Chapter 12

1731 Words
Po'v Ava It's been a month since the last time i talk to Lance and also that's  the last time I saw Jake. Ok naman kami ni Jake kasi hinatid niya pa ako sa bahay pero noong gabing yun wala na. Nahihiya naman ako itext siya kasi baka busy lang talaga siya hindi din naman ako napapadaan sa building nila kaya wala din. "Wag ka ngang praning bakit jowa mo ghorl?" napasapo na lang ako ng ulo sakit talaga sa ulo tong kaibigan ko. "Chen manahimik ka pwede saka bawal bang mag alala ha?" kinuha ko sa kanya yung french fries niya. "O.A mo lang talagang mag react Chen" inirapan ko pa siya saka sumubo ng fries. "Lahat na lang binibigyan mo na malisya basta kaibigan ko lang si Jake end of discussion. Isa pa diko gusto si Jake" "Hindi nga ba?"singit naman ni Gina na kumakain sa tapat ko, binato ko siya ng battled water na may konti pang laman. "Manahimik na nga kayo sabi eh! Konti na lang sasakalin kona kayo isa-isa dahil sa mga pinagsasabi niyo" "May bunganga ako beh kaya hindi ako tatahimik.  Aba mamaya kayo pala magkatuluyan niyan ayieee" kinikilig nitong sabi. Ang ooa nila ahh akala mo naman di ako nag kwento ng ibang tao sa kanila. "Oo nga Ava hindi na kami magugulat kung kayo ang magkakatuluyan, isa pa wag ka kasing defensive masyado Ava. Nagsasabi lang naman kami ng posibleng manyari sayo. Malay mo nagugustuhan mona pala yung tao... Diba? Simpre siya yung laging andyan tuwing nalulungkot ka sa ex-boyfriend mong gag*"natahimik ako saglit sa sinabi ni Zallyna. "Sh*t!" pinanlakihan ko sila ng mata. Hindi ba talaga sila titigil sa kakatukso sa akin? "Tumigil na nga kayo,  Anong pinagsasabi niyong gusto ko si Jake? Nag-aalala lang ako ok? Wag kayong masyadong prani-" hindi kona natapos sasabihin ko ng biglang may magsalita sa likod ko. "Sinong Jake? At bakit may narinig akong nagugustuhan mo siya Ava?"napapikit na lang ako ng mariin dahil narinig ko ang boses ni Mike. Ito na nga ang sinasabi ko eh, kaya ayokong magkwento kasi malalaman ng lahat eh paano ba naman kasi nagkaroon ako ng mga kaibigang timang. "Ay nako Mike itong si Ava hindi man lang nag kwento nung pumunta sila ng tagaytay ni Jake, gusto nga naming makilala ni Ginq yung Jake eh. Pero hindi pa pinapakilala nitong babaeng to. Buti nga itong su Zallyna nakita na niya yung kumag na yun" bakit ko nga ba nakwento sa kanila si Jake? Eh alam ko naman napaka daldal nito mga to, walang preno ang bibig sarap supalpalan ng mamon sa bunganga ng matigil. "What? Without knowing me Ava?" umupo ito sa sa harapan ko tinaboy pa nga neto si Gina na doon nakaupo kanina. Nasa cafeteria kami ngayon at dito muna kami tumambay kasi wala naman ng masyadong tao dito at may 2 hrs vacant period pa kami so naisipan namin nila Zallyna na tumambay muna at ayun na nga nakwento ko sa kanila si Jake pero hindi ko nasabi na nakipagkita muna ako kay Lance kasi panigurado iuuntog nila ako sa pader pag nalaman ng mga to. Hayop pa naman sila kung magalit. "Look wala akong gusto kay Jake, he is just my friend.  Nag-aya lang siyang pumunta sa Tagaytay para mag unwind. Kayo lang tong nag bibigay ng malisya ok" "blah blah blah hindi mo naman ikukwento yung isang tao kong hindi mahalaga sayo eh" pinanlakihan ko ng mata si Chen wala talagang preno bibig nito. "Saka nung isang araw lang kayong nagkakilala ah, nung sinamahan mo ako sa pinsan ko. Hindi ko naman alam na magkakadevelopan pala kayo ng iwan namin kayo.. Ayiieee" isa pa tong si Zallyna ah masasabunutan kona talaga sila. "Bahala kayo kung anong isipin niyo. Basta ako turing ko sa kanya kaibigan" biglang hinawakan ni Mike ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. "Ava please lang wag mong hayaan na mahulog ka ulit sa maling tao" ngumiti ako sa kanya. "Hindi naman ako mahuhulog ulit sa maling tao" hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko " don't worry to much Mike, trust me" napabuntong hininga na lang siya at nagkibit balikat. "So kamusta naman kayo this past few days dina ako masyadong nakakasama sa inyo medyong naging busy ako eh"buti na lang pinalitan na ni Mike ang topic. Kanina pa ako nabuburyo sa mga to, paulit-ulit lang naman ang sinasabi kung pwede ko lang sana silang iwan. Pero for sure hihilain lang nila ako at tatanungin ng tatanungin kahit na paulit-ulit sila ng tanong. "Nah nothing special naman diba guys, maliban sa nakwento ni Ava ngayon" sigunda ni Gina sa akin. "Yeah boring nga eh" tha last thing I knew nandito na kami sa gilid sa field ng soccer ball at nakaupo sa damuhan. May iba din naman na tumatambay dito kasi kahit na mainit ang araw sariwa naman ang hangin. Ewan koba sa mga trip ng mga to gusto daw makakita ng mga fafang nag lalaro. Well diko naman sila masisisi kasi mga gwapo talaga ang mga boys sa soccer team. Karamihan din sa mga tumatambay dito mga babae. "Ghadd!! Tignan mo yun Gina ang gwapo niya!"magkalapit ang mukha ni Gina at ni Zallyna habang nagbubungisngisan. "Hoy! Magkakapalit na kayo ng mukha dahil sa lapit niyo sa isa't isa. Kaloka kayo! Magbubulungan na nga kayo eh rinig na rinig naman" "Grabe ka Ava ahh! Hindi mo man lang kami susuportahan"ani ni Zallyna "Sinusuportahan ko nga kayo eh!  Pero hindi sa kalandian niyo!" "Ang iingay niyo"ani ni Mike na nakasandal sa likod ko. "Eh paano ba naman kasi itong babaeng to napaka epal"duro sa akin ni Gina. "Mga hinayupak kayo para kayong aso't pusa mag sitahimik nga kayo! Natutulog yung tao eh"reklamo ni Chen na natutulog sa hita ko. Ewan ko feel na feel nilang gamitin ako bilang unan at sandalan ngayon. Agad naman kaming nagsitahimik kasi malamang pag hindi kami tumigil baka nasa lupa na mga mukha naming tatlo. Iba pa naman to magalit lalo na pag naistorbo tulog. Palibhasa napaka antukin netong taong to. Napangiti ako dahil halos isang buwan na din pala na hindi sumagi sa isip ko si Lance at isa yung big achievement para sa akin kahit pa sabihin ng iba na hindi pa ako nakakalimot. Tama nga yung sabi nila na time will heal your wound. Siguro masyado ko lang ginugol yung sarili ko sa kanya, madami akong natutunan ng dahil don. "Ihahatid na kita Ava" hinawakan ni Mike ang kamay ko kaya nagpatianod na lang ako hanggang sa makasakay kami sa kotse niya. Tapos na ang klase namin at nagtext sa akin si Mike na ihahatid na daw niya ako pauwi. Wala na din naman akong nagawa kasi hinahanap din naman siya sa bahay eh. Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng basagin ni Mike ang katahimikan. "So sino tong Jake na sinabi nila Chen kanina" napakagat ako ng labi ito na nga ba ang sinasabi ko ayoko naman din na magsinungaling dito kasi kilala na niya ako. "Kaibigan lang si Jake saka sinamahan niya ako kay Lance last month nung gusto niya akong kausapin" kalmado kong anas. "Ano?! Nababaliw kana ba Ava!" kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Mike "sh*t bakit ka nakipag kita sa kanya!" "Mike ok na ako well naging ok ako dahil sa huling pagkikita namin. Kaya hindi ko pagsisisihan na nakipagkita ako sa kanya. Kasi kung hindi ako nakipagkita sa kanya malamang nagmumukmok pa rin ako hanggang ngayon. Gusto mo ba yung mangyari Mike? Kasi ako hindi, alam ko naman na iniisip niyo pa rin na hindi pa ako nakakamove on pero Mike believe me unti-unti ko na siyang nalilimutan" Inabot ni Mike ang kamay ko na nakapatong sa bag ko. "Kung kailangan mo ng makakausap andito lang ako. Sh*t bat ba ako nakakaramdam ng ganito?!" Halata sa boses niya ang pagkairita. "Ha? Anong nararamdaman?" Naguguluhan kong sabi sa kanya. "Wala wag mo ng isipin yung sinabi ko" nakakunot ang noo ko hindi naman to naglilihim sa akin eh. "Mike matagal na tayong mag kaibigan alam ko nag kahiwalay tayo ng matagal pero hindi naman yung naging dahilan para magkalayo yung loob natin isa't isa kaya sabihin mona kung ano yang nararamdaman mo" ayoko sa lahat yung maglilihim siya sa akin kahit pa nga nag lihim ako sa kanya na nakipag kita ako kay Lance. Pero imbis na sagutin niya ang tanong ko wala akong nakuha, tahimik na lang siyang nagmamaneho. Umiling ako at tumingin sa bintana ng kotse. Tahimik na lang kaming pareho hanggang sa makarating kami sa bahay. "Andito na tayo" "Salamat sa pag hatid"sabi ko at bumaba na ng kotse. Tumingin ako sa kanya"hindi kaba papasok?" Umiling ito"hindi na siguro sa susunod na araw na lang, may gagawin din ako eh"tumango ako at naglakad na papunta sa gate namin. Bubuksan kona sana ang gate namin ng bigla akong tawagin ni Mike. Humarap ako sakanya "Ano yun?" Hindi ito makatingin sa akin ng maayos at parang nahihiya siya. "Mike ano ba sasabihin mo?" "A-ano k-kasi paano ba to sabihin" nagkamot pa ito sa batok niya saka tumingin ng deretsyo sa akin" nagseselos ako Ava dapat ako na lang yung sinabihan mo sa problema mo. Sasamahan naman kita sa ex mo eh pero sa iba kapa nagpasama.  Alam ko nakakatawang sabihin pero ito talaga yung nararamdaman ko hindi ko alam bakit ko nararamdaman to. Pero Ava nagseselos ako, knowing na may iba ka ng napagsasabihan ng mga problema mo" ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga sinabi niya dahil nagulat ako sa sinabi niya. Diko naman alam na ayun pala nararamdaman niya. "Ahh M-mike kasi"kinagat ko ang pang ibabang labi ko shems bat ba ganito diko alam sasabihin ko. Tinawanan niya lang ako saka lumapit sa akin. "Ang cute mo talagang pag natetense ka ano kaba! wag mo masyadong isipin yung sinabi ko... ok" ginulo niya yung buhok ko na ikinasimangot ko "Sige na pumasok kana kita na lang tayo bukas ah" tumango na lang ako at naglakad na papasok sa bahay. Hindi ko maiwasan na kabahan sa sinabi ngayon ni Mike. May gusto ba siya sa akin? O baka naman nag seselos lang talaga siya. Aishh hindi ko muna yun bibigyan ng meaning natural lang sa amin yun lalo na matagal na kaming makaibigan. Sana lang wala siyang gusto sa akin kasi naguguluhan pa ako sa ngayon at ayoko pang pumasok sa isang relasyon kung sakali man. Naguguluhan na talaga ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD