Bumalik ulit si Jeho sa loob ng kuwarto kung saan niya iniwan si Kayrelle upang magbihis. Nakita ng dalawang mga mata niya na tapos na ito. Napatayo lang siya sa may pintuan at hindi makapaniwalang babagay sa kan'ya ang dress na siya pa mismo ang namili. Napangiti naman si Kayrelle nang makita niyang nabato ito sa kinatayayuan niya. "Bagay ko ba?" tanong ni Kayrelle. Nasa mga mata nito ang saya habang papalapit si Jeho sa kan'ya. "You're beautiful sweetheart. I never thought na babagay pala sayo 'yan," sabay hapit nito sa aking impis na bewang. Napadiin ng husto ang pagkakahawak niya sa bewang nito nang hagkan niya ng halik sa labi. Napatingkayad na lang siya at napahawak pa siya sa leeg upang maabot niya lang ang labi ni Jeho. Napatapik si Kayrelle sa braso ni Jeho dahil para pigila

