CHAPTER 2

1518 Words
Bhea's POV LUMINGA ako sa paligid para hanapin si Althea. Kanina pa akong naghihintay dito pero ni anino n'ya ay wala. Hindi ako mapakali. Ilang minuto na lang kasi at magsisimula na ang klase. Absent na naman ba s'ya? "May hinahanap ka?" Kamuntikan na akong mapatalon nang may biglang nagsalita sa likuran ko. Kumulo naman agad ang dugo ko nang makita kung sino ang nagsalita. "Bakit ka ba nanggugulat?!" singhal ko. Ang sarap hampasin ng bag ang kanyang mukha. "Kanina pa kaya kita tinatawag," nag-pout pa s'ya. "Kasalanan ko ba'ng bingi ka?" Mas lalo naman akong nairita. Para s'yang bakla kapag nagpa-pout. Inirapan ko na lang s'ya saka ako nagpatuloy sa paghahanap kay Thea. "Sino ba kasi ang hinahanap mo?" Napabuntong hininga naman ako. "Pwede ba? Bumalik ka na lang sa room mo at baka ma-late ka pa. 'Di ba bawal sa section one ang mahuli kahit isang segundo." Ngumisi lang naman s' ya. "Oo, pero wala akong pakialam." Hindi na lang ako umimik. Pinili ko na lang maupo sa isa sa mga benches na naroon. Kanina pa din nangangawit ang binti ko. "Nakita mo na ba ang aking sinta?" aniya saka naupo din sa tabi ko. Umusod naman ako palayo sa kanya. Napakamanhid talaga ng lalaking ito, hindi ba n'ya mahalata na ayaw ko s:yang makausap? "Alam mo Lorenz, ang corny mo! Kaya walang sumeseryoso sa'yo kahit matalino ka." "Ang sakit mo naman magsalita," humawak pa s'ya sa dibdib. "May I remind you, ang taong nilalait mo ay nasa rank two sa buong school." Natawa naman ako. "Oo, habang buhay ka na sa rank two dahil hindi mo matalo si Jian." Allergic s'ya kapag si Jian na ang topic at ikinumpara sa kanya. Palibhasa kasi ay insecure kaya mabilis mainis kapag rankings na ang usapan. "Makikita mo balang araw, matatalo ko din si Jian!" Napaismid naman ako. Libre naman mangarap. "Lalo na ngayon, inspired ako kay Thea my loves. Mas ganado ako mag-aral." Natatawa pa din na binalingan ko s'ya. Marahan ko din tinapik ang kanyang balikat. "Sorry, pero kay Jian s'ya may gusto." Kagaya ng inaasahan ko, umusok na ang tainga n'ya sa inis. Ibinato n'ya sa damuhan ang hawak na bag saka masamang tumingin sa akin. Pikon. "Hindi ko alam kung anong nakita n'yo sa batong iyon," mariin n'yang saad. "Suplado na nga, wala pang pakialam sa paligid. Kung ako sa inyo, mas piliin n'yo iyong lalaking hindi lang gwapo, kundi friendly pa." Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Sino'ng gwapo?" "Ako!" Nandidiri na tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. "Magkape ka nga para kabahan ka naman sa sinasabi mo!" "Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi n'ya. Mahirap makipag-usap sa taong may sayad. "Lalo na ngayon," narinig kong pagpapatuloy n'ya. "May isang subject na binagsakan si Jian na kung tutuusin ay napakadali naman." Now he caught my attention. "Si Jian? Bumagsak?" "Oo. Kaya uulitin n'ya iyon ngayong semester," umiling-iling pa s'ya. "Doon pa lang ay sira na ang kanyang record." Parang ang hirap paniwalaan. Kilala si Jian dahil matalino s'ya. Bakit biglang may binagsakan s'yang subject? Napaka-unusual naman n'on. Napairap na lang ako. "Ang sama ng ugali mo. Masaya ka pa sa nangyari doon sa tao." "Syempre! Ibig sabihin lang ay mabilis ko na s'yang mapapalitan sa rank one." Ambisyoso talaga! Sinulyapan ko ulit ang aking wristwatch. Ten minutes na lang at magsisimula na ang klase. Mukhang