Mr. Neumann. He is attractive too but I'm not that attracted. He has this face that you just couldn't ignore. "And here's Kate Ancerine." Mas lalo niyang hinigit ang babae palapit sa kanya nang ngitian ito ni Clifford. Akala mo naman ay aagawin sa kanya kung makakapit. Well, good luck na lang sa magtangka. Tss. "Nice meeting you," ani Clifford. Nang umalis na sila ay humanap na kami ng upuan. Hindi naman kami nahirapan dahil may designated seats ang bawat isa. Nagkaroon ng bidding pagkatapos kumain. Si Clifford lang naman ang nakikisali. Ako ay nanonood dahil wala akong balak bumili ng kahit na ano. "Washroom lang ako," bulong ko sa kanya. Hinawakan niya ang braso ko bago pa man ako makatayo. "Where's Mr. Kenley?" Luminga siya sa paligid. Umirap ako. Nahawa na rin siya sa kapraningan ng mga magulang ko. "He is near the door... and the other one's at the hallway," I sarcastically told him the truth. Kanina ko pa kase sila tinitingnan. Iniisip kong tumakas para makauwi pero hindi man lang natatanggal ang tingin nila sa amin. Nanliit ang mga mata niya sa akin. "You're not trying to ditch for a bar," may halong pag-aalala ang tono niya. Umirap ako at hindi iyon pinansin. "If ever, I just wanna go home," I said matter of factly. "We can't. Saglit na lang naman at matatapos na. Your dad won't be pleased if he knew we left early." Tinatantya niya ang magiging reaksyon ko na para bang natatakot na mainis ako sa kung anumang sasabihin niya. "I know." Tumayo ako at hinayaan naman niya ako. Tumuwid ng pagkakatayo si Mr. Kenley nang matanaw akong tumayo. Hindi ko alam kung saan ang CR kaya lumapit ako sa hallway. "Miss Stacey, saan po kayo pupunta?" Isang goons ang lumapit sa akin. Wala akong ideya kung ilan talaga silang nandito. Sinulyapan ko si Mr. Kenley. Akmang lalapit siya sa akin pero nang makita ang goon na ito ay tumango siya. Umirap akong muli. Damn goons! Nagtaas ako ng kilay sa lalaking ito. "CR." Tinitigan ko siya dahilan para agad siyang umiwas at yumuko. Napansin ko ang pag-iling ni Mr. Kenley kahit sa malayo. "Dito po." Inilahad niya ang daan papasok sa hallway. Napansin ko na doon din pumupunta ang ibang mga babae pero tahimik dito. Masyadong maingay ang takong ko nang magsimulang maglakad patungo roon. "Make a little space." Ni-wave ko ang kamay ko sa kanya. Nagtaas ako ng kilay nang naging dalawa sila. Seriously? Lumayo naman sila kaya naglakad ulit ako pero hindi ko pa rin natatanaw ang CR. Sa dulo nito ay napansin ko ang ilang babaeng lumabas doon kaya lumapit ako. At iyon ang CR. Sa tapat lang noon ang CR ng mga lalaki. "What? You're going to follow me all the way in?" singhal ko nang napansin sila ng isang babaeng lumabas. Hindi sila sumagot kaya umirap na naman ako. Pumasok ako sa loob at ginawa ang kailangang gawin. Sinadya kong magtagal dahil tinatamad akong bumalik sa loob. Nang lumabas ako ay may nakasalubong akong lalaki galing din sa CR. Malapad ang ngiti niya sa akin pero nagtaas lang ako ng isang kilay at tumalikod. "Hey shortcake!" Bago pa makahakbang ay hinawakan niya ako sa braso. Sa inis at gulat ko ay agad ko iyong hinawi. Malutong ang naging tunog ng sampal ko sa kanya. Ngumiwi ako sa sakit ng sariling palad. "Miss Stacey!" tawag ng isa sa mga goons pero hindi ko iyon pinansin. I told my parents I could protect myself. And my goons know that better especially when someone like this moron approached me. "Don't you dare touch me!" mariing sigaw ko. Umirap ako nang ngumisi lang siya habang hawak ang kaliwang pisngi. He's tall and his frame looks bigger because of the suit he is wearing. His eyes were dark and a bit blue, glaring at me without humor and yet he still looked dangerous. He stared at me as if I was a little kid. Ganyang-ganyan si daddy sa tuwing disappointed sa akin. Only, dad glared at me with frowning lips while this guy's lips were twisted into a mocking smirk. Hindi ako natatakot na may gagawin siyang masama sa akin dahil sa mga goons sa paligid. At least I know there's still help from my goons. "As always," makahulugang sinabi niya at akmang hahawakan ako. Narinig ko ang mga yabag ng goons na papalapit sa amin ngunit agad iyong natigil. Parehas kaming lumingon nang may narinig na kalabog. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isa sa mga goons na nakadapa sa sahig. May tape sa bibig at nakahandcuffs ang mga kamay sa likod. Tiningnan ko nang masama ang lalaking nakatakip ang mukha na inaapakan ang ulo nito dahilan para mapasubsob sa sahig. "What the—" bago pa matapos ay tinakpan ng lalaking nasa tabi ko ang bibig ko ng panyo. Kasabay noon ang pagbukas ng pinto ng CR ng mga lalaki. Unti-unting bumabagsak ang mga mata ko pero sinigurado kong panoorin ang mga nangyayari sa paligid. Apat na lalaki na nakatakip din ang mukha ang lumabas sa CR ng mga boys. Lahat sila ay nakasuit din katulad ng dalawang lalaking ito. Isa sa kanila ang tinutukan ng baril sa ulo ang isang goon ko na may tape sa bibig. Ang isa ay hinawakan ang doorknob ng girl's CR. Siguro ay upang walang sinuman ang makalabas doon. What the hell is happening!? Bago tuluyang pumikit ang mga mata ay nakita ko ang isang lalaki galing sa CR na nakahubad. Tanging boxer shorts lamang ang suot. Sinuntok siya ng isa sa mga misteryosong lalaki at ipinasok sa loob ng CR. Pinosasan din nila ang isa pang goon ko at pinahiga sa sahig. Bagsak na ang mata ko pero pinilit kong buksan para sinilip ang CCTV. Nanlumo ako sa itim na telang nakatakip doon. Fuck! f**k! f**k! I wonder if it's the reason why my parents are being paranoid before everything goes blank. Nang iminulat ang mga mata ay nasa loob ako ng isang sasakyan. Madilim sa paligid pero alam kong hindi na nakatakip ang mukha ng mga kumidnap sa akin. And I don't f*****g know them! "Hi!" ani ng lalaking sinampal ko kanina lang. Nakaupo siya sa front seat ng van. Sinilip ko ang side mirror. Nakita kong may nakaconvoy sa amin pero hindi iyon isa sa mga sasakyan namin. "Where are you going to take me? And where're my bodyguards?" "You're not scared?" he asked mockingly. "Why would I?" I asked back. I'm surprised I don't sound scared kahit sa totoo lang ay takot ako. "The truth is I'm excited. Finally, malalaman ko na kuny bakit paranoid ang parents ko." And that was a half-truth. Gusto kong malaman kung anuman ang kinakatakutan ng parents ko. At kung tama ako, posibleng sila rin ang pumatay kay Stan. Dahil alam ko at ramdam ko na hindi lang aksidente ang nangyari sa kanya. Sana ay nagkakamali dahil ako mismo sisira sa buhay nila. "Oh? Good for you. Anyways, your bodyguards? Inside the compartment." Salubong ang kilay ko. Saang compartment? Siguro ay sa sasakyang nakasunod sa amin? Pero bakit? Ilang sandali lang ay huminto kami sa tapat ng isang one-storey house. Simple lang iyon at hindi ko inaasahan na sa ganitong lugar nila ako dadalhin. Ang iniisip ko ay isang abandoned house or building o kaya naman ay malaking bahay kung saan sila nagtatago. Nakahandcuffs ang mga kamay ko sa likod pero wala akong tape sa bibig. At wala rin naman akong balak na sumigaw. Para ko nang ipinakita sa kanila na takot nga ako. At baka bigla nila akong patayin. Gusto ko munang malaman ang lahat. Kung bakit nila ito ginagawa. At kung sino sila. "Let's get you inside." Inirapan ko siya at pilit na nagpumiglas sa pagkakahawak niya sa braso ko. Hinila niya ako papasok sa loob. Bago kami makapasok ay nakita ko pang inilabas nila ang dalawang goons sa compartment ng kasunod na sasakyan. "I can walk! Just stop holding me!" I looked around. It's a common house at hindi ko talaga iisiping gagawin nila itong hide-out. "Feisty. Ayaw mo talaga nang hinahawakan no?" Nanliit ang mga mata ko nang maalala ang pamilyar na salitang iyon. Kung hindi ako nagkakamali, ganoon madalas ang sinasabi ng mga lalaking nagtatangkang kausapin ako kahit may mga goons sa paligid. Bago pa ako makapagsalita ay binuksan niya ang isang madilim na kwarto. Pero hindi kaagad ako pumasok. "There's a monster inside." Bigla niya akong itinulak sa loob. Muntik na akong bumagsak sa sahig. "Asshole!" sigaw ko sabay sipa sa nakasarang pinto. Nakarinig ako nang pagkaluskos ng kung ano sa aking likuran. Agad ko iyong nilingon. Pumasok sa isip ko ang sinabi ng asshole na monster daw. Pero hindi ito monster. Damn! He's beyond handsome and... monster? Baka matakot ang anumang klase ng monster kapag nakita siya. He is with a gray shirt and black pants. His dark hair is kind of messy. He is intimidating. If the first guy was dangerous, this guy is more than that. Without doing anything he looks terrifying. Kahit madilim ay kita ang pamumungay ng madidilim niyang mata. Halos umurong ang dila ko nang makita ang ekspresyon ng mga iyon. He looks mad. No... he looks angry that it makes him look scary. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa akin. Usually ay hindi ako gagalaw kahit sino ang lumapit sa akin. Pero hindi ko maiwasang mapaatras hanggang sa mapasandal sa pinto dahil sa 'monster' na ito. "Come here," Nagtindigan ang mga balahibo ko sa lalim ng kanyang boses. Inilahad niya ang kamay sa gilid ng kama. "We don't have much time." Kinurot ko ang sariling kamay at nakipag titigan sa kanya. Malikot ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang buong mukha ko. He is really intimidating but I know I can handle this one. I guess. I cleared my throat. "Our guards will be here in a minute," matapang at taas noo kong paalala. Nagtaas siya ng isang kilay bago ako marahas na hinila palapit sa kama. Napasinghap ako sa pagkabigla. Napaupo ako sa gilid ng kama pero pinatayo niya rin ako agad... nang marahas. Umawang ang bibig ko para sana sigawan siya ngunit sa hindi malamang dahilan ay umatras yata ang dila ko. May kung ano siyang inabot sa likod ng kanyang bulsa. It's a chain of keys. Nagtataka ko iyong tiningnan bago niya ako marahas na hinila patalikod sa kanya. Muli akong nabigla. Tumindig ang balahibo ko at maingay na napalunok nang maramdaman ang marahan niyang paghaplos habang tinatanggal ang handcuffs. Hinilot ko ang pulso ko nang matanggal iyon. Ang sakit kaya. Gusto kong mapanatag. But I just can't. Especially if this intimidating man is behind me. I took a deep breath to calm myself. But my eyes went wide open when he harshly unzipped my dress from behind! "W-What are you doing?" Agad ko siyang hinarap at pinag-ekis ang mga braso sa aking dibdib. Ngayon ay nakaramdam na ako ng takot. Good thing, this dress is with long sleeves kaya hindi kaagad na expose ang dibdib ko. His dark eyes never changed. Para bang wala siyang ginawang ganoong bagay. Umatras ako nang akmang hahawakan niyang muli. Napaupo ako sa kama pero agad niyang hinila sa braso at pinatayo. Ngumiwi ako sa sakit nang pagkakahawak niya. Goodness! Bawat ba kilos niya kailangan ay marahas? Umirap ako. So ungentleman. "I have no time for drama," he whispered in my ear. Hindi man gustuhin ay nanginig ang mga tuhod ko. "Just stand still and don't move." Hindi ako sang-ayon sa anumang balak niyang mangyari. Ngunit tanging malakas na pagtili ang nagawa ko nang marahas niyang sinira ang damit ko. Agad kong hinawakan ang tela upang hindi mahulog. What the hell!? Mahigpit niya akong hinawakan sa braso. Kinagat ko ang labi ko. "I said stop moving!" Nakakabinging sigaw niya na tinalo pa ang pagtili ko. Siguradong narinig iyon ng mga tao sa labas. Nangingilid ang mga luha ko at mas lalo kong kinagat ang labi ko para pigilan iyon. I don't know him, okay! He's a complete stranger and a kidnapper. And now he's trying to take off my dress!? Hinawakan niya ang kamay ko at pilit na inalis sa pagkaka-ekis pero nagmatigas ako. I don't have a bra! Fvck him! Umigting ang kanyang panga at mariing hinawakan ang panga ko. "Fvcking Yanes." Ngumiwi ako sa sakit nang marahas niya akong binitawan kasabay nang marahas ding paghawi sa braso ko. I couldn't do anything so I let him took off my dress. I firmly bit my lip to control myself from saying anything. I know if I did so, I'd burst out crying. Nanginginig ang tuhod ko nang hinubad niya ang dress. Wala naman akong nakikitang kung ano sa mga mata niya. Syempre ay madilim pero ramdam kong wala siyang gagawing masama sa akin. Hindi ko lang talaga alam kung anong balak niya. Or maybe I'm wrong, what came into my mind to think he wouldn't do harm to me? He may be unarmed but his authority speaks of danger. And that's all enough to fvcking scare me to death! Mariin kong ipinikit ang mga mata at kinuyom ang kamao nang tuluyang bumagsak ang dress sa sahig. He even casually took my panties off like it's nothing! It's so embarrassing. I'm wearing nothing in front of this monster stranger! He could stare at me for any longer he wanted! Hinawakan niya ang paa ko para mahubad ko rin ang stilettos. Hanggang sa hindi ko na naramdaman ang kamay niya. Gustong kong dumilat pero alam kong nasa harapan ko lang siya dahil sa hininga niyang tumatama sa mukha ko. Hindi ko magawang bitawan ang labi ko. Alam ko na sobrang pula na ngayon ng mukha ko! Sino ba namang hindi? I'm fully naked in front of this beyond handsome monster stranger. I thought I could protect myself pero parang bigla yatang nabahag ang buntot ko dahil sa lalaking ito. Nagmulat ako ng mata nang maramdaman ang mga kamay niya sa aking leeg. I suddenly stopped breathing. The proximity will be the death of me! Salubong ang kilay niya habang may kung anong tinitingnan sa aking leeg. Umangat ang kanyang kamay at nakita ko na lang na tinapon niya ang necklace na suot ko. Hinawakan niya ang tainga ko. Tinanggal niya rin ang hikaw at itinapon. Ganoon din ang sa kabila. Akala ko ay tapos na siya pero napasinghap ako nang marahas niya akong paikutin. Now I'm facing the cheap double bed again. Pati ang mga accessories sa buhok ko ay inalis niya at hinayaang bumagsak ang buhok ko sa likod. Nang natapos na at walang kahit ano sa katawan ko ay tumalikod siya. Dahan-dahan ko siyang hinarap. Really weird! "Wear this!" Nagsalubong ang kilay ko nang hinagis niya sa akin ang isang oversized shirt at boxers. Ang isang pares ng tsinelas ay hinagis din niya sa paanan ko. "Fvck! We are in a hurry!" sigaw niya na nagpatalon sa akin. He wants me to wear this instead? Kaya n'ya ako hinubaran? What the f*****g hell? Yumuko ako para sana kunin ang panty ko pero pinigilan niya ako. "Don't. Wear the boxers," matigas niyang utos. Nagdalawang-isip pa ako pero nang makita ang madilim niyang tingin ay agad ko ng sinunod. Umirap ako. Bigla kong naalala si Stan sa tuwing sinasabi niyang sexy daw sa babae ang boxer shorts. Oh please, Stan help me... "Hurry up!" Sinipa ang dress na nasa sahig. Nang nasuot ko na ang white shirt ay hinila niya ako palabas ng silid. Agad na nagsikilos ang ilang mga lalaki palabas nang makita kami. Niyakap ko ang sarili dahil wala naman akong suot na bra. Hindi pa rin malinaw sa akin ang mga nangyayari at naweweirduhan na ako sa kanila. Lalo na sa lalaking ito. Ano'ng klase kidnapper ba ang mga ito? "Rex, your suit," walang emosyon niyang sinabi sa lalaking nagdala sa akin sa kwarto. Ngayon ay seryoso si Rex na kanina lang ay laging nakangisi. Walang pag-aalinlangan niyang hinubad ang kanyang suit at inabot sa lalaking ito. Namilog ang mga mata ko nang ihagis naman niya iyon sa mukha ko. Tss. Hinihintay kong tawanan ako noong Rex pero seryoso talaga siya at nauna nang lumabas. Sinuot ko na lang ang suit. Nang matapos ay walang pasubali akong hinilang muli ng lalaking ito palabas. Bago iyon ay napansin ko pa ang dalawang goons na nasa gilid ng sofa at nakahiga. Nakahandcuffs pa rin sila at may tape sa bibig. Pilit silang nagpupumiglas at nag-aalalang nag-angat ng tingin sa akin. Oh gosh! I'm dead!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD