**Christian's POV**
Hello po ako po si Christian Willson and you can call me Chris. I can't call my self a nerd nor a weird boy but everybody call's me that so anyway I'm only child and wala na akong Papa sumakabila na po, sumakabilang bahay na at sana magpatuloy ang pagiging manloloko niya para siya ay karmahin.
"Hi crush.." bati ko kay Rhea she's my crush mula pa nung grade 3 kami pero di niya ako pinapansin kasi daw pangit ako, pero di ako naniniwala kasi laging sabi ni Mama gwapo ako.
"Eww umalis ka nga pangit yakk!" pagtataboy niya sa akin kaya malungkot akong tumalikod kasi nag sisimula na silang mambully sa akin.
"Susumbong ko kayo kay Mommy" pinahidan ko ang luha ko.
"Good morning baby boy!" hinalikan ako ni mommy sa aking ulo saka ginulo ang buhok ko.
"Mommy hindi na po ako baby at boy, I'm a man!" I crossed my arms sa harapan niya habang hinahanda ni mommy ang pagkain namin for breakfast.
"But your my baby and you'll always be" I love everything about my mom and she's always been my first at all my first girlfriend and my first woman in my life, I love her more than words can explain.
"I love you baby boy"
"I love you most.." niyakap ko si Mommy at sinimulan na ang pagkain namin.
I'm looking for my mom here in my graduation day in Grade school paiyak na ako buti nalang ay nakita ko ang proud na mukha niya na tumatalon talon pa sa tuwa.
"And please give an applause for our salutatorian, Christian Willson!" nagpalakpakan ang mga tao at nakita ko si mama na umiiyak habang pumalakpak. Isinuot na sa akin ang aking medals mula pagkatapos nun ay bumaba na ako saka tumakbo papunta kay Mommy at niyakap siya nang napakahigpit at isinuot isa isa ang aking medals sa kanya.
"Ito ay para sa pagiging the best Mommy in the world"
"Ito naman ay para sa pag gawa nang masasarap na pagkain para sa akin"
"And lastly this one is for you, thank you for everything, I love you so so much and I'm thankful to God na sa akin ka niya binigay at ikaw ang naging mommy ko...I love and thank you Mommy!" niyakap ko ulit si mama at binigyan siya nang halik na babaunin niya habang buhay.
"Happy birthday to you.." kanta ni Mommy para sa 15th birthday ko habang bitbit ang cake na dala nito.
"Thank you Mom..." I kissed her in her forehead then hug her tight we celebrate my birthday in a small celebration kasi wala naman akong kaibigan.
"Baby boy gising na!! it's your first day as a senior high!!"
"Mom, mukhang mas excited ka pa kaysa sa akin" bumangon na ako para mag handa para sa first day ko.
"Oo naman anak, Malay mo baka dito mo na matatagpuan ang first love mo! at saka ang cute nang apo nang kapit bahay natin ang cute nung baby!" Ito si Mommy mahilig sa baby, pero pag ito binigyan ko nang apo ngayon I'm sure pepektusan ako nito.
"Akala ko ba ako lang ang baby mo?"
Tanong ko habang nag t-toothbrush.
"Hindi kana cute anak...Gwapo kana tsaka as I said you will always be my baby" balik na sagot sa akin n Mommy.
Okay naman ang mga estudyante dito sa school yun nga lang di maiiwasan ang mga bullies. I mean mukhang lahat naman tayo nakaranas na mabully but we must not normalize it. Kasi mahirap na pagnasanay tayo, kasi baka di na natin alam kung ano ang salitang 'Sakit' kasi namanhid na ang mga mata natin kakaiyak sa mga bullies. We must face them especially na kung alam natin na wala tayong ginagawang masama but sometimes mas gugustuhin nalang nating tumahimik, and that's usually happens to me.
Mas pinipili kong tumahimik nalang kaysa sa patulan sila kasi mas hahaba lang ang usapan at mas ibubully kanila pag ganun kaya quiet nalang ako.
"Hoy sa susunod wag kang haharang sa dadaanan ko naiintindihan mo ba?" maangas na sabi sa akin ni Bryan na tinilian naman nang mga babae dito.
"At dahil matapunaen mo ang sapatos ko nang juice kasi tatangang humarang ka sa dadaanan ko... kaya linisin mo" pinatong niya ang sapatos niya sa aking tuhod kasi pinaluhod niya ako.
"Ano panghinihintay mo? Snow?" tapos sinipa niya ako at tumawa naman ang mga taong nakakita sa amin.