hindi papasok ngayon si Thea. Tumayo na lang ako. "Wala pa din si Thea." "Parang hindi mo kilala si Thea my loves, mahilig s'ya um-absent kaya huwag ka nang magtaka." "Nag-aalala lang ako, malapit na ang exam week at hindi n'ya dapat ma-missed ang mga lessons." Muli ay ngumisi s'ya. "Uso pala sa section six ang mag-review?" Naiinis na hinampas ko naman s'ya ng bag. "Jerk!" Lalo naman s'yang tumawa. Ang sarap sampalin! Mayabang na tumayo naman s'ya saka taas noong humarap sa akin. "Sabihin mo kay Althea, kapag ako ang nakatuluyan n'ya, hindi na n'ya kailangan mag-aral. Bubuhayin ko s'ya." "Managinip ka ng gising!" naiinis na iniwan ko na lang s'ya. Mahirap na, baka makapanakit pa ako ng makapal na kalyo na ubod ng hangin! Thea's POV PUPUNGAS-PUNGAS na nagtungo ako ng kusina. Kumakalam na din ang aking t'yan sa gutom. Grabe, na-late na naman ako ng gising! Pagdating ko ng kusina ay nadatnan ko doon si Papa na naghahanda ng pagkain. Nakangiting naupo naman ako sa isa sa mga silya doon. "Good morning papa!" "Good morning princess. Kagigising mo lang ba?" Tumango naman ako. Pinanood ko naman s'ya habang naghahanda ng pagkain sa lamesa. Teka, nasaan nga pala si Mama? "Napuyat ka na naman," ani Papa saka nagbaba ng isang baso ng gatas sa harapan ko. "Hindi po ako nakatulog ng maayos." "Bakit naman?" Dahil magdamag kong inisip si Jian at ang nangyari sa locker room. Pero syempre, hindi ko iyon pwedeng sabihin kaya umisip na lang ako ng palusot. "Gumawa po ako ng assignments," napakamot pa ako. "Kaya inabot ako ng madaling araw." Nagulat naman ako nang malakas na pumalakpak s'ya saka nakangiting lumapit sa akin. "Talaga ba? Nag-aaral ka na?" "Papa naman! Syempre naman po!" "Very good!" hinaplos pa n'ya ang aking ulo na para akong bata. "Ipagpatuloy mo lang iyan, siguradong matutuwa ang mama mo!" Duda ako doon. Si Mama, matutuwa sa akin? Number one basher ko kaya iyon! "Hindi ko alam kung kanino nagmana iyang anak mo," isang boses ang sumingit. Speaking of the devil. Meet my witch mother. Nakita kong naupo s'ya sa tapat ko habang nakataas ang kilay sa akin. "Matalino naman kami, pero bakit hindi mo man lang iyon namana? Hindi kaya napalitan ka sa ospital?" Nanulis naman ang aking nguso habang tumawa naman ng malakas si Papa. Ang aga manlait ni mother witch. Ganyan s'ya ka-hard sa akin. Walang filter kung magsalita. "Ikaw naman hon," mabilis na nilapitan ni Papa si Mama. "Ang aga mo namang i-bully si Thea." yumakap pa sya. "Tigilan mo ako," itinulak naman ni Mama palayo si Papa. "Masyado kang mabait kaya hindi na nagbago iyang anak mo." Ibig kong matawa sa paglalambingan nilang dalawa. Ganito kasi sila maglambingan, para laging nag-aaway. "Papasok na po ba kayo sa office?" singit ko. "Naka-office attire ako, mukha ba'ng sa beach ang punta ko?" pagtataray na naman ni Mama. Sabi ko nga. Pumalakpak naman muli si Papa. "Tama na iyan, let's eat our breakfast dahil late na si Althea." "Kung bakit kasi kinukunsinti mo iyan," pahabol ni Mama. "Dapat sa kanya ay bigyan ng disciplinary action sa mga lates at tardiness n'ya. Hindi porke sa atin ang school ay gagawin na n'ya ang gusto n'ya." Napayuko na lang ako. "Ako na ang bahala hon," mahinahon na saad ni Papa. "I'll talk with her." Tahimik na sinimulan ko na lang ang pagkain. Sanay na naman ako kay Mama, kahit madalas n'ya akong sabihan ng masasakit na salita ay alam ko