PART 2

1450 Words
ILANG oras nang paikot-ikot sa mall si Alleah, pero wala pa ring nakakapansin sa beauty niya. Wala pa ring mayaman na lalaki na kumukuha ng cellphone number niya. Naiinis na siya. Ang taas pa naman ng takong ng sandal na suot niya, kinakalyo na ang kanyang mga paa. Ngayon niya masasabi na iba talaga sa probinsya rito sa Maynila. Dito ay deadma ang beauty niya, 'di tulad sa probinsya nila na halos pilahan siya ng mga manliligaw niya roon. Nakakalungkot naman. Gusto niya tuloy tawagan 'yong pinsan niya sa Canada para tanungin kung anong sekreto nito o ginawa at bakit nakabingwit ito ng mayaman at guwapo. Kaso wala naman siyang contact number sa pinsan niyang iyon. Ni hindi na nga sila nagkita na n'on, eh. Animo'y naglahong parang bula nang yumaman na. Pati nang ikinasal iyon ay hindi man lang siya nagyaya. Sabagay balita nila ay sa abroad nagpakasal. Ang pinagtataka nila ay wala man lang mga social media accounts, kahit man lang sana f******k Account, wala. Hula nga nila ay nagtatago. Madamot na porke yumaman na. Ewan nila, 'di nila masabi. Gayunman, idol pa rin niya ang pinsan niyang iyon kasi nga nakabingwit ng mayaman. Gusto niya rin ng gano'n. Ang haba-haba ng nguso ni Alleah sa simangot na tinungo niya ang sikat sa fast food chain na nakita niya. Bumili siya ng coke float, pampa-refresh niya ng utak. At muli siyang naglakad-lakad, pangiti-ngiti siya sa mga may hitsurang mayaman na lalaki na nakakasalubong niya. Pa-cute at pa-sweet para mapansin ang kagandahan niya. 'Di bale nang magmukha siyang pokpok, basta makabingwit lang talaga siya ng rich na boyfriend. "Excuse me, miss?" Hanggang sa may tumawag na nga sa kanya na isang guwapong lalaki. Moreno, matangkad at mukhang mayaman ang lalaki sa suot nitong pang-opisina. Jackpot na etey! "Yes?" pinag-blink-blink niya ang kanyang mga mata saka inabayan ng abot taingang smile niya. Thank you, Lord, nakabingwit din siya ng isa! Amen! "Um, hi," pormal na bati pa sa kanya. "Hello po," lalo niyang pinatamis ang kanyang smile. Ayan na, bes, makikipagkilala na sa kanya si Mr. rich guy. " I just wanna ask if--" "If--ano?" Naku natatameme pa, kaya mo 'yan boy! "If where did you bought that cokefloat? First time kasi namin dito sa mall na'to ng anak ko. Saan banda rito makakabili niyan?" Toinksssss! Laglag ang panga niya ng literal. Ano raw? Badtrip naman, oh! Akala niya name na niya ang tatanungin ng lalaking 'to, 'yung hawak niyang cokefloat lang pala, ay naku naman. "Saan banda pwede makabili niya, miss? Favorite kasi ng mga anak ko," tanong ulit ng lalaki sa kanya sabay turo sa mga bata roon sa 'di kalayuan. "Di ko rin alam. Doon yata sa kabilang mall," mataray na sagot niya sabay talikod. Bwisit, eh! At may mga anak pa pala! Akala pa naman niya this is it na! Nakaka-grrr naman talaga! Dire-diretso siya ng lakad. Titirik-tirik ang mga mata niya sa sobrang inis. Naiwan na lang ang lalaking napapakamot-ulo sa inasal niya. "Aaaayyyy!!!" pero sambit ni Alleah nang may nakabanggaan siya bigla. Napanganga siya dahil 'yong coke float na hawak niya ay bumaha sa may bandang dibdib niya. Kaya naman ang kulay white niyang dress na bulaklakin ay naging kulay chocolate na. Woaahhh! Kung mamalasin ka nga naman talaga, oh! ******** KAEL was in a hurry coz there was a meeting that he had to attend. And it will be held here at the mall they own too. This is now his life when his mommy gave him the responsibilities for their businesses, since his dad died of heart disease five years ago. Kaliwa't kanan na ang meeting niya at kung anu-ano pa. The word 'rest' is no longer in his vocabulary. 'Yung inaasahan niyang kapatid ay wala na kasi. Matagal nang nasa ibang bansa. 