"Hoy!!.....itigil niyo yan" napalingon kami sa boses babaeng sumigaw at dun nakita ko ang babaeng hindi naman pangit kulang lang sa ayos tulad ko.
"Oh ang pangit at pangit nagkasama laban sa gwapong tulad ko" kinilig naman ang mga babae nang tumingin si Bryan sa kanila at kumindat sa kanila. Tinulungan naman akong tumayo nang babae, na lamang lang nang isang paligo sa akin.
"Ayos kalang ba?" tanong niya sa akin.
"Oo salamat.." aalis na sa kami nang tinapunan nang juice ang babaeng tumulong sa akin pero parang wala siyang pakialam sa halip ay tumakbo kami papalayo sa kanila na magkahawak ang kamay.
"Ako nga pala si Kristen"
Nakipagkamay ako sa kanya at nag pakilala din. At simula sa araw na yun ay nag kagusto na ako sa kanya araw araw ko siyang tinitingnan at siya rin ang laging laman nang bibig ko everytime na nagtatanong si Mommy kung may crush na ba daw ako dun.
Ang ganda niya talaga kahit kailan the best talaga ang crush ko feel ko tumutulo na ang laway ko ngayon. Inayos ko ang suot kong glasses para di makita ni crush na natataranta ako sa harap niya. Nagdadalawang isip ako kung ibibigay ko ba ang bulaklak na ito bilang pasasalamat ko rin sa kanya kaso nang tumingin ako sa upuan niya banda, nakita kong kinukulit nanaman siya ni Bryan.
Hindi ko alam kung nambubully ba siya kay crush or nambibwesit lang sa kanya kasi parang gusto Niya nang atensyon ni crush.
"Alam mo kulang pa yan sa'yo!"
Nakita ko kung paano nila inaaway si crush gusto kong tumakbo at tulungan siya kaso lang dumating na si Nathan at pinagalitan sina Chelly, Rose at Shane.
"Shane stop it!"
"But kuya!! nang dahil sa weirdong yun napapunta nang principal's office si Bryan!" sagot ni Shane sa kuya niya.
"I already told you to stop from falling to that guy! shane ikakasal kana pagkatapos mong grumaduate nang college" pabulong na sabi ni Nathan sa nakakabunsong kapatid niya.
Iniwan ko na sila dun at hinanap si crush habang napadaan ako sa restroom nang pambabae may narinig akong umiiyak papasok sana ako kaso baka kung ano pang iisipin niya sa akin kaya nag hintay nalang ako sa labas bitbit ang extra t-shirt ko para ipahiram sa kanya kaso may narinig akong yapak nang sapatos na papunta dito kaya dali dali akong nagtago sa loob nang restroom nang panlalaki.
"Kuya look hindi ko kailangan mag sorry sa pangit na yun! kausapin mo nga ang jowa mo Chelly!" Pag mamaldita ni Shane sa kuya niya at sa jowa nitong si Chelly, napatakip ako nang aking bibig. Mag jowa sila? kaya pala iba kung tumingin si Nathan sa kanya.
"Oii Nathan salamat!!" narinig ko ang sigaw ni crush at nag dadalawang isip ako kung lalabas ba ako at ibigay sa kanya itong extra t-shirt ko o hihintayin siyang aalis bago ako lalabas..Ano bayan ang torpe ko naman!.
"Ano brad lalabas ka'ba? o hindi?!"
Nagulat ako sa nag salita sa likod ko kaya tumabi ako para makalabas siya, hindi ko yun napansin ah na may tao pala dito kaya pala medyo mabaho tumae guro. Ilang segundo pa ang hinintay ko bago lumabas at halos wala nang dumadaan na estudyante dito. Teka wag mong sabihin na nag siuwian na lahat nang tao dito at ako nalang isa?.
"Hi Kristen.." bati ko kay Kristen nung nasa library kami ngumiti siya sa akin saka nag hello. Nasabi ko na pala kay crush na crush ko siya kanina sa recess time hehe. Habang nag uusap kami ni crush ay may naisip ako.
"Natamaan kana ba ni minsan?" tanong ko sa kanya napaisip naman siya bago sumagot.
"Ako hmhmm.... Parang hindi pa bakit?" nagtataka siyang tumingin sa akin.
"Kasi ako matagal nang tinamaan sa'yo... yieee hehehe" kinikilig kong sagot. Tumawa siya sa corny kong pick up lines kaya mas lalong kinikilig ako dagdag pa ang nakakalula niyang ganda ngayon pang miss world.
"Hahahaha nice one.." hehe ito naman si crush pinakikilig tung puso ko eh.
"Ako di mo ba ako tatanungin?" lumingon ako sa lalaking nag salita sa likod ko nagulat ako kasi nakita ko si Bryan na matalim na nakatingin sa akin.
"Ahmm...Tinamaan kana ba dati B-bryan?" kinakabahan ako kasi yung titig niya parang kakainin ako nang buhay.
"Oo naman...Ako naman ang mag tanong sa'yo, tinamaan kana ba dati Christian?" tanong niya pabalik, napalunok ako sa akin laway habang nakatingin sa kanya.
"H-hindi pa bakit?" sagot ko.
"Kasi ngayon tatamaan ka talaga sa akin!" susuntukin niya sana ako pero mabilis akong tumakbo kaya naka ilag ako at dali daling lumabas sa pinto.
"Woo! muntikan na yun ah" Buti nalang mabilis akong tumakbo.
Kumakain ako nang siopao habang nag lalakad nang makarinig ako nang babaeng sumisigaw at humihingi nang tulong kaya sinundan ko ang tunog na ito at dun nakita ko ang pamilyar na babaeng binabastos nang mga grupong lalaki. Kaya dali dali akong nag isip nang paraan para matulongan ang babae tamang tama at may nakita akong mga bata na sa sampu ang bilang.
"Psst.. mga bata!" lumingon sila sa akin kaya sininyasan ko sila na pumunta dito sa akin.
"Bakit po kuya?!"
"Gusto niyo ba kumita?"
"Opo!!" sabay sabay silang tumango.
"Sige...Nakita niyo yun sila...." tinuruan ko sila kung ano ang dapat gawin para maligtas namin ang babae.
"Teka teka! bayad muna!" singil nila sa akin.
"Talagang mga batang to oh!" binigyan ko sila nang 50 pesos isa isa pagkatapos ay sinimulan na nila ang iniutos ko.
"Hoy mga pangit!!" sigaw nila sa mga lalaki napatingin naman sa kanila ang mga ito.
"Hoy! kayo umalis kayo dito! kung ayaw niyong masaktan!" banta naman sa kanila.
"Sinong takot?!?! ble ble ble ble ble!!!"
"Hoy ikaw tangkad! malaki ka nga ang liit naman nang alaga mo mas malaki pa yung alaga ko hahaha!!"
"Pfft..nice one!" pigil kong tawa sa sarili baka kasi marinig nila habang binibwesit nang mga bata ang mga grupo nang lalaki ay tumingin ako sa babaeng pamilyar. Teka mukhang lasing to ah? tanong ko sa sarili ko habang sinusuri ang babae na nakahandusay na ngayon sa sahig. Hindi ko masyadong makita ang mukha kasi humaharang ang buhok niya sa pagmumukha niya.
"Mas makinis pa ang pwet ko kesa sa ulo mo hahaha!! habulin mo ako kalbo!!" pagkatapos nun ay tumakbo na ang mga bata kasi nagalit na sa kanila ang mga lalaki at hinahabol na sila nang mga ito.
Dali dali akong tumakbo papunta sa babae at inalalayan itong tumayo habang naghahabulan pa ang mga bata at mga lalaki ay dahan dahan na kaming umalis at sumakay nang taxi.
"Sir asan po tayo?" tanong ni manong driver.
Saan nga ba? hindi ko naman alam kung saan ang bahay nang babaeng to at kung sa bahay ko naman siya dadalhin baka pag kagising nito eh kakasuhan ako dahil dinala ko siya sa bahay na walang pahintuloy niya.
"Sa bahay nalang po!!.. sa Santa Rosa" sabi ko kay manong. Bahala na kung ipapakulong niya ako kung magising man siya sa bahay basta ang importante eh wala nang nambabastos sa kanya at ayos na siya.
Tinawagan ko si Mommy about sa nangyari sabi niya maaga daw siyang uuwi para tulungan akong bantayan itong babaeng toh.
"Where am I?" napalingon kami ni Mommy sa kanya buti nalang nagising siyang andito na si Mommy.
"Iha ayos kalang?" alalang tanong ni Mommy sa kanya.
"Who are you?" bumangon ito at nilibot ang kanyang paningin.
