Agad akong nag-message kay Blayz na nakauwi na ako ng bahay nga hapong ‘yon. Agad kong ni-lock ang mga pinto nang makapasok ako at pinatay ko ang security alarm gamit ang bagong password nito. It’s been a tiring day dahil na rin sa mga ginawa kong school work and I have to finished some parts of my research paper too. Mahirap pero kakayanin ko naman. At least wala na akong trabaho ngayon kaya makakapag-focus na talaga ako sa pag-aaral ko. Habang lumalapit ang pagtatapos ng semester ay siya naman rumarami ang ginagawa namin. Malakas akong bumuntong hininga at bagsak akong umupo sa sofa. Tinanggal ko ang aking shoes at nilagay ang aking mga paa sa ottoman na hinila ko palapit. Napapagod ako sa kakalakad, tatakbo sa buong college dahil na rin sa pagkuha ng mga research materials. I have bee

