Suna's POV: "Trey, girlfriend mo ba siya? Bakit hindi mo man lang ipinakilala!?" Hanggang ngayon ay umiikot pa rin iyon sa utak ko. Ang mga salitang iyon ay si Ma'am Stella ang nagsabi. Halos gusto ko na magpalamon sa lupa. Ang nasabi ko na lang ay wala kaming relasyon at natumba lang ako! Wahh, nakakahiya talaga! Ang mga tinging ipinupukol pa ng mga magulang ni Zy sa akin ay mapang-asar. Zyair Tteyton Koten, why naman kasi? Nandito ako sa guest room na tinutuluyan namin ni Madam Barbie. Nasa banyo ako at nakaupo sa kubeta nila na may takip. Talagang hiyang-hiya ako! Pero hindi ba parang may tyansa ako na magustuhan nila Ma'am Stella kay Zy? Lalo na nung tatay niya na lagi kaming nginingisian! Pero syempre, si Zy naman ang walang feelings. Ang kapal nga rin ng mukha kong gawan siya ng

