Finley's Pov *** "Saan ka pupunta?" tanong ni Sharma nang tumayo agad ako nang marinig ko na ang tunog nang bell. "Sa cafeteria tayo guys" sabi ni Sandra "Mauna na kayo. Pupuntahan ko muna si Zion" sabi ko sa kanila "Ay ganun? Namiss agad" sabi ni Sandra at tumawa. Buti naman at hindi na ito masyadong bitter. Well sometimes nalang. "Sige una na kayo susunod nalang ako. Bye" sabi ko at agad na lumabas sa room. Tumakbo naman ako patungo sa kabilang building which is ang building ng engineering. Gusto ko lang siya surpresahin eh hahaha. Nakasalubong ko naman sina Logan, Ayden, Mason, at Xavier. Pero hindi nila kasama si Zion. Nasaan kaya yun? "Nasaan si Zi?" untag ko. Nagkatinginan naman silang apat at parang nagpaplano kung sino ang magsabi sa akin. "Ikaw nalang ang magsabi Mason.

