Nasa gitna ng pagreresearch si Raffy nang tumunog ang kanyang cellphone.
"Raphael, kumusta ka na?" A man with a calm voice said.
"Dad, nasaan ka ngayon?"Raffy said na may pag-aalala ang boses at agad pumunta sa CR. Baka kasi biglang dumating si Yna. Mahirap na.
"Nasa bahay, Okay ka lang ba? Wala bang nangyari sayo?" Ang pag-aalala nito.
"Dad, sinabi ko sa inyo na ako na ang bahala sa lahat? Delikadong magkaroon tayo ng communication". Raffy said in an annoyed voice.
"Gusto ko lang tumulong, kami ng tito Herman mo."
"Okay Dad, your silence and to stop communicating me is a big help, hintayin niyo na lang kung ako na ang tatawag for a help, is it okay Dad?"
"Okay, basta mag-iingat ka, kinukulit ako ng tito Harold mo kanina, hindi siya naniniwala na hindi namin alam kung nasaan ka, he mentioned US, baka iniisip niya na nasa ibang bansa ka."
"That was expected Dad, mas mabuti kung ganon bye!" Agad pinatay ni Raffy ang call, hindi sila pwedeng mag-usap ng matagal ng kanyang ama. Posible kasing matunton siya ng kanyang tito dahil sa gps ng cellphone. Agad niyang sinira ang sim card na kinontact ng kanyang ama. Hindi na niya tinanong kung saan nakuha nito ang cp # niya, siguradong kay Lenard. Inoff nadin niya ang cellphone na ginamit.
Though medyo malayo ang loob ni Raffy sa kanyang ama dahil sa cruel attitude nito simula nang mamatay ang mommy niya. Alam niyang mahal na mahal siya nito. He proved it noong nagmatigas siya sa paghawak ng kompanya dahil nga hindi siya interesado sa business.
Itinakwil siya nito, pinalayas sa mansion at pinutol lahat ng credit cards kapalit ng pagkuha nito sa gusto.
Sinabi pa ng ama na wag na wag na siyang babalik dahil hindi rin siya tatanggapin. Pero noong nasa ordinaryong buhay siya, alam niyang pinababantayan pa rin siya ng kanyang ama sa mga tauhan nito.
Noong nagmatured, nakarealized at bumalik din si Raffy sa nag-iisang magulang niya tinanggap pa rin siya ng buong puso. Their relationship is not that sweet like other father and son but the love is unconditional but it is not showy.
"Mukhang pinatayan ka ng mabait mong anak ah?!"
Herman said habang nagkakape.
Henry and Herman are sitting at the Mondragon Mansion's living room habang nagkakape.
Humigop muna si Henry ng kanyang coffee na nakalagay sa isang mamahaling white cup. "Ano pa nga ba ang inexpect natin, ang importanti ligtas siya, ayaw ko ng pamasukan ang mga desisyon niya ngayon Herman, you know my son, gusto niya gusto niya. The only thing i can do for now is to protect him in any means i can do."
"So, hindi muna tayo pwedeng gumalaw like what he said, gusto ko nading tumulong para mapadali pero masyadong risky para sa kanya". Herman replied.
"Let's respect his decision, i trust my son". Ang determinadong wika ni Henry.
_______________________________________
Maagang nakauwi si Yna dahil friday, 3 pm nasa apartment na siya.
Sakto ding paglabas ni Raffy sa CR ay ang pagluwa ng pinto kay Yna galing sa labas.
"Hello Sir" She said and smiled.
"Maaga kang umuwi?" He replied.
"Oo eh, may inutos kasi sakin si maam Alyana sa labas, report na pinasa sa Mondragon Villa, after nun di na niya ako pinabalik sa office".
"Kaninong mansion sa Mondragon Villa ang pinutahan mo?" Medyo nacurious na tanong ni Raffy.
"Mansion ni sir Harold Mondragon, yung Vice Chairman ng MC Company, kilala mo ba ang mga Mondragon?" Ang pagtatakang tanong ni Yna. She is expecting a yes to him.
Bigla namang nagulat si Raffy, nagkamali ata siya ng words.
"Oo, diba kilala naman ang pamilya nila, there company is one of the most influencial company, right?" Agad namang nakaisip ng alibi si Raffy.
"Ah, makatanong ka kasi parang kilala mo sila individually". She said pero ang tono ng boses ay walang ibig sabihin.
Sandaling hindi nakasagot ang kausap kaya pumasok nadin si Yna sa loob ng kwarto.
Ilang segudo pa ay sinundan siya ni Raffy sa kwarto.
"Yna, ano yung report......" Napatigil si Raffy sa pagsasalita nang hindi niya namalayang nasa area na pala siya ni Yna at kasalukuyang naghuhubad ito ng polo blouse.
Kitang kita niya ang nakabra lang na katawan nito kahit nakatalikod dahil sa mirror reflection. Nakaharap kasi si Yna sa salamin habang naghuhubad.
Noong isang gabi nakita lang niya sa medyo madilim at ngayon napaka klaro na sa mga mata niya ang makinis at maputi nitong katawan at malulusog nitong dibdib dahil may ilaw.
The navy blue bra she's wearing adds to her sexyness. Mas lalong nakaramdam ng erect si Raffy sa ibabang bahagi niya. To the point na parang gusto na niya itong yakapin at hawakan ulit.
"Aaahhhhh!" Napasigaw si Yna dahil sa pagkagulat nang mamalayang nasa likod niya si Raffy na agad tumalikod galing sa pagkakaharap sa kanya.
"S-sorry, sige magbihis kana!" agad naman itong umalis.
"Ah okay lang sir, magbibihis na muna ako".
Lumabas ng kwarto si Raffy at pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Dahil sa nag-init ang katawan at nakaramdam ng biglang pagka uhaw, naubos niya ang 500ml na mineral water.
"s**t, hanggang kailan ko ba matitiis na wag galawin ang babaeng to, bakit ang ganda pa kasi niya?" Ang tanging naisip na lang ni Raffy sa oras nayon." Ang na wika niya sa sarili.
Bigla siyang napalingon nang lumabas si Yna galing kwarto.
Ang style kasi ng apartment, pag nanggaling ka ng kwarto, deretso lang makikita na ang kitchen at sala.
"Sir, ano sana yung itatanong niyo kanina?" Ang bungad ni Yna sabay hakbang sa refrigerator.
Parang sinaniban ng masamang demonyo si Raffy at biglang di na niya nakontrol ang nakatagong pagnanasa sa babaeng kaharap niya ngayon.
Bigla niyang sinalubong si Yna na papalapit sa kusina at hinalikan. Napansin niyang medyo umiiwas ito sa halik kaya hinawakan niya sa baywang.
Habang si Yna ay gulat na gulat but she can't resists to the sweet kiss of a strange man. Hindi niya alam bakit ilang segundo niya itong hinayaan sa kanyang ginagawa.
Natauhan lang siya nang biglang naramdaman niyang nasa breast na niya ang mga kamay ni Raffy, almost in her inside.
Lumayo siya sa katawan ni Raffy na ilang segundo ring nakadikit sa katawan niya. His body is so warm that gives her a comfortable feeling. Pero hindi tama ang nangyayari.
"Raffy, what are you doing?" The only thing she said. She don't know kung sasampalin ba niya ito o ano. Basta, gulat na gulat siya. Isa lang ang naitanong niya sa oras na iyon, nagsisisi ba siya na pumayag siyang makipag roomate sa isang lalaki?.
Hindi siya makagalaw hanggang sa lumapit ulit si Raffy sa kanya pero sa three step forward ni Raffy ay three step backward naman ang ginagawa niya para umiwas. Hanggang sa mapadikit siya sa wall na malapit sa door ng kwarto.
Wala na dikit na dikit na ulit ang katawan nila ng lalaking ito. Habang ang isang kamay ni Raffy ay nakahawak sa pader kung saan nakadikit din ang katawan niya. Hindi talaga siya papaalisin ng lalaki for him to locked his arm like that.
"Yna, do you know what is the result of allowing yourself to leave with a man?, Hindi mo ba alam na maganda ka, you're igniting the man's eagerness to make love with you". Ang pabulong na wika ni Raffy. Hahalikan na sana siya nang biglang..........
tumunog ang cellphone ng lalaki na nasa bulsa nito.
