Tintin POV Mahina kaming nagbubulungan ni Mutya habang naglalakad kami papunta sa bar na nasa basement ng bahay nila. “Bakit ba kailangan yung brief pa ni Andrew at yung nagamit pa?”usisa ni Mutya. Napasimangot naman ako. “Aba ay malay ko ga sa albularyong yun. Basta nakalagay sa listahan nya eh.” “O tapos? Anong gagawin?” tanong pa nito. Nagbubulungan na kami pero mas inilapit ko pa ang aking bibig sa kanyang teynga para siguradong walang makakarinig. “Amuyin ko raw sa loob ng isang oras tapos ihilamos ko sa mukha ko.” Nanlaki ang mga mata ni Mutya. “Anooo?!?! Gagawin mo yun?” gulat at malakas na sabi nito. Humagalpak naman ako ng tawa. “Joke lang.., ano ka ba?“ namilipit ako sa katatawa habang nakaturo sa mukha ni Mutya na ngayon ay gulat na gulat. “Para kang tanga! Kadir

