Mabigat ang mga paghakbang ng kan'yang mga paa nang siya ay papasok sa loob ng bahay. Punong puno ng mga gamit na nagkalat sa sahig. Ang iba ay basag na babasaging base na nagkakapira-piraso pa. Akmang dadamputin niya ito nang makita niya ang isang bouquet na flowers na para sana sa kan'ya. Pinulot niya iyon at niyakap habang nakaluhod. "Im sorry Jeho, hindi ito ang gusto kong mangyari sa atin. Alam kong mali ako pero hindi ko kayang suwayin si papa. Hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit niya para layuan kita," hagulhol nitong sambit na nakapikit ang kan'yang mga mata. Walang sigla ang pagkilos niya habang isa isang sinisinop ang mga nagkalat sa sahig. Hindi niya maramdaman ang pagod sa kan'yang katawan dahil sa sakit na kan'yang nararamdaman sa puso. Pasilip silip siya sa may bint