Nadistorbo ito sa gagawin niya sana at nabaling ang atensyon sa phone niya na kasalukuyang nagriring. Umalis ito mula sa pagkakadikit kay Yna at sinagot ang call.
Habang si Yna, natulala at agad bumalik sa kwarto. Di parin mag sink in sa utak niya. Hindi naman siya dating ganun. Matouch lang siya ng lalaki, gumagana na agad ang adrenalin rush niya para lumayo at umiwas pero kakaiba si Raffy para itong may power na kaya siyang patigilin.
For her belief, it is her first time kiss, first time mahawakang ng lalaki ang katawan. Yes she is till virgen, virgen sa lahat. Wala siyang kamalay malay na pangalawang beses na pala iyon.
Though maganda siya, subrang umiiwas kasi siya sa mga lalaki, ayaw lang niyang may mangyaring sisira sa mga pangarap niya.
Pero ngayon what happened, he is leaving with a man. Ayaw niyang lokohin ang sarili niya pero nakaramdam siya ng kiliti habang may ginagawa si Raffy sa kanya. The kiss, the touch of his hands to her body ang breast. Lahat nun nagbigay kiliti in her whole body and soul.
_______________________________________
"Sir Raffy, we have a good news, one of them found out something. Naiforward ko na sa messenger mo, you can check it now". Lenard said with full of excitement.
"Okay!" Agad na bumaba si Raffy galing sa rooftop. Dahil sa pagmamadali, hindi niya napansin si Yna na kasalukuyang nasa kusina at nagluluto.
Habang napapaisip si Yna nang makabalik si Raffy sa paningin niya.
"What?Ganun lang?dadaanan lang ako pagkatapos ng ginawa niya? O baka naman nahiya siya sa ginawa niya kaya di niya ako pinansin?" She said with anger in his mind.
Raffy was surprised to what he saw unexpectedly on the CCTV footage of the junkshop last two months. The red car of his deceased mother arrived at the junkshop and a man that is not familiar to him ay lumabas sa sasakyan.
The man is in his 40s na nakasuot ng suit. Medyo malaki ang katawan ng lalaki na may bogete, may mga kasama itong dalawang men in black. 15 minutes itong nasa loob ng junkshop at saka lumabas. Tinapon pa nito ang ubos na niyang sigarilyo at saka pumasok sa sasakyan kasama ang mga kasama at ito'y umalis.
Dahil isa siyang magaling din na hacker, nagawa niyang matrace kung sino ang lalaking iyon. The man is Salvador Smith, isang negosyante na mayroong mga bar na currently operating.
Malakas ang kutob niya na kasabwat ito ng kanyang tito Harold sa mga illegal operations nito. Naalala niya ang binabasa niyang mga cases ng kanyang tito, may kaso ang kanyang tito na involved ang lalaking yun. But like his uncle, hindi rin nakulong nang dahil sa walang sapat na ibidensya.
Lumalalim na ang iniisip ni Raffy, naalala din niya ang nakita niyang picture sa cellphone ni Yna.
"Who the hell are this people?", ang kalmang naisagaw ng kanyang utak".
Biglang naputol ang iba pang iniisip ni Raffy nang mag pop-up ang notification niya. May dumating na message si Lenard sa kanya attached with a file.
Message: Sir Raffy, ang information na binigay ng agent sakin about your roomate, sorry nakalimutan kong ibigay kahapon, ??
Minsan talaga tong si Lenard, minsan napagkakamalan niyang bakla. Hindi masyadong masculine ang mga galaw at style or nakasabay lang talaga ito sa modern world?
Hindi na nagreply si Raffy at agad na binuksan ang file. Medyo kinabahan siya, baka kasi tama siya at isang spy si Yna. Kahit naman napakaamo ng mukha nito, wala parin siyang tiwala dito.
Nakahinga siya ng malalim when he found out that Yna is the daughter of their former family doctor. Sebastian Gonzales.
So kaya pala, may parehong picture sila ni Yna, bigla itong napangiti nang marealized niya na nagkita na pala sila ni Yna noong mga bata pa sila. What a small world. Yna should not be aware about it, after all, he is not Raphael now but hidding in the identity of Raffy Salazar.
Hindi na nang invite si Yna for dinner, kumain siyang mag-isa. Baka kasi pag nagsimula siya ng conversation baka may mangyari na talaga. Hindi niya makalimutan ang last word ni Raffy. MAKE LOVE WITH HER?"
10pm! Naghanda si Raffy sa gagawin niya mission sa gabing yun. Tulog na si Yna, simula noong nagyari ay hindi na sila nagpansinan sa dalaga. His mind is focused in his new discovery than what had happened that afternoon.
Nagbihis na siya, isinabit sa tagiliran niya ang kanyang loaded 45 na baril, folding knife sa bulsa niya, maliit na wallet at cellphone sa inside pocket ng black leather jacket niya. He wears a cap and a mask. Mahirap siyang maaninag sa dilim dahil nakafull black siya, head to toe. Dahan-dahang siyang lumabas ng apartment.
Pumarada ang sasakyan ni Raffy di kalayuan sa bar kung saan isa sa pag mamay-ari ng hinahanap niyang lalaki na si Salvador Smith.
Bago siya gagawa ng action, nag observe muna siya, mula sa iba't ibang bahagi ng building, sa mga taong pumapasok, lumalabas at nakatambay sa labas ay binasa niya ng maayos.
Isa siyang dating pulis kaya malakas ang instinct niya sa tao kung masama ba ito o hindi. May mga normal na taong ganun malakas ang self instinct pero siya, mas nadevelop dahil sa dati niyang trabaho.
Maya-maya, may kumatok sa window ng kotse niya. Nang lumingon siya ay isang maganda at nakasuot ng sexyng babae na nasubrahan sa make up. Nagets na niya agad na isa itong prostitute na marahil nagtatrabaho sa isa sa mga bar doon.
Binuksan niya ang glass window ng sasakyan niya.
"Hi handsome, you want service?I'll make you the night." Ang malandi nitong tanong kay Raffy.
"Hello miss beautiful, you want money? I want you to answer me honestly!" Ang isinagot ni Raffy sa babae. Wala siyang oras sa s*x kahit pa medyo matagal tagal nadin siyang hindi nakakapaglabas. Kung makikipag s*x din naman siya, she want Yna, the woman he is currently craving.
"Yes of course sir"
"Kilala mo ba sino ang may-ari ng Olympus Club nayan?"
"Yes sir, si Salvador, ang demonyong boss namin, bakit mo siya hinahanap?"
"May kailangan lang sa kanya, anjan ba siya ngayon?"
"Oo sir palaging anjan yan, kada gabi, anjan kasi ang malaking investment niya"
Gamit ang kamay, suminyas ito na ilapit at ipasok ng babae ang kanyang ulo sa loob ng sasakyan. Napansin kasi niyang nakatingin ang mga nakatambay na lalaki sa labas ng bar. Agad namang sumunod ang babae.
"Ok, thank you" saka inabot ang 5k galing sa wallet niya. "Kapalit ng paglimot sa gabing to na may nagtanong sayong isang lalaki". Ang pabulong nitong wika sa babae na kasalukuyang napakalapit ng mukha nito sa kanya.
Nagets naman agad ng babae. Ngumiti ito nilagay sa boobs nito ang pera. Agad na umalis ito mula sa kanya.
Hindi maintindihan ni Raffy kung bakit nang ilapit ng babae ang mukha nito sa kanya ay si Yna parin ang nakikita niya. Anong nangyayari sa kanya? Is he really want Yna that much? Pero nasa kalagitnaan siya ng kanyang mission, gusto na niyang tapusin ito dahil parang gusto na niyang makita si Yna ulit.
Agad siyang pumasok sa bar, hindi siya nagpahalata na may masamang binabalak, pumasok ito na parang normal lang na taong pumapasok sa isang bar.
Maingay at magulo, like what is expected in the area like that. Pumunta siya sa bar table kung saan humingi siya ng maiinom sa bartender na kasalukuyang busy sa iba din costumer.
Malikot ang mata niya, naghahanap ng clue kung saang sulok ng bar na iyon niya matatagpuan ang hinahanap niya.
Ilang minutong pagmamatyag, may nakita siyang mga men in black na nagmamadaling pumunta kung saan. Agad naman siyang pasekretong sumunod sa mga ito.
Tama nga ang hinala niya, nakita niya ang mga lalaking pumasok sa isang kwarto sa 2nd floor ng bar na kasama ang hinahanap niyang lalaki. May mga babae sa magkabilang gilid nito na yakap yakap niya.
Tumingin tingin siya sa paligid, mukhang hindi napupuntahan ng kung sino ang area na iyon. Wala siyang ibang taong nakikita kung hindi ang tauhan lang ni Salvador.
Walang ano-ano ay lumapit siya sa apat na men in black na agad namang hinarangan siya.
"Hoy, sino ka?anong ginagawa.....!?" Hindi pa tapos magsalita ang lalaki ay tinamaan na ito ng suntok na galing sa kamao ni Raffy.
Agad naman umatake sa kanya ang tatlo pa.... isang minuto lang ata napatulog na ni Raffy ang apat na lalaki. Mabuti na lang at sound proof ang kwarto kung nasaan si Salvador.
Dahan-dahang niya binuksan ang pinto ng kwarto. Inihanda ang kanyang baril dahil baka may mga lalaki pang tauhan ni Salvador sa loob ng kwarto.
Nang makapasok siya ay nakarinig siya ng boses.
"Marco, diba sinabi ko ng....."! Hindi natapos ni Salvador ang sasabihin nang maaninag ang isang hindi familiar na lalaki galing sa madilim na parte ng pintuan.
Nakafull black ito at hindi nakikilala dahil nakatakip ng mukha. Nakahawak ito ng baril at nakatutok sa kanya. Agad siyang nakaramdaman ng takot kaya dahan-dahan sana niyang kukunin ang baril niya sa tagiliran niya ngunit nagsalita si Raffy.
"Subukan mong kunin yan, hindi kana aabutan ng bukas". Ang firm at nagbabatang wika ni Raffy habang nakatutok parin ang baril kay Salvador.
Habang ang mag kasamang babae ay takot na takot na nagtago sa likod ng coffee table ng sofa na kasalukuyang inuupuan ni Salvador.
"S-sino ka, wag mo akong papatayin, gusto mo ba ng pera bibigyan kita, M-magkano ba ang gusto mo?" Ang nanginginig at takot na sambit ni Salvador habang nakaluhod sa nakatayong si Raffy. Napaluhod ito nang dahil sa takot.
"Bakit mo hawak ang sasakyan ni Veronica Mondragon, bakit na sayo!?" Ang galit at pasigaw na wika ni Raffy.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!" Akma nanaman niya kukunin ang baril sa tagiliran ngunit napasigaw siya nang biglang kinalabit ni Raffy ang baril at ipinutok sa kung nasaan ang baril niya, at dahil nakahawak ang kamay niya sa baril, nadaplisan ito ng bala na galing sa baril ni estrangherong lalaki. Napasigaw ito sa sakit.
Linapitan siya ni Raffy at mas initutok pa ang baril sa ulo niya. Slight lang itong umupo sakto lang para magkatapat ang mukha nila.
"Pag hindi ka nagsabi ng totoo, hindi lang yan ang aabutin mo, anong koneksyon mo ki Harold Mondragon at bakit nasa iyo ang sasakyan ni Veronica Mondragon?" Ang mas galit pang wika ni Raffy na halos mabutas na ang ulo ni Salvador dahil sa diin nitong pagkakatutok sa baril sa ulo niya.
"S-s H-harold, "ang hindi maipagpatuloy na wika ni Salvador.
Nabigla si Raffy, sinasabi na nga ba niya at tama siya ng hinala.
"Anong si Harold!?"Ang pasigaw na wika ni Raffy.
Habang ang mga babaeng bayaran sa loob na kasalukuyang nakawitness ng pangyayari at umiiyak dahil sa takot ay patuloy parin sa pagsigaw evertime na galit na pasigaw na nagsasalita si Raffy at idinidiin ang baril sa ulo ni Salvador.
"I-inutusan niya akong kumuha ng professional hitman na marunong sa gusto niyang mangyari at ibinigay lang niya sakin ang sasakyan dahil kinailangan ko ng hindi rehistradong sasakyan!, yun ang kapalit sa pabor niya..yung sasakyan, wag mo akong papatayin, sinabi ko na,..... sakin siya lumapit dahil may mga kilala akong gunman, yun lang,wala akong ginagawang masama, pakiusap". Ang magulo at nanginginig na wika nito nang dahil sa takot.
"Sinong lalaki ang inutusan niya!?"
"Hindi ko alam, hindi ko alam! Binigyan ko lang siya ng mga contacts ng mga ito, hindi ko talaga alam sino sa kanila, nasa kanyang cellphone lang ang contacts ng mga gunman, please wag mo na akong patayin, sinabi ko na lahat sayo ang nalalaman ko". Ang patuloy paring takot at nasasaktang si Salvador.
"Bakit ang sasakyan ni Veronica ang ginamit sa krimeng iyon?"
"Hindi ako sigarado,, nagtaka din ako bakit niya kinuha ulit yun sakin, sabi niya may ibedensya doon, matagal na niyang kinuha yun, sa tingin ko, mahalaga sa kanya ang sasakyang yun!"
Nang makakuha ng sapat na information. Ipinukpok niya ang kanyang baril sa ulo ni Salvador. Dahilan para ito ay mawalan ng malay.
"Kayo!" Kung gusto niyong mabuhay!,manahimik kayo!" Ang medyo pagbagsak na wika ni Raffy sa mga babaeng kasalukuyan paring nakatago sa likod ng coffee table.
Tahimik na umalis si Raffy sa lugar na iyon. Napaisip si Raffy at galit na galit habang nagmamaneho, sigurado na siya na ang kanyang tiyuhinh si Harold ang may kagagawan ng lahat.
Hindi pa niya matrace kung ano ang dahilan ng kanyang tito na kunin ang sasakyang ng kanyang ina. Malakas ang kutob niya na may kinalaman din siya sa pagkamatay nito. Basta ang alam niya, kailangan niyang mahanap ang ginagamit na cellphone ng kanyang tito sa mga illegal at krimen nitong mga ginagawa at ginawa.
Pinuntahan niya agad ang bahay ng kanyang tiyuhin, dahil taga Villa din siya, alam niya kung saan siya dadaan nang hindi dumadaan sa main gate.
Tinahak niya ang isang kagubatan na kapag ipinagpatuloy mo ng deretsong paglalakad, ay lalabas ka sa backyard garden ng Mansyon ng mga Mondragon. Malawak ito kaya medyo malayo layo na ang mga masyon. Tanaw niya ang tatlong mansyon na may dalawang kilometro ang layo sa isa't isa na ang tanging gap ay ang mga malalaking puno.....
Ang nasa right side niya ang Mansyon ng pamilya, kung saan siya lumaki. Ang nasa gitna ay ang itinayong mansyon ng kanyang mga magulang para sa kanya. At ang nasa left side na mansion ay ang pag-mamayari ng kanyang tiyuhin kung saan dapat siyang pumunta.
Tahimik ang paligid at madilim. Tanging ilaw lang ng mga mansyon ang nagbibigay liwanag sa paligid na limitado lang ang reflection. Dahil sa lawak ng Villa, halos di mo maaninag ang mga tao.
Ilang minuto pa ay nasa harap na siya ng mansyon ng kanyang tiyuhin. Alam niya ang pasikot-sikot dito, nakapasok siya ng malaya sa opisina ng kanyang tiyuhin, doon ang una niyang pinuntahan dahil nasa first floor. Gamit ang skill niya, nabuksan niya ang door sa likod nga ng opisina.
Tahimik, walang tao at madilim. Nagsimula siyang maghanap. But unfortunately, wala siyang nakita. Dahan-dahan siyang umalis nang marinig na may paparating. Nagtago muna siya sa labas bago tuluyang umalis.
Napatitig si Raffy sa mga kamao niya habang nagmamaneho, nagdurugo ito, marahil nasaktan sa pambubugbog niya sa mga tauhan ni Salvador kanina. Nagwoworry siya na baka mapansin ni Yna.
12:30 am na siyang nakabalik sa apartment. Sinilip niya sa kabilang parte ng kwarto si Yna. Mahimbing itong natutulog.