Araw nang Sabado at off namin pareho ni Rusty. Magdadalawang buwan na siyang parang naglilihing ewan. Ang wi-weird kasi ng mga trip niyang kainin. Tapos mas dumoble pa ang lambing niya sa akin. Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko ng sobra. Parang dinaig ko pa si Pia Wurtzbach kung titigan niya ako. “Love, baka naman matunaw na ako sa titig mong iyan?” biro ko pa sa kanya habang nilalaro ko ang tubig sa aking paanan. Siya naman ay nakalublob sa tubig at nakatingala sa akin habang yakap ang aking bewang. Kasalukuyan kaming nasa Mermaid Paradise, dahil sa request ni Aerielle. Wala rin naman siyang pasok kaya pinagbigyan namin siya. At ngayon ko lang din nalaman na pagma-may-ari niya ang lugar na ito. Kaya naman pala ang lakas ng loob niya noon, na sabihing kahit araw-arawin namin ang magpu

