Tintin POV “Dalian mo, sasama tayo kina mommy.” ani Mutya habang kinakalog niya ako sa balikat. Nakadapa kasi ako sa kama at sobrang bigat ng aking katawan dahil wala ako kagana ganang tumayo. “Saan?” walang gana kong tanong na nakasubsob ang mukha sa unan. “Sa kabilang bayan, sa mga kaibigan nya. Sa La Pâtisserie Royale. Masarap daw ang mga pastries dun.” excited nitong sabi. “Sige.” napipiltan kong sabi at saka tumayo. Nakakahiya namang mag-inarte sa imbitasyon nina donya Agatha. “Problema mo?” ani Mutya na nahalata yata na matamlay ako. “Tinatamad kasi akong sumama, nakakahiya naman kay tita na wag sumama.” tugon ko habang naghahanap ng maisusuot. “Mabuburaot ka lang dito, wala kang kasama. Lahat kami pupunta. Si Andrew naman kanina pa umalis.” Napakislot ako ng marinig ang pan

