Chapter 1: Simula

870 Words
Matapos makamit ng mga manlalaro ang kanilang Jersey ay masayang nag uwian ang bawat isa. Ngiti ng pagkasabik sa paglalaro sa court. Sabik ng maghiganti sa mga nang-api ng nakaraang liga. Naiwan sa locker room si Derek, matagal nya kasing tinititigan ang jersey nya. May munting luhang pumatak sa mata ng binata. Matagal nyang pinangarap ito, luha ng kasiyahan, pinunas nya agad ito at ngumiti. Kung may makakakita sa kanya ay pagkakamalan syang baliw. "Hi", bati ni Charity mula sa likod nya. Nagulat pa ang binata at pinunas ulit ng maigi ang matang kanina lang ay may luha. "Hello" tipid na sagot ng binata at dagling tumalikod sa dalaga. Pero bago pa man sya makaalis ay tinawag sya ng dalaga. "Hanggang ngayon ba iiwasan mo ako?" tanong nito garalgal ang boses. "Cha, hinihintay ako ni Naomi sa labas, di kita iniiwasan" sagot ng binata, naawa sya ng makita si Charity. Para itong batang humahagulhol. Naguilty sya, hangang kailan nya dapat parusahan ang dalaga sa kasalanan nito. Nilapitan nya bigla si Charity. "Wag ka ng umiyak, smile ka na. Bukas na ang laban natin, ilalampaso natin yung Liliputh University, trust me" pang-aamo ng binata. Di naman tumigil sa pagiyak ang dalaga, tiningnan sya ng binata, maganda talaga si Charity, kaya naman hanggang ngayon ito pa rin ang mahal nya. Pero may kani-kanya na silang kapareha. Dahan dahan, inangat ni Derek ang mukha ni Charity. Tila tumigil ang mundo ng magtitigan sila. Bumagal ang oras, tumahimik ang paligid. Tanging pintig ng puso nila ang maririnig. Dahan dahan lumapit ang bibig ni Derek sa naghihintay na labi ng dalaga. Nagdikit ang kanilang mga labi. Pangarap na natupad. Ang pagibig na kay tagal pinigilan ay tila nagwala. Matagal magkadikit ang mga labi nila, hanggang kusa silang gumawa ng ritmo. Unti unting naging marahas ang halikan nila. Namumungay ang mga mata, nangangatog ang tuhod ni Derek, para syang babagsak. "Mahal kita Derek" pagtatapat ni Charity. Pinahid naman ni Derek ang luha ng dalaga. "Alam mo ang totoo di ba, na ikaw lang ang mahal ko, pero magkalayo na ang landas natin, hayaan na lang natin kung san tayo dalhin ng tadhana" sagot ni Derek. Masaya ang dalawa sa nalamang pagtatapat. "Ehem!" biglang sumingit ang isang boses, dagling naghiwalay ang dalawa. "Bf, ang tagal mo kanina pa ako nasa baba" anas ni Naomi. Nginitian nito si Charity at gumanti naman ng mapait na ngiti si Charity. Inatake ng selos si Cha, lalo na ng makita ang suot ng nobya ni Derek, napaiksing short na nagladlad ng legs nito. Mas malaman ito kay Charity at di hamak na mas kaakit akit kesa sa kanya, kaya naman napayuko na lang sya. "Cha, una na kami ha. Ingat ka pag uwi mo." malungkot na tingin ang tinapon ni Derek kay Charity. Tumango lang ang dalaga, maya maya'y andyan na din si Keith. Nakangisi pa ito habang papalapit sa dalaga. Ang buong araw ng mga player ay araw ng pagpapahinga, pero ang araw na ito ay ang araw ng pag papractice ng matindi ni Derek. Kasama nya sa court si Naomi at ang kaibigan nitong si Diane. Si Diane yung tipo ng babae na gumaganda sa tulong ng pulbo pero pagdating sa katawan ay may ipagmamalaki ito. So far, ito ang may pinakamalaking hinaharap sa lahat ng babaeng nakasalamuha ni Derek. May pagka kalog din ang dalaga at likas na ma- L. Matagal na nyang pinagpapantasyahan si Derek lalo't ng makita nya ang litrato ng ari ng binata sa cellphone ni Naomi, kaya naman puro revealing dress ang suot nya pag kasama nya ito. "Simula na pala ng laban bukas noh, hay sana iba naman ang magchampion, puro na samin na lang ang trophy eh" biro ni Diane. "Asahan mo Diane, bago ang magkakampeon ngayon" sagot ng binata sabay nagdrive at nagsagawa ng dunk. "Wew, ang yabang ng jowa mo Nao, haha, takot naman sakin" biro muli ni Diane. "Naku Diane. Pag pinayagan ako ni gf na anuhin ka, di ka makakalakad kinabukasan" sakay naman ni Derek sa biro ng dalaga. "Hay naku, duwag ka lang talaga, bakit ka pa magpapa alam? Para san pa't inimbento ang salitang threesome" sagot ni Diane at tumawa ng malakas. Muli, di na nakasagot si Derek. Talo na naman sya sa ma-L na kaibigan ng nobya nya. Agad tuloy kumislot ang ari nya ng maisip na maikama nya ang gf nya at si Diane ng sabay. "In your dreams Diane, di ko ipapatikim sayo bf ko" sagot ni Naomi. Napangiti na lang si Derek, mismong ang nobya na nya ang nagsabi, in her dreams, and in his dreams lang yun. Sayang. Maya maya'y dumating si Rob kasama ang gf nitong si Kaye. Parehong may hawak na yosi ang dalawa. Ngiti lang si Derek sa nakita. Maganda din ang syota ni Rob, may pagka astig ito, nakaitim ito na tube at blazer na naglantad ng cleavage nya. Agad namang nag apir si Derek at Rob, katulad ni Derek, di din mapakali si Rob sa excitement. Pero ayaw maglaro ng binata, gusto nyang fully condition ang katawan kaya pinanuod na lang nyang maglaro si Derek. Binabasa ang laro at galaw ng binata na alam nyang maghihiganti para sa Harrington High. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD