Ava POV "Teka ano bang nangyayari dito? Bakit ako ang ikakasal?"hinaplos lang ni mama ang buhok ko. "Malalaman mo din mamaya kung bakit."nakangiting sabi ni papa sa akin at giniya niya ako sa harapan ng simbahan kung saan nakasarado pa ang malaking pintuan nito. Nakahawak si papa sa bewang ko habang si mama naman ay nakahawak sa braso ko. "Masaya kami para sayo."hinalikan ni papa ang noo ko. Kasabay ng pa bukas ng pintuan ay nagsimula na din dumtugtog ang dambana by Aia De Leon and Silent Sanctuary. Nakita ko si Jake na nakatayo malapit sa altar at nakangiti ito sa akin. Hindi ko mapigilan na mapaluha habang nakangiti sa kanya. Hindi ko muna iisipin kong papaano to nangyari basta ang mahalaga ako ang ikakasal sa kanya ngayon. 'Di ko maipaliwanag Ang nadarama Naglalaro sa aking

