"Wag kang mag-alala hindi lang naman ikaw ang nagkakagusto kay Sir Alterio," walang bahala na sabi ni Sab.
"Please sa atin lang ito, Sab." Pagmamakaawa kong sabi kay Sab. Kahit na madaming nagkakagusto kay Mr. Alterio ay gusto kong walang makaalam na iba na may gusto ako sa kanya bukod kay Sab.
"Wala naman akong ibang pagsasabihan. Ano ka ba!" Nginusuan ko lang si Sab. "Pero hindi ko ineexpect na magkakagusto ka sa kanya, sabagay sobrang pogi naman din talaga ni Mr. Alterio. Ako kasi iyong mga trip ko mga kayumangging lalaki na cute." Sabi naman ni Sab.
"Akala ko crush mo din si Mr. Alterio?" tanong ko sa kanya.
"Hindi though napopogian ako sa kanya." Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Sab kaya napakunot ang noo ko.
"Pagnagwapuhan ka sa isang tao ibig sabihin crush mo na siya diba kasi ang ibig sabihin ng crush ay paghanga lang," pag explain ko naman kay Sab. Hindi niya ba alam ang meaning ng crush?
"Ay basta, hindi ko siya crush though napogian ako kay Sir. Iba meaning ng crush para sa akin." Pagrarason pa ni Sab sa akin na kinakunot lang ng noo ko.
"Hay naku, ewan ko sayong babae ka." Napailang na lang ako.
Madami pa kaming napag-usapan ni Sab, kung ano-ano kasing topic namin. Actually, si Sab lang talaga ang nabubukas ng topic tapos ako minsan oo at hindi lang ang sagot. Alam ko namang sanay na si Sab sa akin kaya siguro dedma na lang siya kung wala ako masyadong sinasabi.
Mabilis na lumipas ang gabi kaya naman ay nag-paalam na si Sab kasi tinatawagan na siya ng Mama niya. Ngayon ay mag-isa na lang ako sa kwarto habang nag-iisip kung anong pwedeng gawin. Napatingin ako sa libro na nasa side table, iyong bigay ni Sab sa akin.
Alas otso pa lang ng gabi kaya maaga pa para matulog akom ayoko naman bumaba sa sala kasi nanood lang ng balita si Nanay at Tatay. Si Kuya Jayson ay nasa kwarto na niya agad, hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero parati siyang nakakulong doon.
Kinuha ko na ang libro at binuklat ang unang pahina. Hindi ko namalayan ang oras dahil masyado akong nahook sa kwento sa libro. Malapit ko ng makalahati ang libro ng mapatingin ako sa orasan ko. Halos maghahatinggabi na pala kaya naman ay binalik ko ang libro sa side table ko at humiga na sa kama. Khait gusto ko mang basahin magdamag ang libro ay hindi pwede dahil may pasok pa ako bukas.
Ayoko namang malate ako sa unang subject ko dahil late akong nagising, tsaka malalagot ako kay Nanay.
Inayos ko na ang sarili ko sa pagkakahiga pero hindi talaga ako inaantok at hindi mawala sa isipan ko ang istorya sa binasa kong libro. Iyong bida kasi doon sa istorya ay isang babaeng wala alam na isa pala siyang demony at kalahating fairy, wala siyang alam tungkol sa pagkatao niya. At kada gabi ay napupunta siya sa isang lugar na hindi niya alam na totoo palang nag-eexist. Ang panaginip niya ay hindi lang isang panaginip kundi totoong nangyayari, ang kaluluwa at katawan niya ay naglalakbay sa ibang lugar.
Napapa-isip ako tungkol sa parehong lugar na napapanaginipan ko. Pero imposible naman na mangyari iyon dahil wala naman ganoon sa totoong buhay, ordinaryong tao lang ako. Napailing na lang ako.
"Kung ano-ano ang pumapsok sa utak ko." Bumalikwas ako ng bangon at tumayo. Napagdesisyunan kong bumaba muna sa kusina para uminom ng tubig. Nakapaa akong lumabas ng kwarto para hindi na ako gumawa ng ingay. Madilim na din kasi sa buong kabahayan, ibig sabihin ay tulog na ang mga tao. Ilang baitang na lang ay lubusan na akong nakababa ng mapansin kung lumabas galing ng kusina si kuya at naglakad sa sala. Tumigil ako habang nakatingin sa kanya.
Saan siya pupunta ng ganitong oras?
Nakatingin la rin ako kay Kuya habang nakatago sa may pader sa may hagdanan. Papalabas na siya sa may pintuan at ng byksan niya iyon ay napasara ang mga mata ko dahil sa liwanag na ng gaga,ing doon. Napakunot naman ang noo ko, liwanag, e gabi na?
Binuka ko na ang mga mata ko at nakasara na ang pintuan kaya dali dali kong tinakbo ang pintuan at binuksan iyon para hanapin si Kuya. Nabigla ako dahil wala namang kiwanag, sa katunayan nga ay sobrang dilim din sa labas na tanging ang buwan lang ang nagbibigay liwanag sa paligid.
Nakakunot ang noo ko dahil nakalock naman ang gate namin at hindi naman ako ganoon katagal nagtago para hindi ko maabutan si Kuya kung lumabas man siya.
Asan siya? Bakit parang naglaho siya na parang bula?
"Kuya?" tawag ko. Baka kasi pinagtataguan niya lang talaga ako pero nag-antay ako ng ilang minuto ay walang lumabas.
Baka nakalabas na talaga siya o kaya tinakbo niya ang gate lara mabilis na makalabas.
Napabuntong hininga na lang ako at pinagkibit balikat ang nangyari. Paniguradong uuwi naman bukas si Kuya kaya tatanungin ko na lang siya bukas. Ginawa ko na ang pakay ko sa kusina, ang uminom ng tubig. Pagkatapos ay agad akong pumanhik para makatulog na habang bitbit pa rin sa utak ko ang nangyari kanina lang.
NAPABALIKWAS AKO ng gising ng marinig ang alarm ko. Kahit ayoko pangmagising at bumangon sa kama ay wala akong magagawa, Kailangan kong magising na kasi baka malate ako pagpasok mamaya. Mapungay ang mga mata kong tumingin sa kwarto ko. Dapat talaga pinilit ko ang sarili kong matulog ng maaga lara hindi ako puyat ngayon.
Mabilis ang kilos ko, nag-ayos na ako sa sarili at sa mga gamit ko. Mabilis din akong kumain kahit inaantok pa ako, nawaglit na sa isipan ko ang tanungin si Nanay kung anong oras nakabalik si Kuya Jayson kasi wala pa siya sa hapagkainan, malamang tulog pa iyon. Hindi naman si Nanay nangigising kay Kuya kasi wala namansiya work, nakabakasyon pa din siya.
"Nay, alis na po ako." Paalam ko habang nagmamadali na kunin ang mga gamit ko. na nakahanda na sa sala.
"Ingat sa daan, Cahya," pahabol na sabi ni Nanay at Tatay.
"Opo," ganting sigaw ko.
Ilang minuto din ang nilakad ko papasok sa eskwelahan, lutang ang utak ko sa kadahilanang wala akong maayos na tulog dahil sa nangyari kagabi.
"Cahya," si Sab.
Papasok na ako sa eskwelahan ng marinig ko ang pagtawag niya. Napatingin ako sa kanya habang humahangos siya ng hinga.
"O nagmarathon ka ba?" tanong ko.
"Hindi, wala lang almusal," ganting sagot ni Sab na kinatawa ko. Pag di talaga siya nakakain e kala mo sobrang walang energy sa katawan.
"Ikaw naman mukha kang walang tulog," sambit ni Sab. Siguro napansin niya sa mukha ko na wala talaga akong tulog.
"Cahya!" Bigla kaming napalingon sa dalawang lalaki na may dala dalang paper bag.
"Belated Happy 17th Birthday!" Nakangiting nilang bati habang pinilit kong ngumiti. Napatingin ako sa kanila na hopeful ang mukhang inaabot sa akin ang hawak hawak na paperbag.
Genuine ang bati ng dalawang lalaking ka schoolmate ko kaya hindi ko alam kung tatanggaoin ko ba o hindi ang binibigay nila. Napatingin ako kay Sab at nakangiti din siya ng alanganin.
"Nakalimutan natin na may ganitong araw ka pala. Magtago ka na Cahya," pananakot ni Sab.
Napabuntong hininga na lang ako. Hay, mahaba-habang araw ito.