"Nasa bahay ka namin iha... Sandali iinitin ko nalang yung sabaw na niluto ko kanina, Baby boy ikaw muna bahala sa magandang dilag na ito" tumayo na si Mommy saka umalis upang initin ang sabaw na niluto niya kanina.
"Hi..." nandidiring tumingin ito sa akin.
"Bakit ako nandito? kinidnap mo ako no?!" Dinuro duro niya ako habang sinasabi ang mga katagang yun.
"Excuse me! dapat nga nagpasalamat ka sa akin eh" mataray na sagot ko, akala mo ah..
"And why should I thank you? weirdo?!" nag cross arms pa itong babaeng to sa harap ko.
"Well kung hindi ako dumaan dun I'm sure baka may nangyari na sa'yo" sinabi ko sa kanya ang kabayanihang ginawa ko para iligtas siya sa grupo nang mga kalalakihan kanina.
"What do you mean?!" tinaasan lang ako nang kilay nito.
"Wala basta dapat mag thank you ka!"
"Ayoko!" pag mamatigas nito.
"Sabing mag thank you eh!"
"What if I don't want to?!"
"Dapat pala hindi na kita niligtas!"
"A-yo-ko... Mag say thank you" sabi niya tapos mataray na lumingon sa kaliwa niya.
"Edi wag!! bahala ka sa buhay mo!"
Ilang araw na ang lumipas simula nang tinulungan ko ang masungit na yun. At good news naging close na kami ni crush nag chachat ako sa kanya paminsan minsan sa ganun lang na pamamaraan ay kinikilig na ako hehe.
"Aray ano ba!! hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" may nabungo akong pader na maarte at mataray na hindi marunong tumanaw nang loob.
"Hindi ko kasalanang ikaw yung yumuyuko at hindi tumitingin sa daan" tinuro ko pa ang sarili ko na nasa gilid na naglalakad dito sa hallway.
"Arghh!! bwesit!"
"Mas bwesit ka!! mataray at suplada na may dalawang likod tse!!'' sigaw ko pabalik sa kanya at alam kong narinig niya ako.
Umalis si Bryan nang walang paalam at nandito kami sa bahay ngayon kasi isa isa kaming tinext ni Bryan na puntahan daw namin si Kristen dito sa bahay nila. At ang eksena dito sa bahay nila Kristen ay sumisigaw si Rose at nagmamakaawa kay Kristen na makiusap sa kuya niya na wag ituloy ang kasal na magaganap.
"Bryan!!" sigaw namin habang hinahanap si Bryan sa bawat sulok dito sa airport pero narinig nalang namin si Rose na umiiyak at nag mamakaawa sa kuya niya a wag ituloy ang kasal.
Lahat naapektuhan simula nang umalis si Bryan yung dating tahimik na si Kristen ay mas lalong lumala na ngayon kasi hindi niya kami kinakausap at lagi nalang absent at nakatutok sa cellphone nagbabakasakaling tatawag si Bryan.
"Mommy bakit tayo nandito?"
"This is going to be my treat to you since meron kanang naging kaibigan at tanggap ka nila and for that I will treat you here!" masayang sabi ni Mommy saka ako hinila papasok sa bilihan nang damit.
Nakilala ni Mommy sina Chelly, Nathan,Kristine, Shane at Rose nung nakaraang birthday ko, inimbitahan ko kasi sila di ko naman inexpect na pupunta talaga sila sa birthday ko. Naging mabait na sila sa akin except sa babaeng pader na si Rose.
"Here anak sukatin mo ito" tinulak ako ni Mommy papuntang fitting room kaya sinukat ko ang kinuha ni Mommy saka lumabas para makita nila kung bagay ba o hindi.
"Wow! oh eto pa!"
Natagalan kami ni Mommy sa loob nang shopping Mall saka kami naghintay dito sa labas kasi may tinawagan si Mommy kanina at sinabing hintayin nalang daw namin siya dito.
"Mom matagal pa ba?" inip kong tanong kay Mommy.
"Oh ayan na pala siya eh!" napalingon ako sa direksyon na tinitignan ni Mommy at dun nakita ko ang babaeng kinaiinisan ko walang iba kundi ang pader na babaeng may dalawang likod.
"Rose?!"
"What?! may problema ba?!.... Hi po Tita!" bati niya kay Mommy.
"Ang ganda mo talaga Rose anak!" pumasok na kami sa parlor. Heto nanaman at maghihintay na naman ako nang two to three ours para lang sa buhok ni Mommy tapos dumagdag pa si Rose ang babaeng pader. Hays...
"Oh anak ba't ka uupo diyan...hahaha akala mo siguro ako yung mag papaayos no? halika ka dito ka umupo" nagtataka man pero sinunod ko nalang si Mommy sa gusto niya saka umupo dun sa upuan. At nang tignan ko ang sarili sa salamin naninibago parin ako kasi yung damit na sinuot ko ngayon ay yung damit na binili ni Mommy para sa akin. Puti na damit at blue jeans suot ang white sneakers ko at glasses ko.
"Ready kana?" tanong nang babae tumango nalang ako kahit kinakabahan.
Inuna niyang tanggalin ang suot kong salamin saka ito nilagay sa mesa sa harapan ko. Sunod niya namang ginawa ay ang buhok ko binasa niya ito saka ginupitan ang medyo kulot kong buhok. Inaantok na ako kaya si Ateng manggugupit na ang nag adjust para sa akin.
"Tapos na po!" nawala ang antok ko sa anunsyo ni ate kasi sa wakas ay makakauwi na rin ako.
"Tapos na ate?" umuo naman si ate kaya kinuha na niya ang cover para di mapunta yung buhok ko sa damit at tumayo na ako ready nang umalis.
"Mom lets go" lumapit ako kay Mommy na busy sa kaka chika kay Rose at nung napatingin sila sa akin ay nakita kong namangha sila at nung ramdam ko rin ang mga matang nakatingin sa akin dito.
'Oh my God ang hot niya'
'Do you think may girlfriend na siya?'
'Psst kuya!! wampipti!'
Iilan lang yan sa mga narinig ko habang hinihintay sila Mommy na magbayad.
"So let's go?! by the way iha samahan mo muna kami ni Chris na kumain sa labas"
"Yun kung okay lang po kay Christian"
"Okay lang yan sa kanya basta ikaw!" sasagot na sana akong hindi pwede nang maunahan ako ni Mommy kaya wala akong nagawa.
"Yun lang ang order niyo...Sige hintayin niyo ako dito" pumila na si Mommy sa counter para umorder nang pagkain.
"I didn't know that you have that aura" napalingon ako sa babaeng katabi ko ngayon na nagsasalita mag isa baliw siguro tung kasama namin ah.
"Hindi mo ba ako narinig?"
"Ako pala kinakausap mo? kala ko hangin"
"Yes your now handsome and more cute but your still annoying and weird" sabi nito saka tumayo para mag gumamit nang restroom.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Ano daw? ako gwapo? tapos cute? Tsk itong babaeng toh may gusto naman pala toh sa akin eh nag mamataray pa aysus!! napangisi ako
sa aking iniisip. Bumalik na ang babaeng may gusto sa akin.
"What are you looking at?"
"Wala bakit? bawal?" ngumingiti lang ako sa kanya kapag nagkatitigan kami.
"Your so weird!" nginitian ko lang siya hanggang sa dumating na si Mommy bitbit ang tray na laman nang mga order namin.
Ganun na ba talaga ako ka gwapo para tignan nang mga babae dito sa school? hindi ko nalang sila pinansin at nag patuloy sa paglalakad nang may humarang sa aking dalawang babae na may bitbit na pagkain at binigay ito sa akin.
"Hi po...I hope you will like that!"
"Thanks!" ngumiti ako sa kanila nang at nagpasalamat nakita ko naman kung paano kiligin ang isa sa kanila habang ang isa ay nakatulala parin sa akin.
"Single ka po ba?"
"Huh?" hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga babaeng to na sa tingin ko ay mas bata pa sa akin.
"Hindi!! he's not single anymore!" nagulat ako sa presensya ni Rose nang bigla lang itong sumulpot sa kung saan at hinawakan ako sa kamay.
"R-rose?"
"Bakit? may problema?" mataray na sagot nito sa mga babae na nagtatanong kung single pa ba daw ako.
"At ikaw...How dare you talk to other woman when you already had me?!" nagulat ako sa sigaw nito sa akin tapos nun hinila niya ako papalayo sa mga babae pero bumalik din dun sa dalawang babae at kinuha niya sa kamay ko ang mga pagkain na bigay nila saka sinauli sa kanila.
"Why your looking at me like that?" kung nakakamatay lang ang tingin I'm sure kanina pa ako naging buto dito, pano ba naman kung makatingin sa akin ang babaeng to parang ang laki nang ginawa kong kasalanan.
"How dare you!"
"Bakit?! anong ginawa ko?" inosenteng tanong ko sa kanya.
"Next time...Dont you dare look at their eyes like that and don't even try to entertain them.. Or else!" lumapit ito sa akin nang dahan dahan saka ako nilapitan na as in sobrang lapit nang mukha niya sa akin pero ayos lang kasi mabango naman ang kanyang hininga.
"Or else ano?!"
"Or else...Papatayin ko sila at para fair sa kanila isasama kita sa pagpatay ko!" sigaw nito sa akin and I'm sure na medyo nawala saglit ang pandinig ko sa lakas nang boses nang babaeng toh buti nalang nasa locker kami banda at wala sa library.
"Oii baka maghalikan kayo ah!" nakita kong kinikilig sina Chelly at Kristen sa aming dalawa kaya tinulak ko siya papalayo.
"Oii kayo pala? kamusta?"
"Gwapo natin ngayon brad ah!" biro sa akin nang dati kong crush na si Kristen. Nang tiningnan ko dati si Kristen na lumuha para kay Bryan ay tanggap ko na sa sarili ko na hindi ako ang mahal niya.
"Bakit? Gwapo naman ako talaga ah? dati pa!"
"You know what you can be a good comedian!" sabi sa akin ni Chelly.
"Ito naman di mabiro! tara na mag s-start na ang klase and you Rose dapat dun kana sa classroom niyo baka malate kapa"
"Ok... Bye!!" kumaway na siya kina Chelly at Kristen saka tumingin sa akin nang matalim.
Ang ganda nang panaginip ko hanggang sa may tumawag sa cellphone ko kaya kinapa ko ito saka sinagot gamit ang boses na gusto pang matulog.
"Hellow? ish this you! Christian ma pren!?!" sabi sa kabilang estasyon, parang lasing to ah.
"Sino toh?"
"Ako lang naman itoh! your future and soon to be wife! hahaha.."
"Rose ikaw bato?"
"Wow you guess my name correctly so it means gushto mo akong maging ashawa?!"
"Asan ka? sinong kasama mo" alas dos na nang gabi at naglalasing itong babaeng toh.
"Hey you!! look my future husband is worried about me!"
"Rose? sabihin mo asan ka? susunduin kita diyan"
Sinabi niya sa akin kung saang bar siya nag iinim ngayon kaya dali dali akong pumunta dun at hinanap siya and there I saw the girl that has two back na nagsasayaw sa gitna nang bar at sobra nang lasing.
"Rose let's go" aya ko sa kanya pero umiling ito.
"Rose.." ulit ko sa pangalan niya.
"Why? why my brother need to left me? I know na hindi kami masyadong close but I love him, He's my role model" inalalayan ko siya papuntang sakayan saka siya inuwi sa bahay nila. Sa pagkakataong ito ay alam ko na kung saan banda ang bahay nila.
"Naku iho pasensya na sa abala ha"
"Ayos lang po Tita.. Asan po ang kwarto ni Rose?" tanong ko habang bitbit ko ang katawan nang babaeng pader saka ito inihiga nang dahan dahan sa kama niya at nagpaalam na kina Tita at Tito na uuwi na ako nagpasalamat sila sa akin bago ako umuwi.
Ilang araw ang lumipas na ako ang naging sandalan ni Rose sa tuwing namimiss niya ang kuya niya hanggang sa di ko na namalayan na nahulog na pala ako sa kanya nang paunti unti hindi ko alam kung papano ko sasabihin ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Hoi lalim nang iniisip natin diyan ah!"
"Wala may iniisip lang..''
"Anong problema yan?" nandito kami ngayon sa bahay namin at nandito siya para mambwesit sa akin.
"Wala..." sabi ko sa kanya habang ang mga mata ay nasa sahig.
"Ano nga!.." hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan ang mata ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, sasabihin ko ba sa kanya na gusto ko na siya? sasabihin ko ba sa kanya na unti unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya? o hindi nalang sabihin ang katutuhan na Mahal ko na siya.
"Hoi Christian—" nagulat ako sa aking ginawa, hindi ako makapaniwala na hinalikan ko ang babaeng mahal ko alam ko rin na nagulat siya dun. Pero mas nagulat ako nang hinalikan niya ako ulit nang matagal saka niyakap.
"I've been waiting for you to tell me that you love me too.." Saad niya, niyakap ko siya pabalik at sinabi ang katagang nais kong sabihin sa kanya simula nang malaman ko sa sarili ko na mahal ko siya.
"I love you.."