Suna's POV: "Hmm, maaari mo bang ikwento pa ang tungkol naman sa banda niyo? Kung paano mismo nangyari ang araw noong lumabas na ikaw ang tinuturong may kasalanan kung bakit nanakaw ang sinasabing pera sa inyong kumpanya. Nakakapagtaka rin dahil paano mo mananakaw iyon gayong wala ka namang access? Iyon pa lang ay kahina-hinala na. Paniguradong sinet-up ka nga lang. Ang kailangan natin alamin ay kung paano nila iyon ginawa. Halata na rin naman na paano mo iyon gagawin kung wala kang upper hand. Maraming magiging sangkot sa kasong ito," tanong ni Tito Johnson. "Mahaba po ang nangyari at tulad po ng sabi ko sa inyo, wala po akong ginawang kasalanan ni isa sa kanila. Ang pera ko nga rin po noon na nahold nila dahil sa ibinibintang sa akin ay hindi pa nila ibabalik kung hindi dahil po sa iny

