Nagising ako dahil sa malakas na kalabog mula sa labas ng kwarto. Sa una, inisip kong baka gawa lang ito ni Rush na mahilig maglaro ng kung anu-ano, pero nang lumingon ako sa gilid ko ay nakita king tulog pa rin siya sa tabi ko. Lalo akong nagtaka nang marinig ko ang mga boses ng maraming tao mula sa baba, naintriga ako. Maaga pa, alas-siyete pa lang ng umaga, kaya nagtataka talaga ako kung ano ang nangyayari. Dahan-dahan akong bumangon, nag-inat ng konti, at tinungo ang pintuan. Pagbukas ko, bumungad agad sa akin ang ingay mula sa sala. Bumaba ako, at doon ko nakita si tita Judy, nakaupo sa sofa, mukhang balisa. Halatang kanina pa siya umiiyak dahil namumula at medyo maga ang kanyang mga mata. Hindi ko maiwasang mapansin kung paano niya hinahaplos ang panyo niya habang halatang pinipigil