'Di na rin siya umaasa kung uuwi pa 'yon dahil tinakwil 'yon ng daddy niya noon. Paano'y nag-asawa kasi ng mahirap na babae. Dahil sa babae ay tinalikuran silang pamilya niya. At hinding-hindi niya gagayahin iyon. Itinataga niya sa bato. Kael was walking fast but what a s**t! When suddenly someone bumped him in shoulder! Pero nang makita niyang tumapon ang drink ng babae sa damit nito ay nawala ang inis niya. Bagkus naawa siya kasi naging brown na ang damit ng babae sa bandang dibdib. That's why, even though he did not know whether he was guilty or not, "I'm sorry," he still said to the woman apologetically. "Sorry?! Mabubura ba ng manchang ito sa damit ko ang sorry mo?! Tingnan mo nga ang ginawa mo sa damit ko! Tatanga-tanga ka kasi!" subalit pagtataray sa kanya ng babae. His sympathy lifted, replaces by a look of chagrin. Seriously, tinawag siyang tanga?! Eh, ang babae naman ang bumangga sa kanya? "Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo!" talak pa sa kanya ng babae habang pinupunasan nito ang damit nitong natapunan. He grimaced in annoyance. Akala mo kung sinong babae 'to, ah! Pero naisip niya na baka kasalanan nga niya kaya 'di niya ito sasabayan. Ang lalim kasi ng iniisip niya kanina. Kinuha na lang niya ang panyo sa kanyang bulsa at ibinigay sa babae. "Here. Use this, miss," and he said as calmly as possible. Kaso pahablot iyong kinuha ng babae. Mas napangiwi siya. Turn off siya sa ugali ng babae, lumaki yata sa iskuwater or talagang walang manners. Tss! "Sir, this way. Everyone is inside waiting for you," mayamaya ay isang personnel ng mall ang lumapit sa kanya. Nakita na siya. Siya kasi 'yong boss na ayaw ng special treatment. At lalong mas ayaw ng mga maraming body guards. Napaangat-ulo naman ang babae. Tiningnan siya ng pataas-pababa. "What?" tanong na niya sa babae. Kung makatingin kasi, eh, wagas na. Tapos naging tila maamong tigre na. "Tinawag ka niyang sir?" Takang-taka na rin ang mukha ng babae. A small smug smirk occupied his lips. Hindi siya ganito na pinagyayabang ang kanyang istadu sa buhay pero ngayon ay masaya siya na magyabang sa babaeng ito na akala mo ay sino. "Let's go, sir. The meeting will about to start," sabi pa sa kanya ng personnel niya. Susunod na sana siya na walang iiwanang salita sa babae pero biglang humarang ang babae kasi sa lalakaran niya. Dumipa ito para 'di siya makadaan. Because of the woman did, he now recognized her. Bumalik sa kanyang ala-ala ang babaeng humarang sa kotse niya noong isang araw sa bus terminal na pag-aari rin nila. Yeah, siya si babaeng parang adik. "Get out of my way!" pagsusuplado na niya rito. Minsan na pala siyang naabala ng babae ito, ayaw na niyang maulit pa. "Hoy! Don't english english me!" anang babae na nakaduro sa kanya. Ewan kung nagpapatawa, oh, adik lang talaga. "Miss, ano bang problema mo?" Iyong tauhan na niya ang umapila sa babae. "'Wag ka ngang makialam! Kung ayaw mong ikaw ang magbayad ng damit ko! Ang mahal kaya nito!" singhal ng babae sa tauhan niya bago siya hinarap. "At ikaw, sir? Kung sino ka mang sir ka! Eh, hindi ka pwedeng umalis!" "Tumigil ka nga baka ipahuli kita sa guard!" pananakot ng tauhan niya pero sinenyasan niya ito ng senyas na nagsasabing siya na ang bahala sa adik na babae. Dahil napansin niyang dumadami na ang tao na nakatingin sa kanila. "What do you want?" tapos kaswal na tanong niya sa babae. Pinamulsa niya ang nagngangalit niyang mga kamao, dahil inis na inis na siya sa makulit na babae. "All I want is-is-is-.." Napaisip pa ang babae. Mukhang nahirapang mag-english. Tss. "I-is... bayaran mo ang damit ko! Kasi mahal ito!" He almost barked a laugh. Pinigilan niya lang ang sarili. Ibang klase! What a lunatic! "Mahal ang pagkakabili ko kaya dapat bayaran mo!" giit pa ng babae. "Is that only you want?" tanong na lamang niya nang matapos na ang usapan. Tumango naman ang babae. Impatiently, he roamed his eyes around. At nakita niya ang department store, then pinatawag niya ang isang manager doon. "Yes, sir?" "Let her choose a clothes. And give her what she wants. Okay?" "Yes, sir." Ngumiti siya sa manager saka binalingan niya ang babae. "Go with her, and choose anything you want, miss." Gusto niyang matawa nang makita niyang napanganga ang babae. Hindi siguro ito makapaniwala, na ang tinaray-tarayan nito kanina ay ang nagmamay-ari ng mall. "O-okay po, s-sir," at ang tangi nitong nasabi sa kanya. Tumalikod na siya at walang ano mang iniwanan ang babae. This is why he hates poor woman! Damn they all!....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD