Masayang nagkakantahan ang sampung estudyante ng 1st year college sa isang bus papuntang probinsya. Pinili nilang sumama sa guro nila sa Chemist sa lugar nito para magbakasyon ngayong holy week. Tutal, fiesta naman daw sa lugar nito. Dalawang guro pa ang kasama sa bakasyong iyon kaya kampante na rin ang mga magulang ng mga estudyante na pirmahan ang waiver ng mga ito. Tatlong araw at dalawang gabi lang naman silang mawawala. Natigilan sila nang tumayo na ang Chemist teacher nila. "Okay malapit na tayo, be ready, okay? ‘Yong mga gamit n’yo i-ready na kasi malapit na tayong bumaba." Inayos muna nito ang salamin sa mata bago kinuha ang bag at lumapit na sa bandang pinto ng bus. Nagkaniya-kaniya naman nang kuha ang mga estudyante ng kanilang gamit. Maraming puno at halaman silang nadaraanan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


