Chapter 18 Separation

1903 Words
Lyra * * " Masama ang tingin ko kay Storm kahit nakabalik na kami dito sa manila Hindi parin natigil ang gago ginawa akong libangan ng gago. Almusal tanghalian at haponan may madaling araw pa. Halos hindi na ako makalakad ng maayos panay Bayo nalang ng gago Nakaupo ako sa gilid ng kama inaayos ko ang mga documents ko. Ilang buwan nalang sasampa na ako ng barko. Pero si Storm parang walang balak na paalisin ako. Bubuntisin daw niya ako at susundan sa barko. " Honey! Beach tayo." Aya ni Storms " Kagagaling lang natin sa Beach." Tugon ko " Travel tayo ibang bansa." Pangungulit nito " Uuwi ako sa bahay bisitahin ko si Mommy may sakit daw." Wika ko " Samahan nalang kita " Biglang wika ni Storm " Oh C'mon! Bakit para kang buntot ko nakasunod lagi." Inis na wika ko " Kasalanan mo Ginahasa mo ako kaya kailangan mo ako panagutan.," Nakangisi na wika ni Storm " Oh C'mon! Ang daming babae na naghahabol sayo Karamihan sakanila nabuntis mo daw. Tsk! Nawalan ako ng gana sayo na turn off ako bigla. Ayaw ko ng ganitong buhay habang buhay gagawin kong tanga ang sarili ko. Hindi ako tutulad sa Asawa ng kamag-anakan mo. Na Akala nagbago na ang kanilang Asawa. Nagbago na nga palihim nalang ang pambabae. Nasa Dugo nyo na ang pagiging Babaero Hindi na magbabago yon. " Yamot na wika ko Natigilan si Storm alam ko natamaan siya sa sinabi ko " Are you serious? Na turn off kana saakin? " Hindi makapaniwala na tanong ni Storm Tumayo ako iniwan ko siya Sinagot ko ang Video call ni Daiki " Good evening Daiki." Nakangiti na bati ko " Good Evening Babe! Hey I meet A guys who looks exactly like you Older than you. " Nakangiti na kwento ni Daiki " What? Are you serious about that?" Nagdududa na tanong ko " Oh C'mon! Nasundan ko siya kahapon pasakay na siya ng taxi inabot ko ang Larawan mo may nakasulat na number mo sa likod. Nagmamadali ang lalaki." Kwento ni Daiki " English English pa marunong naman pala magtagalog." Pagpaparinig ni Storm " Do you think he's related to me? I don't look like anyone in my family. Not even eye color or hair. Absolutely nothing." Wika ko Naupo ako sa Balcony " He was surprised to see your picture." Wika ni Daiki " Thanks Daiki." Nakangiti na wika ko " Goodbye, my girlfriend is here." Pabulong na wika niya sabay off ng Video call Napangiti ako nagkaroon ako ng pag-asa na Sana may ibang kamag-anak ako na kamukha ko. Yon mararamdaman ko na kabilang ako sa kanilang Angkan. " Sino ang putanginang kausap mo?" Pagalit na tanong ni Storm " May Male Best friend currently living in japan. Half Pinoy and Half Japanese His mother is Pinay and his father is Japanese." Paliwanag ko " Block him." Utos nito Napatingin ako kay Storm " Storm, Simula bata pa ako magkaibigan na kami ni Daiki. Sabay kami nagtapos ng pag-aaral at sabay kami sumampa ng barko. Siya ang nag-iisang tao na hindi ako iiwan at Laging nand'yan para saakin. " Seryoso na wika ko " Lyra may Asawa kana! Dapat hindi kana nakikipag kaibigan sa lalaki." Pagalit na wika ni Storm " Alam ko ang limitasyon ko Storm. Hindi ako katulad mo na kung sino-sinong ang kalandian. Wala na akong magagawa madumi ang utak mo palibhasa gawain mo. Kapatid ang tingin namin sa isat-isa. Kung nagkaroon kami ng pagtingin sa isat-isa dapat noon pa. Nang pahanon na nagkasakit ako inalagaan niya ako siya ang Laging karamay ko sa oras na may problema ako. Huwag mo ako diktahan Storm! Dahil hindi ako katulad ng ibang babae. Kayang-kaya kita Iwanan ngayon mismo. Hindi ako magpapakatanga sa katulad mong Babaero." Galit na wika ko " Handa naman ako magbago para sayo." Mahina na Tugon niya " Ihanda mo ang Divorce papers natin. Hindi ko kayang makisama sa katulad mo. Ngayon ka lang tumigil sa pambabae mo Pero paano pag nagsawa kana saakin gagawin mo akong tanga? Ilang babae pa ang pupunta dito sa bahay at Ilan babae pa ang magtatangka sa buhay ko? Akala mo ba ligtas ako sa tuwing lumalabas ako ng bahay? Tangna kahit papunta lang ako ng Palingke may gustong pumatay saakin. Storm ayaw kong dumating ang araw na makapatay ako ng tao. " Galit na galit na Sumbat ko dito Dinampot ko ang Handbag ko naglakad ako palabas ng Kwarto Papalabas na sana ko ng Kwarto bigla ako niyakap ni Storm napasubsob siya sa batok ko " Nagseselos lang ako! Sorry na Honey. Maniwala ka saakin simula ng ikasal tayo hindi na ako nanbabae. Oo marami ang lumalapit pero hindi umaabot sa kama. Hanggat maaari umiiwas naman ako Seryoso ako sayo, Napamahal kana saakin Totoo ang nararamdaman ko sayo. Bawat araw na lumilipas natatakot ako. Natatakot ako na baka Isang araw magising ako na wala kana sa tabi ko. Handa naman akong gawin ang lahat para mapatunayan kung gaano kita kamahal. " Malungkot na wika ni Storm " Ihanda mo ang Divorce papers natin. Makikipag hiwalay na ako sayo sa lalong madaling panahon. Hindi ako bagay sa katulad mo sempling babae lang ako. Kaya sempling buhay lang din ang pangarap ko. Hindi ko kailangan ang Kayamanan ang mahalaga saakin ang kaya ako piliin araw-araw mamahalin ako ng tapat. Gusto kita Storm! Sa tingin ko unti-unting na kita Minamahal pero Hindi tayo bagay. Wala akong maipagmamalaki Sobrang natatakot ako kung sakaling magkaroon tayo ng anak. Mapanganib mapabilang sa Angkan mo Storm. Pakiusap palayain mo na ako. " Umiiyak na pakiusap ko " I Can't! Mahal kita, Hindi ko kaya." Garalgal na Tugon ni Storm Tinanggal ko ang pagkakayakap niya naglakad ako palabas ng Kwarto. Napabuntong hininga ako panay ang pagtatalo namin ni Storm nitong mga nakaraan buwan. " Manang bukas pagkaalis ni Storm pakiayos ng mga gamit ko. ILagay nyo sa malita. Aalis ako sasampa na po ako ng barko sa susunod na linggo sa hotel ako pansamantala manunuloyan." Mahinahon na wika ko Inilapag ko ang Handbag ko sa Sofa " Sige po ma'am. " Mahinahon na wika ni Manang Tumayo ako Naglakad palabas Habang naglalakad ako palabas ng subdivision nakareceived ako ng overseas call " Country Code +81 From Japan." Sambit ko Kinabahan ako " Hello. Someone gave me a picture of you. You look just like me. You're mother suddenly disappeared 26 years ago and she is pregnant back then. It's a long Story but. I call you tomorrow someone want to killed me. Please don't tell to others." Bungad na wika ng lalaki agad din naman nawala sa kabilang linya Kinabahan ako sa narinig ko sa tumawag. Agad ko tinawagan si Daddy nagtataka ako kung bakit may tumawag. Agad ko inisip na Kapatid ko yon. " Daddy magkita tayo sa Restaurant nalang Dad. May mahalaga akong itatanong sayo tungkol sa tunay kong ina. " Bungad na wika ko " Dumating na ang pahanon. Hindi ko na maitatago. Sige puntahan mo ang address na ito. Hintayin mo ako sa labas ng cemetery." Tugon ni Daddy sa kabilang linya Agad ako sumakay ng taxi nagpahatid sa Cemetery Pagkalipas ng kulang kulang isang oras nakatayo kami sa puntod ng aking tunay na ina. Nagsindi ng kandela si Daddy " Nandito na ang bunso mo. Napalaki ko siya ng maayos matapang." Mahinahon na wika ni Daddy Hindi ko alam kung bakit napaluhod ako Iyak ako ng Iyak ang tagal ko inasam na makita kahit puntod ang aking tunay na Ina. " Buntis ang iyong Ina natagpuan ko siya duguan sa tabing kalsada pauwi na sana ako. Galit na galit ako ng sandaling yon, Dahil nasaksihan ko ang Mommy mo na may ibang lalaki. Dinala ko sa hospital ang iyong Ina. To make story Short pinakasalan ko ang iyong Ina at inako ang Pinagbubuntis niya. Ang alam ko lang may gustong pumatay sa iyong Ina. Pinatay siya habang naglalakad pauwi na sana sa bahay na inupahan namin. Nasa Hospital ako ng pahanon na yon tumawag ang Mommy mo manganak na. Nagulat ako nasilayan ko ang iyong Ina Duguan at nag-aagaw buhay. Hindi ko alam kung sino uunahin ko sa mga sandaling iyon. Pero nakiusap ang iyong ina iligtas ang bata sa sinapupunan niya. Nabuhay ka kasabay ng paglabas mo ang pagpanaw ng iyong Ina. Kahit na malandi ang Mommy mo mabait naman siya. Inako ka niya pinalabas namin na kambal ang pinanganak niya. Kaya kayo naging Kambal ni Layda. Inalagaan ka ng mommy mo minahal ka na parang tunay na anak. Kaya hinahayaan ko nalang ang Mommy mo manlalaki dahil sa kabila ng lahat mabuti naman siyang Ina. Ang pakiusap ng iyong Ina kahit anong mangyari itago ka dahil mapanganib para sayo. Yon lang Wala na akong alam." Mahabang paliwanag ni Daddy Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak naiwan ako sa puntod ng aking Ina Umiiyak. Nagpaalam na si Daddy na uuwi naiwan saakin ang kwentas na na may pendant na hugis puso may larawan ng lalaki kamukha ko. Nagpadala ako ng Text message sa number na tumawag saakin " I am here now at our mother's grave. I will wait for you." Ilang sandali lang nag reply agad nanghihingi ng address kaya binigay ko ang Address sa bahay ko sa Probinsya. Pagkalipas ng ilang sandali umuwi na ako sa bahay ni Storm. Tulog na siya Pagdating ko madaling araw na ngayon. Dahan-dahan ako nahiga sa tabi niya niyakap ko Siya " Balang araw magtatagpo din ang landas natin. Babalikan kita sa pagbabalik ko saka ko pipirmahan ang Divorce papers natin. Sa ngayon hayaan mong manatili ako nakatali sayo. Maraming akong kailangan gawin. Siguro ang nagtatangka sa buhay ko yon din ang pumatay sa aking ina. Gusto naman kita Pero para bang may kulang padin may hinahanap ako na hindi ko maintindihan. Panahon na siguro para matuto akong lumaban. Huwag naman sana dumating sa punto na maging mamatay tao ako. Sana mapatawad mo ako." mahinahon na wika ko Hinalikan ko siya sa labi mahagya siya nagising " Honey." Paos na wika niya " I'm Here Hon! Pasensya kana kanina." Malambing na wika ko Niyakap niya ako kinulong sa kanyang bisig Sumubsob ako sa kanyang dibdib tahimik ako umiyak hindi ko alam kung bakit umiiyak ako. Humihilik na si Storm nakatulog ako na nakayakap sakanya Kinabukasan Paggising ko wala na si Storm pero may katabi akong White Roses Napangiti ako White rose symbolizing Apology.. " I'm sorry! I know it's my fault. please forgive me Honey. Your Free my wife." Napatingin ako sa Divorce papers sa side table. Napangiti ako pinirmahan ko ang Divorce papers. Kinuha ko din ang Black card na nakalagay sa tabi ng Divorce papers. Nakapangalan saakin alam ko kailangan ko to Inilapag ko sa Drawer sa Opisina ni Storm ang Divorce papers Bago ako Umalis nagluto ako ng iba't ibang ulam at desert nag-iwan din ako ng sulat. " Pangako, Sa muling pagtatagpo natin mas magiging mabuting tao ako. Sana sa pahanon na yon buo na ang pagkatao ko at karapat-dapat na ako sayo. Sakay ako ng Taxi papunta sa Sakayan ng bus pauwi sa bahay ko sa Probinsya. Hinayaan ko umagos ang masaganang luha sa aking mga mata. " Paalam Honey hanggang sa muli. " Piping sambit ko Tinawagan ko si Storm " Yes." Tipid na sagot niya sa kabilang linya " Goodbye Honey, Thanks for everything." Halos pabulong na sabi ko sabay patay ng tawag
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD