Suna's POV: "Girls, pwesto na ulit! Kailangang maiperfect ang sayaw! Rita at Lowie, kulang pa kayo sa kembot! Wei, ikaw naman huwag masyadong kumaliwa dahil natatabunan mo ang nasa likod! Gorg at Naima ayos na kayong dalawa! Imaintain lang ang pwesto dahil medyo nagugulo pa. Ayos naman na ang performance niyong lahat sumatutal. Bukas ay dalawang event ang pupuntahan natin. Isang practice lang tayo sa umaga dahil luluwas pa tayong Metro Manila. Dala natin ang van nila Lolit na ipinahiram sa akin," sabi ni Madam Barbie. "Madam Barbie, pwede po bang hindi na ako sumabay sa inyo? Sa Metro Manila na po tayo magkita? Sa ambulansya na po sana ako nila Manang Fe sasabay dahil ililipat ko na po siya roon din sa Maynila. Mas kaya po kasi nilang tustusan ang kalagayan ni Manang Fe at mas maraming c