naman na mahal n'ya ako. Saka tama naman lahat ng sinabi n'ya. Hindi ako katulad nila na matalino. Noong nagpaulan yata ang Diyos ng katalinuhan ay kidlat ang nasalo ko. "Magbibihis lang po ako," paalam ko nang makatapos akong kumain. Umakyat na ako sa aking kwarto para maghanda sa pagpasok. Ang totoo n'yan ay wala ako sa mood pumasok ngayon. Pero napahiya ako sa sinabi ni Mama, hindi porke sa amin ang school ay gagawin ko na ang aking gusto. Babawi ako next semester. Ipapakita ko kay Mama na may silbi naman ang utak ko. Hindi nagtagal ay nakasakay na ako sa kotse ni Papa. Kasalukuyang nagbabyahe na kami papuntang school. Pinili ko na lang na panoorin ang aming dinadaanan. Wala ako sa mood magsalita. "Pagpasensyahan mo na ang mama mo," narinig kong saad ni Papa. "Lately ay stressed lang talaga s'ya dahil may on going negotiations pa din tayo sa Park industry." Mabilis naman akong lumingon sa kanya nang marinig ko ang Park industry. "Park?" Mukha naman s'yang nagulat sa reaksyon ko. I don't care, interesado ako sa sasabihin n'ya. Park din kasi ang apelyido ni Jian. "Yes, Park industry," aniya. "Sila ang bagong target natin para maging business partner." Napaisip naman ako. "Sino ang owner ng kompanyang iyon, Papa?" Bahagya naman s'yang natawa. "Bakit ka interesado?" "Kasi Park din ang apelyido ni Jian. Iyong top one sa buong campus!" Para namang nag-isip pa s'ya kung sino ang sinasabi ko. "Ah! Oo naaalala ko na. Iyong batang matalino na galing Korea?" "S'ya nga! Iyong super gwapo at tangkad!" Ngumiti naman s'ya sa akin na ipinagtaka ko. "Why do I have this feeling that you like him?" Natameme naman ako. Ang lakas talaga ng pang-amoy ni Papa. Napakamot na lang ako, ayokong sagutin s'ya. Baka mas lalo lang s'yang magduda. "Dalaga na talaga ang prinsesa ko." Nag-init naman ang aking mukha. Paano kasi, biglang sumulpot sa utak ko ang mukha ni Jian! "We're here," saad ni Papa habang ipinaparada ang sasakyan. "Go to your class." Dinampot ko na ang aking bag saka bumaba. Pero napahinto ako nang tawagin na naman ako ni Papa. "Thea." Napalingon naman ako. "Bakit po?" "Ayaw mo pa din ba'ng kumuha ng private tutor?" Here we go again. Wala ba s'yang tiwala sa kakayahan ko? Bahagya pa s'yang ngumiti. "Maganda kasi na mas tumaas ang iyong grado para makalipat ka sa mas mataas na section. Malay mo makasama mo pa iyong binatang sinasabi mo." "Papa!" sigaw ko. Halata naman kasing nang-aasar lang s'ya. Nagmamadali na iniwan ko na lang s'ya. Actually, gusto ko ang ideya n'ya. Kaya lang, parang napakaimposible naman na mapunta ako sa section one. Suntok sa buwan kumabaga. "Althea!" isang malakas na sigaw ang narinig ko. Nang lumingin ako ay nakita ko si Bhea na tumatakbo palapit sa akin. "Bakit nasa labas ka pa?" tanong ko. Sa pagkakaalam ko ay thirty minutes na ang nakakalipas mula nang magsimula ang klase. Na-late din ba s'ya? "Nag-excuse lang ako," sagot n'ya nang makalapit. "Bakit late ka na naman?" Nagkibit balikat naman ako saka nagpatuloy sa paglalakad. "Tinanghali ako ng gising eh." "Sinasabi ko na nga ba!" natatawa n'yang saad. "Saan nga pala ang next subject mo?" Saglit naman akong nag-isip. "Eco class, room 104." Nanulis naman ang kanyang nguso. "Dalawang oras pala na hindi tayo magkikita. Anyways, see you around!" "Okay!"                           Ipagpapatuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD