Nasa office ako ngayon ni Ceyra dahil may meeting kami, Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nandito, hindi naman ako executive or what. “Remind me again why am I here In the first place?” naka ngiwing tanong ko kay Ceyra. Nag hihintay lang kaming tumawag ang secretary niya para sabihing mag u umpisa na ang meeting nila. “The director is asking for your presence, hindi ko rin alam kung bakit,” sagot ni Ceyra sa akin. Tumango naman ako sakanya at prenteng umupo sa sofa. “Wala ba talagang namamagitan sainyong dalawa ni Zenjiro?” tanong sa akin ni Ceyra. Ngumiwi naman ako sakanya. “Wala, palagi ka nalang nag ta tanong Ceyra, ano bang meron?” naka ngiwing tanong ko sakanya dahil parang mukhang invested siya if magka karoon ba ng kung anong meron sa aming dalawa kesa sa magiging sweldo

