Suna's POV: "Hmm, bakit mo ako hinalikan? Are you in heat?" tanong ni Zy. Mapungay ang kaniyang mga mata. "Uhm, w-wala. Kasi sabi m-mo nakakawala n-ng pagod ang kiss," nahihiyang pagdadahilan ko. Grabe, nahuli niya ako! Nakakahiya talaga, bakit ko ba kasi iyon ginawa? Baka isipin niyang pinagnanasaan ko siya o ano. Bakit pakiramdam ko ay totoo, wahh, hindi! Nagagwapuhan lang talaga ako sa kaniya. Iyon nga, tama. "Hmm, medyo effective nga. Halika nga rito, tanggalin mo ang pagod ko. Kiss me more, Suna," mapang-akit na sabi ni Zy at siniil ako ng halik. Napasinghap ako ngunit hindi ko magawang itulak si Zy. Talagang nagugustuhan ng katawan ko ang reaksyon nito kay Zy. Parang nag-iinit ako at gustong magpakalunod sa sensasyong ibinibigay niya. Tumugon na ako sa mga halik ni Zy. Pumaibab

