Suna's POV: Hindi ako pumayag na kay Zy tumuloy agad. Kailangan ko pa kasing sabihin sa kambal at kay Manang Fe ang lahat. Syempre pati na rin kila Madam Barbie, biglaan kasi ito. Alam kong talagang magugulat silang lahat. Malulungkot din ang kambal na iiwan ko sila. Tiyak na mamimiss ako no'n. Humingi ako ng tatlong araw kay Zy na bigyan namin ng space ang isa't isa. Ayaw niya pa ngang pumayag noong una dahil nag-aalala siya sa akin pero nagpumilit ako. Wala rin naman siyang magagawa, saka kailangan ko rin mag-ayos ng damit. Ngayon ay kinakausap ko na sila, sinasabi ko na ang lahat. Kay Manang Fe at sa kambal. Mabuti na lamang at naintindihan nila ako. Malungkot man na iiwan ko sila ngunit kailangan. Saka lagi naman kami magvivideo call. "Ate Suna, talaga pong sa school kami titira? A

