CHAPTER 14

956 Words

“I don’t know who they’re from,” ulit ni Bianca. Ayaw niyang makita yung sakit sa mata ni Jean. Ayaw na niyang madagdagan pa ang mga kalbaryo sa buhay niya. Pero may galit na nakita sa mata ni Jean nung sinabi niyang, “Hindi mo alam kung saan galing ‘yan? Nagbibiro ka ba? Akala mo ba’y tanga ako? Bianca Rayne, halos isang linggo pa lang tayo bumalik, tapos may isa ka nang lalaki sa buhay mo? Kung platonic lang, anong lalake ang mag-aaksaya ng ganung kalaking pera para magpadala ng bulaklak?” Hindi na kaya ni Bianca yung titig ni Jean. Alam niyang wala siyang ginawang mali. Malinis ang konsensya niya. Totoo na hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng mga bulaklak. “Pupunta na ako sa trabaho.” Tumalikod siya kay Jean at dahan-dahang inihagis ang mga bulaklak sa basurahan na malapit,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD