Tintin POV Halos magkasunod lang kaming dumating ni Mutya sa tagpuan namin dito sa isang mamahaling restaurant. Hindi ko naman afford ang mga presyo dito pero hindi naman ako ang gagastos. Ngayon kasi ang araw na sinabi sa akin ni donya Agatha na sinet-up nyang blind date para sa akin. Eto ang pinag-usapan namin nung birthday ni Mutya. Hindi ko akalaing seryoso talaga si donya Agatha. Nung una ay ayaw ko naman talagang pumayag dahil nahihiya ako makipagkita sa taong hindi ko kilala, pero nung sinabi ni Mutya na sasamahan nya ako at sa kabilang lamesa lang daw siya magmamatyag ay pumayag na rin ako. Kaya andito at magkasama kami ngayon. Isinama ni Mutya ang kanyang bunsong anak na si Kyle, isang taong gulang na. Iniwan naman nya sa kanyang mga biyenan ang dalawa pang anak. Inagahan talaga

