Chapter 20

927 Words

Dumaan muna ako sa mansion para kunin ng isang papeles sa opisina ni dad. Wala pa sila ngayon ni mommy, kagagaling lang ng mga ito sa abroad at malamang ay kalalapag lang ng eroplanong sinakyan nila. On the way na rin si mang Isko, ang aming driver para sunduin sila. Paalis na sana ako nang mapansin kong naupo sa sofa si mang Isko. itiningala nito ang kanyang ulo na parang sumasakit ang ulo. Nag-aalala ko siyang nilapitan. “Ayos lang po ba kayo?” tanong ko sa kanya. Nakapikit lang ito. “Medyo, nalulula yata ako.” ani mang Isko. Agad kong tiningnan ang kanyang blood pressure. Napakataas nito. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at mabilis ko siyang inalalayan papasok sa aking kotse at isinama ang isa pang kasambahay. Dinala ko agad siya sa pinakamalapit na hospital. Nang masiguro kong ok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD