Umiiyak ako habang naghihintay ng jeep pinag papasalamat ko na lang na walang tao. Dahil magtataka sila kong bakit ako umiiyak.
Mapanghusga pa naman ang nga tao ngayon. Hindi pa nila nalalaman yung kwento pero nanghuhusga na agad sila.
Hindi ko nga alam kong paano ako nakapunta dito eh. Basta ang alam ko wala na kami ni Lance, dahil siguro sa bilis ng pangyayari kaya diko na napansin na nandito na ako pala ako sa sakayan ng jeep.
May humintong jeep ng pinara ko ito, dali dali akong sumakay. Pinapahid ko ang mga luha ko dahil nakakakuha ako ng atensyon sa mga pasahero pero kahit anong pagpipilit kong wag umiyak kusa pa ring tumutulo ang mga luha ko. Tama nga sila pag nasaktan ka kusa na lang tutulo ang mga luha mo. Kahit gaano pa ang pagpipigil mo wala kang magagawa.
Bakit ba naman kasi nangyayari to sa akin? May kulang ba sa akin? Wala naman akong maalala na may ginawa akong mali eh. Ayoko ng ganitong feeling! Ang sakit sakit na!
Napapahikbi na lang ako dahil sa pagpipilgil ng iyak hanggang sa may nag-abot sa akin ng panyo.
Tinitigan ko lang ang panyong inaabot niya sa akin ng bahagya niya itong itaas para kunin ko.
"Kunin muna pinagtitinginan ka na oh?!"sabi nito wala sa sariling kinuha ko ang panyo saka ko ipinunas sa mukha ko.
Wala akong imik habang umiiyak wala na din akong pakealam sa mga nakasakay ang gusto ko lang mailabas ko itong sakit nararamdaman ko. Sa ngayon gusto ko munang iiyak yung sakit na nararamdaman ko.
Mas lalo akong napaiyak dahil naalala ko ang nangyari kanina sa apartment ni Lance.
[/Flashback/]
Nasa byahe ako papunta sa apartment ni Lance balak ko siyang bisitahin kasi ilang linggo ko na din siya hindi nakakausap kahit na sa text nag aalala tuloy ako.
Nang makarating ako sa apartment niya sakto naman na lumabas siya at bihis na bihis halatang may pupuntahan pa ito.
Mukha pa siyang nagulat ng makita ako doon.
"Babe!!"sigaw ko saka ako lumapit sa kanya at yumakap.
Nag taka ako ng hindi siya tumugon sa yakap ko. May problema ba siya? Hindi niya ba ako na miss?
"May problema ba? Ilang araw na tayong hindi nagkikita ah, hindi moba ako na miss?"hinawakan ko pa ng bahagya ang pisnge niya. Napapitlag ako tabigin niya ang kamay ko.
"Anong ginagawa mo dito?!" Naiinis niyang sabi. Teka bakit siya nag kakaganito? Ok naman kami nung huli naming pagkikita ah.
"Binibisita ka babe!! Ano ba namang klaseng tanong yan?"bigla akong nakaramdam ng kaba sa tono ng pananalita niya kaya naman dinaan ko na lang sa pabirong sagot.
"Hindi ka na dapat pumunta dito!"sabi nito at nag umpisa ng lumakad papalayo sa akin.
Mabilis ko naman siyang hinabol at hinawakan ang braso niya.
"Teka!! May problema ba tayo Lance?"pagtatanong ko sa kanya dahil sobra na akong kinakabahan sa pinapakita niya. Isa ba to sa mga joke niya? Kasi kong oo, hindi na ako natutuwa!
"Ava break na tayo!"sabi nito na ikinalito ko. Kumabog ang puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko sa sinabi niya. Break? Bakit kami mag bre-break?!
"Teka...break? hindi naman tayo na break ah!"naiiyak kong sabi. Wala akong maalala na nagbreak kami!
"Joke ba to kasi, kong oo please sabihin muna" pagmamakaawa ko sa kanya. Ayoko ng ganitong biro dahil feeling ko totoo.
"Look Ava hindi mo ba napansin na hindi kita nirereplayan sa mga text mo, hindi ko sinasagot ang mga tawag mo, at hindi na ako pumupunta sa bahay niyo. Ibig sabihin nun break na tayo" hindi ako na inform na ganon na pala ang way para makipag break ngayon.
"Ano bakit hindi ko alam? wala kang sinabi sa akin Lance! So ganon ka pala makipagbreak huh?" hindi kona napigilang umiyak dahil sa mga nangyayari ngayon. Bakit biglang naging ganito? Ok naman kami ah!
"No!! hindi ako pumapayag na makipag break sayo! Wala kang reason para makipaghiwalay sa akin, unang-una sa lahat wala akong ginawang mali! Lumandi ba ako sa iba? Wala naman diba?!"kung magpapadala ako sa emosyon ko malamang matutuloy to sa hiwalayan, napahilamos naman siya sa mukha niya. Kitang kita ko din sa mga mata niya ang inis dahil sa mga sinabi ko.
"Wala kang magagawa kasi ito ang gusto ko Ava!!" Gusto niya lang pero hindi niya ako tinanong kung gusto ko bang makipaghiwalay!
"Na ano?! Ang mag break tayo yun ba ang gusto mo?!" Sigaw ko sa kanya.
"Oo Ava ito ang gusto ko, Ang mag break tayo!"natigilan ako sa sinabi niya hindi nga to isang joke...totoo ang nangyayari ngayon.
"Bakit ha? Ako ba tinanong mo kung gusto ko to?! Hindi naman eh! Pero bakit? Bakit mo gustong makipaghiwalay?!"nasabi ko na lang habang naka tingin siya sa akin, patuloy na dumaloy ang mga luha ko. Wala na yung pagiging matapang ko kanina biglang nawala.
"Bigyan mo ako ng dahilan para makipaghiwalay sayo"nahihirapan kong sabi sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa akin, hinawakan ko siya sa pisnge at hinarap sa mukha ko. Kitang kita ko ang hirap at awa sa mga mata niya.
Awa? Para ba yun sa akin?
"Hindi ko kailangan ng awa mo Lance! Kailangan ko pagmamahal mo!"sigaw ko sa akong isipan.
"I don't love you anymore Ava! is that enough reason para ibreak mo ako?"para akong natuod sa kinatatayuan ko. May mahal na siyang iba? Kailan pa?
"Why? Why Lance answer it!! may ginawa ba ako na ayaw mo?"
umiwas siya ng tingin sa akin hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge at pinaharap sa akin.
"Tell me"pagmamakaawa kong sabi. Kahit na nahihirapan na ako nagawa ko paring sabihin ang katagang yun kahit na alam ko sa sarili ko na pagsisisihan ko to.
"I like someone else Ava so please let's break up"sumikip yung dibdib ko dahil sa narinig ko. May mahal na itong iba! Paano... paano nangyari yun? Naguguluhan na ako!
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Ok... kung dyan ka magiging masaya, Sana lang maging masaya ka sa kanya kasi itong sakit na nararamdaman ko ngayon, sana hindi mabalewala. I wish na kayo ang magkatuluyan sa huli para naman kahit papaano naging worth it yung sakit na to"sabi ko saka ako tumalikod kasabay ng pagtalikod ko ay ang pag kadurog ng puso ko.
Nawala na ang lalaking minahal ko. Yung binigay kong pagmamahal sa kanya na higit pa sa sarili ko. To much love will kill you, napatawa ako tama nga dahil patay na patay na ang puso ko.
[/End of Flashback/]
Napapikit ako dahil sa naalala ko ang nangyari kanina.
Napapahikbi na lang ako dahil sa sakit at pagpipigil ng iyak ko. Hanggang sa may maramdaman akong humahagod sa likod ko.
Siya yung nag bigay ng panyo sa akin, magaan niya lang akong nginitian pero umiwas ako ng tingin.
Habang nasa byahe hindi ko maiwasan na umiyak hanggang sa makauwi ako ng bahay.
"Anak!! Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?!"gulat na gulat na tawag sa akin ni Mama. Hindi ko pinansin si Mama at diretsyo lang ako sa paglalakad hanggang sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama at kinuha ko ang teddy bear saka ko niyakap ng mahigpit. Doon ko binuhos lahat ng nararamdaman kong sakit humagulgol ako.
Wala na akong pake kahit pa kumakatok si Mama sa pintuan ng kwarto ko. Ayoko na ng ganito! Ang gag* mo Lance! Ang gag*-gag* mo!
Ilang oras din akong umiiyak at tumigil na din si mama sa pagkatok siguro ay napagod na. Pero itong mga luha ko hindi pa rin tumitigil. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong alas otso na ng gabi. Mapait akong ngumiti dahil umaasa pa rin ako na mag te-text si Lance at sasabihin niyang joke lang ang lahat ng sinabi niya.
Naghintay ako pero hating gabi na, naghintay lang pala ako sa wala! Great Ava!
Wala pa rin itong kahit na isang text, nakailang pabalik balik na din sila mama at papa pati na rin si kuya pero hindi na lang ako nagsasalita at tahimik na umiiyak. Maski sila Ay hindi na nakatulog ng dahil sa akin.
Tama... Paano ko nga ba ipaglalaban yung pagmamahal ko kung may iba na pala itong minamahal.
Mahirap lumaban sa isang gyera na sa una palang alam monang matatalo ka. Ayokong mag risk dahil masasaktan lang ako ng sobra sobra. Bakit kapa lalaban kung alam mo naman sa una na ikaw ang matatalo at masasaktan. Tama na tong sakit, tama na yung sikip na pinadaman niya.
Para akong kontrabida sa isang fairytale movie, pag naging masaya na ang happy ending makakalimutan na ang konttabida kung saan naging parte din ng kwentong yun.
Pero ayokong maghabol sa taong naging akin pero iba na ang mahal ngayon.
Sana...sana lang maging masaya siya.