Stacy's POV: Pagkatapos ng nangyari kahapon sa battle ay iyong ibang studyante sa academy ay sobrang sama ng tingin sa amin. Hindi siguro nila nagustuhan ang ginawa namin kay Maya. Psh! It's her fault anyway. Lintik lang ang walang ganti. Kinwento naman sa amin ni Jordyn kung paano sa humantong sa sitwasyon na iyon. Papunta na sana siya building kung saan ang room namin ngunit hinarangan siya ng mga alipores ni Maya. She tried to fight back pero dumodoble ang bilang nila kaya't hindi niya kinaya at napagod. Doon nila kinuha ang pagkakataon para dalhin siya sa loob ng gubat. Dahil sa nangyari na 'yon ay hindi na namin suya pinapayagan mahiwalay sa amin dalawa ni Trixie. Ngunit hindi ko makalimutan 'yong mga tumulong sa amin. Natatakpan ng pulang maskara ang kanilang mga mukha kaya hindi

