Whoosh! Isang dambuhalang maitim na apoy ang bigla na lamang binato sa kaniya ng dambuhalang halimaw na Ocean Black Bat na siyang iniwasan nito. Ngunit tila naging isang maling desisyon ito upang mawala ang atensyon niya sa kasalukuyan nitong kalaban. BANG! Malakas na tumalsik si Cháng Shan nang bigla na lamang siyang sinipa sa bandang likuran ng malakas ng kalaban niyang nakamaskarang itim na nilalang dahilan upang lumayo ang distansya niya. Agad namang naibalanse ni Cháng Shan ang sarili niya upang lumipad paitaas. Mayroong kakaibang inis na gumuhit sa mukha nito. Halatang dinadaya siya ng kalaban niya. Bigla na lamang sumulpot ang magandang dalagang si Mèng Shuchun sa tabi ni Cháng Shan. "Ikaw na ang bahala sa pesteng nilalang na iyan habang ako na ang bahala sa pesteng halimaw

