"Cahya, tara na," pag-aaya ni Nanay sa akin habang dala-dala niya ang bayong niya.
"Opo Nay, tinatali ko na lang buhok ko." Mabilis kong tinirintas ang kulot kong buhok para maayos at hindi buhaghag ang buhok ko dahil mamamalenhmgke kami ni Nanay.
"Dalian mo na, may nakuha ng trisikel ang Kuya mo," sabi ni Nanay na halong may pagmamadali.
Agad akong tumayo at kinuha ang payong na malaki just incase umulan. Matagal-tagal din siguro kami sa palengke dahil maghahanap pa si Nanay ng mga iluluto at mga panghalo na mura lang. Iyong swak lang sa budget namin.
Bukas na kasi ang birthday ko at napandesisyunan namin na kainan na lang ang magaganap bukas. Kami-kami lang din naman ang nandoon plus si Sab na bisita, pero hindi na siya matatawag na bisita dahil parati siya napunta sa bahay namin dati pa. Wala din siyang palya sa pagpunta sa birthday ko, ang bukod tanging nag-iisa kong kaibigan.
"Tara na po, 'Nay." Aya ko sa kanya sabay lakad palabas ng bahay. Mabuti na labg nakasakto si Kuya ng trisekel kundi malayo layo pa ang lalakarin namin pag nagkataon.
"Jason, gisingin mo na maya-maya ang Itay mo para makapag-kape na kayo." Habilin ni Nanay kay kuya na tumango lang. Ala sais pa lang kasi ng umaga, ngayong walang pasok si Tatay dahil sabado ay hinahayaan ni Nanay na matulog ito hanggang ala siyete ng umaga.
"Opo 'Nay, ingat kayo." Tumango si kuya at naglakad na papasok sa bahay habang humihikab pa dahil kakagising lang din nito.
Agad kaming sumakay sa loob ng trisekel ni Nanay.
"Anak, pag pasensyahan mo na ha at sa bahay lang ang handaan natin. Ni wala kaming regalo ng Itay mo sa iyo." Agad kong hinawakan ang kamay ni Nanay at ngumiti.
"Nanay naman, okay lang po kahit wala kang regalo sa akin. Naiintindihan ko naman po, tsaka mas gusto ko nga po iyong simpleng kainan lang." Ngumiti naman si Nanay sa akin.
"Nako, napakaswerte ko naman sa anak ko. Maganda, mabait, matalino at napakabait pang bata." Pagmamalaki ni Nanay na kinatawa ko na lang.
"Naku, nambola na," natatawa kong sambit sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa palengke. Agad na pumunta si Nanay sa may gulayan para mamili, may daladala pa siyang listahan sa lahat ng bibilhin niya.
Binuklat na ni Nanay ang mahaba niyang listahan na kinatawa ko.
"Aling Beba, magkano ang repolyo niyo?" Tanong ni Nanay sa isa niyang suki na nagtitinda.
"Oy, andito ka pala Luz, kasama mo ang napakaganda mong anak. 100 lang per kilo ng repolyo." Nakatingin sa akin ang matanda at ngumiti na lang ako sa komento niya.
"Oo, siya tagahubat ko." Nakangiting sabi ni Nanay sa matanda. Kahit noong bata pa ako, ako talaga tagabitbit ni Nanay hanggang ngayon, parang assistant niya ako. Hindi sa nagrereklamo ako
"Aling Beba, 90 pesos na lang kasi dalawang kilo naman bibilhin ko dyan tapos bibili pa ako ibang gulay mo, hindi na ako lalayo basta bigyan mo ako discount." Pangbla-blackmail pa ni Nanay na kinangiti ko na lang. Napailing na lang ang matanda kay Nanay na parang sanay na sa ugali nito.
"Ano pa ba magagaw ako, hala sige." Parang nagliwanag naman ang mata ni Nanay at nagsimula ng manguha ng mga gulay habang ako ay nag-aabtay lang sa kanya.
Napansin ko na nagtitinginan na naman sa akin ang ilang nga kalalakihan at ang iba ay simisitsit pa. Hindi ko na lang pinansin at nagbibingihan ako.
Ilang minuto pa ang ginugol ni Nanay sa gulay hanggang sa nakapagbayad na siya kay Aling Beba at kinuha ko na ang kahat ng pinamili niya at nilagay sa bayong na dala niya. As usual ako ang nagbitbit dahil ayoko naman si Nanay ang magbitbit lalo na't may pagkamabigat din ang mga gulay.
Nagpunta na kami sa meat section ng palengke. Nakatambay na naman ako sa isang tabi habang si Nanay ay busy na busy sa pagpili ng baboy. Naririnig ko na naman siyang makipagtawaran sa nagbebenta at as usual nakuha na naman niya ang discount na gusto niya.
"Isda na lang ang kulang natin 'Nak." Turan niya habang naglalakad kami sa papunta naman sa mga stall ng mga isda at ilang seafoods.
Bumili din ng iba't ibang isda si Nanay tulad ng paborito naming bangus at tilapya.
Gusto ko rin sanang magrequest ng hipon kaso sobrang mahal at alam kong baka di na kasya sa budget na nilaan ni Nanay kaya di na ako nagsalita.
"Tara na, okay na lahat ng pinamili ko." Aya ni Nanay pagkatapos mabalot ang isda na kakatapos lang linisan. Gusto kong pahiran ang pawis ko dhail sobrang init dito sa palengke lalo na't sabado. Dagsaan ang mga tao sa ganitong araw.
Naglalakad na kami papunta sa paradahan ng mga trisekel na medyo malayo sa palengke ng biglang tumigil si Nanay sa paglalakad.
"May nakalimutan pala ako. Kailangan ko pang bumili ng beed at brocolli." Naiinis na sabi ni Nanay.
"Tara 'Nay balik tayo o kung gusto mo ako na lang babalik doon para bumili." Pagbibigay ko suhstiyon pero umiling lang siya sa akin.
"Hindi ako na ang babalik sa loob ng palengke at dito ka na maiwan. Ialapg mo na lang muna dito sa semento ang mga pibamili natin at antayin mo ako." Mabilis na sambit ni Nanay at agad na umalis, ni hindi man lang ako pinagsalita.
Nakatingin lang ako sa paligid pero wala naman akong masyadong maoobserbahan rito dahil sarado pa ang nga tindahan. Masyado pa kaisng maaga, siguro mga alas otso pa magbubukas ang mga tindihan dito.
Napalingon ako sa aking likuran ng makita ko ang isang pusang nakahiga sa gilid ng isang puno. Agad kong tinabi ang mga pinamili para lapitan ang pusa. Lumuhod ako para mahawakan ko ang pusa ng maayos.
Naawa ako sa sitwasyon ng pusa dahil padang nahihingalo na ito at nahihirapang huminga. Gusto ko sanang humingi ng tulong pero wala naman masyadong dumadaan na tao at saan ko naman dadalhin ang pusang ito e wala pang bukas na veterinary clinic sa ganito kaaga.
Sinubukan kong himashimasin ang likuran ng pusa kaso parang wala namab akong naitutulong.
"Kawawa ka naman," malungkot kong sambit. Gusto ko talang tulungan ang pusa, ayoko siyang mamatay.
Napansin ko ang paglakas ng hangin at ang malakas na paglagaslas ng mga dahon sa puno. Muli kong hinaplos ang katawan ng pusa habang naawang nakatingin rito.
"Mabuhay ka," sambit ko habang seryosong nakatitig rito. Ilang segundo pa ay tinitigan ko lang ang pusa ng biglang may tumapik sa likuran ko.
"Cahya, anong ginagawa mo dyan?" Napalingon ako kay Nanay na nakakunot ang noo habang nakayukong nakatingin sa akin.
"Nanay, itong pusa kasi naghihingalo kanina, nahihirapang huminga." Malungkot kong sabi.
"Anong naghihingalo e ayan nga o dinidilaan ang daliri mo." Sabi naman ni Nanay, mabilis akong lumingon sa pusa na ngayon ay nakaupo sa harapan ko at dinidilaan nga nag daliri ko. Hindi na siya katulad ng kanina, agad naman akong napangiti dahil maayos na ang pusa pero napa isip ako paano naging maayos bigla ang pusa kung kanina lang ay parang mamamatay na ito.
"Tara na," tawag ni Nanay. Napatayo na lang ako dahil umalis na din ang pusa sa harapan ko.
Napailjng na lang ako at sinundan si Nanay habang laman pa rin ng isip ko ang nangyari sa pusa.