UMUNGOL SI ALLEAH. Nagigising na. Mayamaya ay napangiwi siya. Para kasing mahahati ang ulo niya sa sakit. "Wake up! Huwag ka nang mag-inarte d’yan!" Tumikwas ang isang kilay niya nang may nagsalita. Boses ni Kael. Galit na naman ang impakto. Bumalikwas na siya ng bangon. Nakita niya ito na nakatayo sa paanan ng kama na kaniyang kinahihigaan. "May ipag-uutos ka ba, Sir-Boss?" tanong niya habang pinupunas ang kaniyang mukha. Baka kasi may muta pa siya. Nakakahiya. Nanlisik naman ang mga mata ni Kael kasabay nang pagpamaywang. "Baka gusto mo lumabas dito sa kuwarto ko?" “Huh?” Biglang tigil siya sa kaniyang ginagawa. Nakanganga ang mga labi niyantg dahan-dahang inikot ang paningin. At para siyang nakakita ng multo nang makilala niya ang kuwartong kinaroroonan. Pinag-ikes niya ang dalawa

