Prologue

355 Words

“I’m sorry. Tawagin mo na akong duwag, pero I don’t think I deserve your love. Hindi ko kayang ipaglaban itong feelings ko for you. Palagi akong kinakain ng insecurities ko. Mahal kita pero naduduwag akong ipaglaban ka. Good-bye Rusty, I hope you’ll find someone who can give the love that you deserve. ‘Yong kaya kang ipaglaban at hindi takot ibigay ang pagmamahal ng buong-buo,” umiiyak kong wika habang nag-uusap kami sa labas ng resort.

Mahal ko siya ng sobra-sobra. Kaso duwag ako eh. Kinakain ako ng insecurities ko sa katayuan namin sa buhay. Isa pa, alam kong hindi kami bagay. Mayaman siya, samantalang ako’y isang ordinaryong mamayan lang. Wala akong ibang maipagmamalaki sa kaniya kundi ang pag-ibig ko.

“Kung isang araw magising ka’t ma-realize mo na kaya mo ng ibigay ‘yung pagmamahal mo sa akin ng buo, alam mo naman kung saan mo ako matatagpuan. Hihintayin kita Janice. Hindi ako magsasawang maghintay sa iyo, kasi mahal kita ng labis-labis. I won’t say good-bye but rather, see you soon my love,” malungkot na saad niya sa akin.

Iyon ang huling eksenang naganap sa pagitan naming dalawa. After that night, hindi ko na siya nakita ulit. Aaminin kong nami-miss ko na silang mag-ama. Lalo na ang cute at bibo niyang anak. Napapabuntong hininga na lang ako. Someday, darating din siguro ‘yung taong para sa akin. ‘Yung taong hindi komplikadong mahalin, ‘yung taong sakto lang para sa katayuan ko sa buhay.

 

Janice Britanico, 26 years old. Single, komplikadong mahalin, at NBSB until I met him. Palabiro, madaldal at malihim. I want my private life to be private. Physically, I’m on an avarage height of a Filipina with straight black hair na hanggang baywang ang haba, morena, deep set of eyes, matangos ang ilong, full lips, and thick eyebrows.

Job Description: Currently Barista at BSC

                        Hello dear readers,

Sana po magustuhan nyo itong  Bitter-Sweet Cafe Book 4 – Table 101.

I dedicate this story to my NBSB friend, Janice Britanico. Ate Han, this is for you! (binigyan kita ng love life dito ehehehe). I love you.

 

Love Lots,

Jersey Gabrielle

quotes
Author's note
notes
HELLO PO :) THIS STORY WILL START UPDATING ON AUGUST :) FOR NOW, BITTER-SWEET CAFE 1 (WHEN 2 BROKEN HEARTS MEET) ONGOING FOR THE ENTIRE MONTH OF JUNE BITTER-SWEET CAFE 2 (WHEN LOVE IS RIGHT) WILL START UPDATING ON JULY THANK YOU FOR YOUR PATIENCE PO :) LOVE LOTS, JERSEY GABRIELLE
Free reading for new users
Scan code to download app
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeAdd