Po'v Ava
Hindi na mawala ang ngiti ko ng makaalis si Jake para akong bumalik sa kabataan ko, aminin ko man o hindi kinilig ako sa sinabi niya.
"Hoy Ava! Sasabunutan na kita dyan! Kanina kapa nakangiti ng ewan ang creepy mong ngumiti!"kahit kailan talaga napaka-epal ng babaeng to. Sarap supalpalan ng mamon tapos tatatakan ko yung noo niyang. Wag kayong lalapit nanghahampas ako by Gina.
"Hoy ka din! Nakapag-salita ka naman akala mo hindi ka nananapak pag-kinikilig ka!" lakas lakas manita nito pag kinikilig kami pero mas oa nga tong kilikigin eh. Kaya kung alam namin na makikita niya yung crush niya lalayo agad kami. Ang bigat-bigat pa naman ng kamay niya.
"Oo nga... buti nga kami pangising-ngisi lang eh ikaw para kang sumali sa boxing dahil sa lakas ng sapak at sampal mo!" sigunda naman ni Zallyna kay Gina.
"Alam niyo kahit kailan wala talaga akong kakampi dito"ngumusong sabi ni Gina.
"Chen kampihan mo naman ako ohh kahit ngayon lang"yumakap pa ito sa braso ni Chen nawala ang atensyon ko ng magsisigaw at mag titili ang mga tao.
"Kyahhh! Ang gwapo talaga ni Manuel!"
"Galingan niyo Troy! ilampaso niyo yang mga kalaban niyo!"
Kanya-kanya na silang sigawan at cheer sa mga crush nila. Halos dikit ang laban ng magkabilang panig. Hinanap ng mata ko si Jake kahit sa malayo ay lahat ko ang tagaktak ng pawis nito.
Habang pinagmamasdan ko si Jake na naglalaro masasabi kong magaling siya dahil sa estilo nito. Mas lalo lang siyang nagiging gwapo sa paningin ko!
"Infairness magaling si Jake ah"tumatangong sabi ni Chen. Ngayon lang siya ng bigay ng compliment sa ibang tao kaya naman nagulat kami sa sinabi nito.
"Woah bago yun ah! Ano nakain mo Chen?"naniningkit na sabi ni Gina.
"Wala naman, bakit masama bang sabihin yun?"balik na tanong ni Chen.
Nagwater break muna saglit ang mga player kaya naman pumunta sa pwesto namin si Jake. Kinuha ko ang tumbler niya at towel niya sa bag.
"Oh mag punas ka muna ng pawis mo"abot ko sa kanya ng panyo. "Mahirap ng matuyuan ka ng pawis" dugtong ko. Uso pa naman ang pagkakasakit ngayon.
"Punasan mo ako"pilyo siyang nakangiti sa akin. Diyos ko naman pag nagpatuloy pa to baka hindi kona kayanin.
"Ayoko nga! Hindi kana bata eh, punasan mo sarili mo"binato ko sa mukha niya yung towel.
"Hahaha sungit mo pupunasan mo lang naman mukha ko eh"inabot niya sa akin yung towel. Sige na punasan mona ako please"ngumuso pa ito.
Bakit ba ang galing niyang mangumbinsi? At bakit ako nakukumbinsi dahil lang sa panguso-nguso niya. Nakakainis tuloy ang lambot lambot ko pag-dating sa kanya.
"Ang arte-arte mo Jake!"padabog kung kinuha ang panyo sa kanya saka maingat kong pinunasan ang mukha niya. Naiilang tuloy ako kasi nakatitig siya sa akin habang pinupunasan ko ang mukha niya.
"Ehem ship na yan!"
" Mga hinayupak kayo nilalanggam na kami dito!"
"Ang haharot niyo po! May nalalaman pang punasan mo ako!" iba-ibang sabi ng mga kaibigan ko.
Kahit na pigilan ko yung ngiti ko wala din namang use kasi halata naman sa mukha ko na kinikilig ako.
"Andami mo kasing alam Jake ayan tinutukso na nila tayo" ani ko sa mahinang boses. Inabot ko sa kanya yung tumbler niya. Uminom naman siya doon nang matapos siyang uminom ay inabot niya agad ito sa akin.
"Madami naman talaga akong alam"lumapit siya sa mukha ko ng ilang dangkal na lang nagsisisitilian tuloy yung mga kaibigan ko.
"Putang*na mag hahalikan pa ata tong mga to!" rinig kong sabi ni Chen.
"Hoyyy wag kayong PDA dito maawa kayo sa aming single!"
Hindi ko na napansin yung iba pa nilang sinasabi dahil nakatuon na lang ang pansin ko kay Jake.
"Hayaan mo silang tuksuin tayo, malay mo magkadevelopan tayo"kitang-kita kung paano siya kumindat sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon."See you later baby" bago siya umalis pinisil pa nito ng bahagya ang pisnge ko. Hilig niyang mamisil ngayon ah.
Nanlalambot akong napaupo sa upuan ko. Sh*t! Sh*t ano yun? Parang kailan lang nung sinasabi niya sa akin na mahal pa niya yung ex niya! Nafafall na ba siya sa akin? Tang*na naman Jake ehh ginugulo mo na ako!
Hindi ko pinansin ang mga kaibigan ko na panay ang sundot sa akin. Hindi ko na nga sinagot ang mga tanong nila lalo na kung ano ba yung binulong ni Jake.
Ikaw ba naman sabihin ng baby malamang mapapatahimik kana lang ng wala sa oras. Ano to nanliligaw ba siya o trip trip niya lang?
Wala na natamaan na talaga ako. Sana lang hindi na maulit yung nangyari sa akin dati kasi hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Kahit ayokong mag assume sa mga ginagawa niya ngayon hindi ko mapigilan.
Dahil na rin siguro naghahanap ako ng taong magmamahal at tatanggap sa akin bilang ako. Hindi yung hahanapin pa sa iba yung wala ako, kasi kung talagang mahal talaga ako ni Lance dati hindi niya mararamdaman na may kulang na may nahanap siya sa iba na wala ako.
Mahirap kasi sa isang relasyon yung bigla na lang nasira dahil may nag cheat. Mapapa-isip kana lang talaga kung ano bang ang kulang sayo. Kung may ginawa ka bang mali at bakit ganon? Bakit sa iba niya nahanap yung gusto niya kung ikaw naman ang lagi niyang kasama. Na kung kailan kayo bumuo ng mga pangarap na mag kasama doon pa nasira ang lahat.
Natapos na ang laro at ang team nila Jake ang nanalo, masaya ko siyang sinalubong.
"Congrats kayo nanalo, Ehem... baka naman kahit sa turo-turo lang"biro ko sa kanya.
Inakbayan naman niya ako"sige ililibre kita pero dapat makakapasa ka bukas sa quiz niyo"
"Oo nga pala! Mauuna na kami ahh"biglang sabi ni Zallyna.
"Oy teka akala ko ba sabay-sabay tayong uuwi" iiwan pa ata ako ng mga hinayupak kung mga kaibigan.
"Nako nakakahiya naman sa inyo nakakasira kami ng moment, aalis na kami para naman may time kayong mag landian ng wala kami"pabirong sabi ni Gina sa amin.
Uminit ang mukha ko dahil sa sinabi niya naiilang na tuloy ako ng sobra!
"Sige na lalarga na kami"tumingin sa akin si Chen"galingan mong humarot kung hindi itatapon kita"nagtataka talaga ako bakit nagkakaganito si Chen.
"Gaga kayo! hindi ako marunong humarot!"nang makaalis na sila Gina naging awkward tuloy ng kami na lang ang maiwan ni Jake.
"Ahhh pagpasensyahan mona yung mga yun ahh, alam mo naman mga loko-loko sila wag mo na lang pansinin yung mga sinabi nila" nahihiyang sabi ko. Lumabas na naman yung dimple siya sa magkabilang pisnge dahil sa pagkakangiti niya.
"Ano kaba wala lang yun, nasanay na din naman ako sa mga yun" hinawakan niya ang kamay ko na ikinapitlag ko.
"Pftt pati ba naman sa paghawak ko ng kamay mo magugulatin ka pa rin"
"Paanong hindi ako magugulat eh bigla-bigla ka na lang nanghahawak ng kamay!" 'may kuryente pa akong naramdaman' tugtong ko sa isip ko.
"Tara na daan muna tayo sa locker room may kukunin lang ako saglit. Tumango na lang ako at nag lakad kami papunta sa locker room naiwan naman ako sa labas ng locker room at hinintay ko siyang makalabas.
Teka! Andito kanina si Katherine ah. Nagkita kaya sila ni Jake?
"Oy tara na... bakit tulala ka dyan"kalabit sa akin ni Jake.
"Ah Jake... may itatanong sana ako"
"Hmm sige ano yun?"
"Nagkita ba kayo ni Katherine kanina? Nakita ko kasi siya dito sa university kanina pero hindi kona siya kinausap kasi may class ako kanina"natahimik siya saglit at hinawakan ulit ang kamay ko.
"Yup nagkita kami kanina, andoon din siya kanina sa gym nanonood ng laro namin" sa pagkakataong to nakaramdam ako ng pumipiga sa dibdib ko.
Hindi ko maiwasan na isipin na baka pinagawa niya lang sa akin yung mga bagay na sweet gesture kasi andoon si Katherine na panigurado nakita niya ang mga yun.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko bigla akong nawalan ng gana dahil sa nalaman ko.
"Sige uuwi na ako ah"paalam ko sa kanya at naglakad ng mabilis paalis pero hinigit niya ang braso ko.
"Ihahatid nga kita diba, may nasabi ba ako kaya biglang nag iba ang mood mo?"ito ang mahirap sa mga lalaki eh hindi nila alam na may nasasabi na pala silang nakakasakit sa aming mga babae at ang nakakainis naman sa ating mga babae. Yung idedeny namin na may ginawa o sinabi silang hindi namin nagustuhan.
"Wala ok lang ako, kaya ko namang umuwi hindi mo na ako kailangang ihatid"umiwas ako ng tingin sa kanya.
Nangingilid ang luha ko kaya yumuko feeling ko ilang minuto na lang babagsak na ang mga luha ko.
"Hey!"inangat niya ang baba ko dahilan para makita ko ang pag-aalala niya sa mukha niya.
"Kung may nasabi man akong hindi mo nagustuhan, I'm sorry Ava. Hindi ko intensyon na masaktan ka sa sinabi ko" ramdam ko ang sincere sa boses niya.
"Naging sweet ka lang ba kanina dahil andoon si Katherine?" imbis na mag-alala siya sa sinabi ko. Ngumiti lang siya sa akin at hinaplos ang pisnge ko.
"No... magiging sweet ako sayo kahit na wala siya. Nag-usap kami kanina at nagkaroon kami ng closure sa isa't-isa. Sinabi niya din na may nagugustuhan na siyang iba matagal na kaya lang ayaw niyang aminin sa sarili niya" ipinag dikit niya yung noo namin.
"At ganon din ako"nahihirapan niyang sabi. May nagugustuhan na din siyang iba? Nakaramdam ako ng sakit dahil sa sinabi niya.
"So may nagugustuhan ka na pala"ani ko sa mahinang boses. Tinitigan ko siya habang nakadikit pa rin ang mga noo namin.
"Yes, hindi mo ba tatanungin kung sino yun?"napalunok ako kahit na ayaw kong itanong kung sino ba yun pero kusang bumuka ang mga labi ko.
"Sino Jake?"
"You... It's you Ava"