Hindi ko na nabilang kung ilang beses ako inangkin ng lalaking katabi ko sa kama na until now ay hindi ko pa din alam ang pangalan nito.Ang tanging alam ko lang dito ay siya Ang may -ari ng casino kung saan nagkautang si Papa.
Wala pa din akong saplot at ramdam ko pa din Ang pananakit ng buong katawan ko.Nakatalikod ako sa katabi ko at di ko maiwasan ang impit na pag-iyak ko dahil nakaramdam ako ng awa para sa sarili ko.Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko ng babae.Nawala na sa akin ang pinakakaingatan Kong puri na dapat sana ibibigay ko lang sa lalaking sigurado Kong mahal.Pakiramdam ko ngayon wala nang tatanggap sa akin pag nalaman nilang nagpagamit ako para sa pera.Nakaramdam ako ng hiya para sa sarili.
Hindi ko na alam kung anong oras tumigil ang lalaking ito magpakasawa sa katawan ko.Hindi Naman ako nakaramdam ng pagpwersa niya in fact maingat lahat Ang bawat kilos niya sa katawan ko at pakiramdam ko nagustuhan ng katawan ko ang bawat ginawa niya bagaman sobrang labag na labag iyon sa kalooban ko.Siguro kung mahal ko lamang ang taong ito at mahal niya din ako tinitiyak ko na magugustuhan ko ng buong puso ang mga ginawa niya sa akin.Kakaiba ang init na pinaramdam niya at ang kiliting hinatid nito sakin.Pero nawala din ang mga iyon nang makatapos na siya at basta na lang matulog sa tabi ko.
Nandiri ako sa sarili kapag naiisip ko kung paano niya ako inangkin.Nakuha ng lalaking di ko kilala Ang virginity ko at isang sampal yun sakin.
Sinilip ko ang katabi ko at mahimbing ang pagkakatulog nito.Marahil dahil sa pagod ng mga ginawa niya sa akin .
Mabuti pa siya nakakatulog ng mahimbing samantalang ako pagod din pero di ko magawa matulog sa dami ng isipin ko.
Sinamantala ko ang mahimbing niyang pagkatulog.Kinuha ko ang aking mga damit at isinuot iyon isat-isa.Sobrang sakit ng katawan ko lalo na ng parteng nasa baba ko ,pati mga hita at balakang ko.
Gayunpaman hindi ko na muna iyon ininda dahil kailangan ko ng makaalis sa Lugar na ito at baka kapag nagising pa ang lalaking ito gamitin na Naman niya ako.
Nag- iwan na lang ako note para sa kaniya sa table nito .
Hindi muna ako umuwi dahil di ko kayang umuwi ng bahay ng ganito ang hitsura ko.Pumunta muna ako sa apartment ng kaklase ko na si Madelyn.
Nagulat pa ito sa hitsura ko at nagtaka kung bakit kay aga -aga ay napasulpot kaagad ako sa apartment niya .
"Sun Anong nangyari sayo?Bakit ganyan ang hitsura mo daig mo pa ang narape?"Gulat na tanong niya sa akin.
"Pwede ba ako makituloy muna dito sa apartment?"Pagderetso ko kay Madelyn.
"Halika deretso ka sa loob Sun.Maupo ka muna.Kwento mo sakin ang nangyari.Bat ganyan hitsura mo?"Pagpapatuloy nito sa akin
Umiiyak akong ikinuwento ko kay Madelyn ang nangyari at hindi siya makapaniwala na nagawa ko iyon.
Kahit naman ako di makapaniwala na nagawa ko ang mga bagay na iyon pero dahil sa pagmamahal ko sa magulang ko hindi ko na naisip pa ang magisip ng tama.
Niyakap ako ni Madelyn makatapos ko ikwento sa kaniya ang lahat.
"S-Sun napakatapang mo para gawin mo ang bagay na ito.Alam mo ba naiiyak ako friend dahil sa nangyari.Hindi na natin iyon mababawi pero wag kang magaalala makakamove on ka din.Hindi man ngayon ,matagalan man iyon pero alam ko lilipas din Ang panahon at sasabay doon ang paghilom ng sakit na idinulot ng pangyayaring nito."Niyakap ako muli ni Madelyn at di ko mapigilan ang mapahagulhol sa pag-iyak.
"Salamat Made...Pwede ba magpahinga muna ako dito ."Pakiusap ko sa kaniya.
"Sige Sun ,mukhang mainit ka din.Di kinaya yata ng katawan mo ang pinaggagawa sayo ng lalaking iyon."Ramdam ko din na Hindi ayos ang pakiramdam ko at pakiramdam ko sobrang init nga ako.
"Saan ba ako pwede matulog friend?Di ko na talaga kaya .Gusto ko nang magpahinga."Inihatid muna ako ni Made sa kwarto niya.
Hinayaan niya muna akong matulog at makapagpahinga.Naramdaman ko na nilagyan niya pa ako ng malamig na tuwalya sa noo.
Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong tulog pero ginising ako ni Made at pinakakain ako para uminom ng gamot.
Dinalahan niya pa ako sa kwarto niya ng pagkain at gamot.
"Made nakakahiya sayo .Naabala pa tuloy kita."
"Ano ka ba ayos lang ito no.Mabuti nga dito ka nagpunta sa akin."Saad nito sa akin.Susubuan niya pa sana ako pero pinigilan ko na siya at Ako na Ang gumawa."Heto magsabaw ka pa para mainitan ang tiyan mo.At pagkatapos mo kumain heto Ang gamot inumin mo dahil mainit ka pa din."
"Salamat ulit Made.Napakabuti mong kaibigan."Kaibigan ko si Madelym simula noong Elementary pa ako kaya kung saan ako naghayskul at nagcocollege doon din siya.Napakabuti niyang tao at kaibigan kaya siya kaagad ang taong unang pinuntahan ko.Alam ko na mapagkakatiwalaan ko din siya sa lahat ng bagay.
"Alam ba sa inyo ang mga bagay na ito Sun ?"usisang Tanong sa akin niya.
"Syempre friend Hindi.Wala silang kaalam-alam.Di ko din nga alam kung nagaa-lala na ba sila sa akin dahil pinatay ko ang phone ko .Hindi pa ako ready na humarap din sa kanila dahil pakiramdam sobrang dumi ko nang babae."maiyak -iyak na naman ako ng maalala ko ang nangyari.
"Wag mong sabihin yan dahil ginawa mo lang naman para sa pamilya mo.Napakalaking sakripisyo ng ginawa mo.Alam ko kung malalaman nila maiintindihan ka nila."
"Pero ayaw ko malaman nila dahil ayaw ko madisppoint sila sa akin.Dahil may iba pa namang paraan siguro para makalaya si Papa."
"Kung meron .....sana Hindi mo yun ginawa.Pero dahil wala ka nang mahanap na paraan yun lang naging choice mo.Kaya wag ka na muna mag-isip ng kung ano-ano.Sa ngayon ibalik mo muna ang lakas ng iyong katawan.Magpahinga ka muna."
Itinuloy ko ang pagkain ko at ininom ko Ang gamot na inihanda ni Madelyn para sa akin.
"Salamat ulit friend ha.Matulog lang muna ako ulit."
"Sige lang friend . Magpahinga ka at magusap na lang tayo muli pagkatapos mo matulog.
Iniwan na ako ng kaibigan ko kaya naman nagpahinga na akong muli.