Sinuot ko ang baking gloves at binuksan ko ang oven nang tumunog na ito. Nilabas ko ang casserole pot na naglalaman ng niluto kong pot roast na first time kong ginawa. Nakita ko lang ito sa Youtube at mukhang masarap siya, pero matagal nga lang lutuin. Wala akong klase ngayon at nasa tarabho si Blayz kaya nag-decide ako na puntahan siya para bigyan siya ng dinner at ng kanyang mga kasama. Katatawag ko lang sa isa niyang kasama na si Zmoke at kinonfirm niya na nandoon sila sa firehouse. Mabuti na lang at wala silang rescue na ginagawa at hindi naman daw sila busy. Sinabi ko rito na huwag sasabihin na pupuntahan ko si Blayz at nag-promise naman ito na wala siyang sasabihin. Nakuha ko ang number niya sa kaibigan ko at hidni ko alam kung anong namamagitan sa kanila. Binuksan ko ang pot at am

