Heather's pov
Parehas na kaming sugatan ni Lucas ngunit patuloy pa rin kaming nakikipaglaban. Hinubad ko ang suot kong black leather jacket dahil tumutulo na ang pawis ko at naiinitan na ako. Hinampas ko ang hawak kong rifle sa kalaban dahil ubos na ang dala kong bala. Yumuko ako para ilagan ang paparating na suntok galing sa kaliwa at sinipa kung sino man ito.
Kinuha ko at hinagis ang nakaipit na dagger sa aking tagiliran papunta sa kalaban na hindi napansin ni
Lucas sa kaniyang likod.
"thanks, H" nginisihan ko ito sa sinabi nito bago bigyan ng tatlong sunod sunod na suntok sa mukha ang lalakeng may koronang tattoo sa kanang pisnge nito.
"Mapurol ka na" pang-aasar ko sa kaniya. Nakasimangot namang tumingin si lucas sa akin.
"kasalan 'to ni leo dahil palagi niya akong niyaya mag online games, nababawasan tuloy ang oras ko sa pag-eensayo" pagdadahilan naman ni Lucas. Napapailing na lang si ako dahil sinisi pa ni lucas ang walang kamalay malay na si leo.
Nagkatinginan kami bago tignan ang dalawang natitirang Kalaban namin. Sabay namin silang sinugod,hinampas ni lucas sa pader ang ulo ng kalaban niya samantalang sinaksak ko naman ang dalawang mata ng kalaban ko at ginilitan ito.
"brutal as ever" komento nito sa ginawa ko.
"let's go" anyaya ko kay lucas para umalis na sa lugar na iyon. Nauna akong sumakay sa helicopter ng bigla akong makarinig ng putok ng baril. Nakita kong may tama si lucas sa binti habang nakatago sa isa sa mga metal drum.
Nilabas nito ang kaniyang pistol at pinatamaan ang kalaban.
"Mauna na kayo" ang sabi ni lucas sa piloto at tinignan ako nito na parang sinasabi na okay lang siya. Binaling niya ulit ang kaniyang paningin sa kalaban at muling nagpaputok. Iisa na lang ang natitira niyang kalaban at pinatamaan ito diretsyo sa kaniyang ulo at bago ko pa sabihing bababa ako para tulungan si lucas ay may granada pala malapit sa kanya. Sa isang iglap ay nakarinig kami ng malakas na pag sabog. Ang huling nakita ko bago mandilim ang paningin ko ay ang duguang katawan ni lucas.
_
Minulat ko ang aking mata at purong puti ang aking nakita. May nakakabit na dextrose sa akin at bigla kong naalala ang lahat ng nangyare. Tinanggal ko ang ito at lumabas sa aking silid. Bumungad sa akin si Leo.
"Where's Lucas?" ang tanong ko kay leo. Ngunit hindi ako nito sinagot at nakayuko lang.
"Where's Lucas?" pag-uulit ko pero katulad kanina ay wala akong nakuhang sagot. Naramdaman kong may taong masama ang tingin sa akin sa likod ko kaya liningon ko ito at nakita ko si tito sander.
"Tito, where's lucas?" ang tanong ko dito
"he's gone" Puno ng hinanakit na sabi nito habang deretsyong nakatingin sa aking mga mata. Hindi agad ako nakasagot, tila ba hindi nagproseso ang sinabi niya sa akin.
"Kasalanan mo kung bakit nawala ang anak ko!" pahabol ni tito sander.
"It's a mission, master. It's not Heather's fault." pagsingit ni Leo.
"No! Siya! Ikaw ang pumatay sa anak ko." pinagpipilitang saad ni tito sander habang pinagduduro ako nito.
Lumapit si Leo at ang ibang nurse papunta kay tito sander para turukan ito ng pampakalma. Nang mailayo na nila si tito sander ay kusa ng bumigay ang aking tuhod. Pero bago ako bumagsak ay nasalo ako ni Leo.