" Hi girls, Sorry was a little late, kinulit pa kasi ako ni Leah, Kanina pa kayo?" Nagbeso si Leila kay Jenny at Kayla ng makita nya ito sa harap ng cinema
" Nakabili na kami ng ticket at drinks. Malapit narin matapos ang earlier show, kaya dito na tayo mag antay " Sabi ni Jenny
"Magkano? kanino ako mgbabayad ? " Tanong ni Leila
"My treat girl. joke , mamaya na tayo magkwenta , magdidiner pa tayo after the movie" - Kayla
"Girls, may nag imbeta sa atin ng Dinner " nahihiyang sabi ni Leila sa dalawa
"Oi libre? Cool ako jan " - pagsang ayon agad ni Jenny " Sayang wala si Natalie"
Sinondut ni Kayla ang noon ni Jenny " Paglibre talaga oh , sama agad "
"Of course!" Proud na sagot ni Jenny
"Sinong ng imbeta? " Tanong ni Kayla
" Si Niko " mahinang sagot ni Leila .
Agad naman ngkainterest ang dalawa at sabay ngtanong " Kayo na? "
"Hindi pa "
"Ahhh , hindi pa " nanunuksong komento ni Jenny
"Pero papunta na don " dugtong ni Kayla sabay appear kay Jenny
" Oh sya, sasama ba kayo oh hindi? " Asar na turan ni Leila, kasi namumula na sya sa panunukso ng dalawa
"Syempre sasama at ng makilatis naman yang first boyfriend mo " sarkastikong sagot ni Kayla
"Sama ako, libre kaya yon " Sagot naman ni Jenny sabay tawa at ng appear ulit kay Kayla
"Naglabasan na oh, tayo na " Yaya niya sa dalawa para matigil na ang panunukso nito
After the movie, pagkalabas nila, she spotted Niko, nakasandal ito sa may gilid habang naka tutok sa cellphone nito. Naglalaro ata ito ng game. He was wearing a navy blue city shorts , tapos naka polo ito ng white na my navy blue colar din at naka sneakers ng blue rin. May color coordination ang sout nito, hindi siya sure if sinadya ito ng binata or nagkataon lang.
Casual lang itong nanamit pero napansin ni Leila na lahat ng dumadaan na babae ay napapalingon dito. Nangliit na naman sya sa sarili niya. She is not confident of her beauty kahit sinasabi ng friends nya na maganda sya. Baka pagsinagot nya ito , ay pati sya matatapunan ng attention, in which ayaw na ayaw pa naman nya yon. "Wait, you are not ready for the relationsip Leila, kaya wag advance mag isip " Saway nya sa sarili. She tried to composed herself bago kunin ang attention ni Niko
"Hoy Niko, kanina kapa? " kuha ni Kayla sa attention ni Niko. Inunahan pa sya nito sa pagbati sa binata.
Nag angat ito ng tingin at inilagay sa bulsa ang cellphone . "Kararating lang " Sagot nito kay Kayla pero sa kanya nakatingin habang nakangiti.
"Niko, this is my friends, Jenny and Kayla " pinakilala nya ang dalawa kay Niko sabay turo sa dalawa with her open palm. Tapos pumunta nanaman kamay nya kay Niko sabay sabi " Niko"
" And he is your? " - nanunuksong tanong ni Jenny, sabay taas ng kilay nito sa kanya
" her suitor, Leila's suitor " Si Niko na ang sumagot kay Jenny
"Ohh, Suitor " Nagkasabay pa si Kayla at Jenny sa pagsabi at pilyang nginitian sya
"Let's go? " Yaya ni Niko sa kanila
" Saan? " Tanong ni Jenny
"Dinner, Di ba nasabi ni Leila ?"
"Nasabi naman , Sorry if mag thithird wheel kami sa inyo ha? - pahinging pacensya ni Kayla
"Baka kasi kidnappin mo tong friend namin." dugtong naman ni Jenny
Tumawa ng malakas si Niko dahil sa sinabi ni Jenny. "babaw mo naman." komento ni Kayla sa tawa ni Niko. Tiningnan ni Leila ng masama ang kaibigan
"Sorry, Nagulat lang ako sa sinabi ni Jenny . Matagal ko na kasing plano yan " Nakangiting sabi nito sabay kindat kay Leila
Nagblush si Leila dahil sa sinabi ni Niko. " Huwag namang ganyan, namula tuloy tong friendship namin" kantiyaw ni Jenny kay Leila
Hinawakan ni Niko ang ulo nya at ginulo ang bangs nya " Ganda "
Kinilig naman ang dalawang kaibigan niya sa ginawa ni Niko, at lalong namula ang mukha nya. Ramdam nya ang init sa mukha nya kaya alam niyang nagblush sya
Maayos naman ang naging dinner nila. Magkatabi sila ni Niko at sa opposite side naman si Kayla at Jenny. Tahimik lang si Leila through out the dinner, Pano kasi itong si Jenny at Kayla ay maraming tanong kay Niko. Nakwento ulit ni Niko about her parents , bakit sya dito ng aaral at kung ano ano pa ang mga tinanong nito
"Kailan mo napansin ang beauty ng kaibigan namin?" Biglang tanong ni Kayla kay Niko
Tumingin ito sa kanya, at hinawi pa sa tainga nya ang ilang hibla ng buhok nya bago tumigin kay Kayla. " Almost three years ago "
"3 years ago? Tagal na noon ah " Komento ni Jenny " Bakit ngayon kalang nanligaw? " Dugtong tanong nito
"Snob kaya ng kaibigan nyo." sagot ni Niko. Agad naman tumango ang dalawa sa pagsang ayon
"Kaw kaya ang snob. " Depensa ni Leila sa sarili.
"No girl, tama si Niko, kaw ang snob,wag kanang kumontra, we are the living witness here " Suway ni Jenny sa kanya. Kaya tumahimik nalang sya at tinuloy ang pagkain.
"Yong tipong, plano mo palang mgpakilala, busted ka na agad " Nakangising dugtong ni Niko.
"Agree kami sayo," sang ayon ni Kayla
"Sa ganda naman kasi ng kaibigan nyo, she have all the rights na maging snob " pahumble na sabi ni Niko
"Tama ka, Snob talaga yan, maganda kasi at matalino pa " - Jenny
"Kun di lang namin pinagtatyagaan yan.Naku" eksaheradang pagkasabi ni Kayla
"Teka, sino ba ang kaibigan nyo? " tiningnan nya ng masama ang dalawa
" Kun sino ang magbabayad sa dinner. " sagot naman ni Jenny sabay tawa at ng appear pa talaga ito kay Kayla
Tumahimik nalang si Leila sa pagkahiya, binibenta ata sya ng mga kaibigan nya. Inakbayan sya at tinapik ni Niko ang balikat nya. " Joke lang yan, wag kanang mainis. kinurot pa sya nito sa pisngi " Namumula ka na naman "
Tumigil narin ang panunukso ng mga ito sa kanya at pagkatapos ng dinner, nag offer si Niko na ihatid ang magkakaibigan but they declined it. Nagpadrop nalang sila sa sakayan. Di narin ng insist si Niko baka kasi makulitan na si Leila sa kanya.