Pagkalabas ko pa lang ng coffee shop after my work, natigilan ako nang makita ko ang naka-park na malaking sasakyan ni Blayz sa tabi. Napangiti ako nang makita ko siya na nakasandig sa harapan ng kanyang sasakyan. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya. Hinalikan naman niya ang aking ulo at niyaya na niya akong umalis. Nang makasakay na kami sa loob, napatili ako nang agad niya akong hinila at mapusok niya akong hinalikan sa labi. Pumulupot naman ang aking mga kamay sa kanyang leeg habang impit akong umuungol sa masarap niyang halik. Humihingal ako nang maghiwalay kami at ngumisi siya sa akin. “I miss you, sweetheart…” sabi niya at hinalik-halikan niya ang aking leeg. “I am so hungry but not for food.” sabay tapik niya sa aking gitna. “Ano pang hinihintay mo? Umuwi na tayo.” sa

