Sabado, paalis na sya ng bahay ng nakatangap sya ng message from MC BF . Wag kalimotan ang game, See you .
Snob naman nito, wala man lang reply jan . Txt ulit nito
Psst , maganda sana, snob lang .
Ayaw talagang mg reply? cge, see you in the gym. Sunod sunod na txt nito
May pa see you, see you kapa, Di naman kita kilala . Reply nya dito
Someday, when I have enough guts . Reply nito
Siguro Ngungu ka? Or stutter? ok lang yon. Character naman ang basis ko sa pakikipagkaibigan. Reply ni Leila
Di naman, pero baka mgstutter talaga ako if kaharap na kita. Ubos ang confidence ko pagdating sayo. Reply nito
Ay ewan ko sayo, if ayaw mong magpapakilala, eh di huwag at huwag ka naring mag text.
See you later Leila - Reply nito at di na sya ngreply dito
Maaga pa sya nong dumating sa gym so hindi pa masyadong matao. maaga kasi usapan nila mgkakaibigan para makahanap pa sila ng magandang pwesto , Nakita nya mga kaibigan malapit sa benches ng mga players . Kinawayan din sya agad ni Patrick and John ng makita sya ng mga ito.
"Nasaan na sila? " Tanong nya sa mga ito, Di pa kasi kumpleto ang magbabarkada. "Parating narin ang mga yon." Sagot ni Natalie
Ng warm up na ang mga players sa court. Napansin nyang sumenyas yong isang player kay Niko sabay nguso sa pwesto nila. Lumingon si Niko sa pwesto nila at ngumiti, Di lang sya sgurado kun sa kanya ito naka ngiti or sa mga kasama, kaya agad syang umiwas ng tingin. Lumapit ito sa kanila, sabay sabi ." Hi, Salamat sa pagpunta, cheer nyo kami ha, para ma inspired naman"
"Of course! Go Niko Fighting!"Kilig na kilig na sagot ng mga bading nyang kaibigan. At kumaway na ito sa kanila bago bumalik sa warm up practice.
Nangmagsimula na ang game, panay sigawan ng mga kaibigan nya, nahahawa tuloy sya at nakikisigaw nalang din. Every time nakaka score si Niko, niyuyogyog ni Kayla ang balikat nya. Before the 1st half end, 2 points lang ang lamang ng school nila, and Niko did most of the points. In the last 10 seconds, naagaw nito ang bola at ng fast play, lay up ito.. Halos mamaos ang tili ng mgkakaibigan, at nang ma shoot ang bola. Nagflying kiss ito sa kanila sabay kindat sa kanya. Agad syang ng iwas ng tingin, while ang mga kaibigan ay kilig na kilig dito.
Di mawari ni Leila, kun bakit kinakabahan sya, Minsan na kasi syang napahiya ng ngumiti sya kay Niko more than a year ago,
Flashback: Kauumpisa palang ng 2nd sem last year noon, she is still on her 3rd year while ito ay on its 4th year na ( 5 year course kasi ang Engineering while 4 years lang ang Accountancy). Umupo ito sa kaharap nyang mesa sa my library. Nagbabasa sya noon ng libro at nang nag angat sya ng tingin at ngumiti dito, agad itong tumungo at ibinaon ang ulo sa nakahalukipkip na kamay, tinulugan ata sya nito. Kaya napahiya sya, ngiting ngiti pa naman sya, simula sa araw na yon, umiiwas na sya ng tingin dito. She can never deny na my appeal ang binata. He is tall, around 6 feet or more, Mestiso ,good body structure at very handsome lalo na pag ngumiti ito. Pero iwas attraction na ang naging adhikain nya dito. She always remind herself not to look at him at di ito pansinin if na sa paligid. End of Flashback
Habang half time break " Nakita mo yong flying kiss ni Niko at kindat, para sa akin yon diba?" Landing sabi ni Patrick. Agad naman umismid si John "Para sa akin kaya yon, pansin ko jan kay Niko, parang ako ang type nyan." Sabi nito habang nakahalukipkip ang mga kamay.
Pinag untog ni Jenny ang mga ulo ng dalawa. "Mga illusyada!" at ngtawanan sila
"Pero on a serious note, Bigla nalang intresado maki pagclose sa akin yan si Niko. Binabati ako palagi, kaya kanina nong ng flying kiss sya, confirmed! may gusto sa akin." sabi ni John , with conviction pa ang pagkasabi nito sabay pilantik ng hintuuro nito ng sabihin ang confirmed.
Hinawakan ni Kayla ang buhok nito at kunwari sinabunutan, sabay sabi . " Hindi Ikaw! user friendly ata yan, iba ang sinusulyapan nyan palagi eh" sabay tingin nito kay Leila. "Gagamitin kang love bearer nyan, panigurado" pagpatuloy nito.
Dinotdot ni Natalie ang noo ni Kayla. "Isa ka pang illusyonada" nagtawanan nanaman ito, maliban ky Kayla, " Hindi ako, basta !" nakaismid na sagot nito
"So Sino?" tanong ni John.. "Basta, hindi pa naman ako sure" Sagot ni Kayla.
"For 100 pesos, magsasalita ka na ba? " sabad ni Jack sabay, dokut ng 100 sa bulsa nito.
"Pera o Sagot!" Sigaw naman ni Patrick.
"Higher Please" sagot naman ni Kayla.Nagtawaran pa ito at ngkulitan. Nakangisi lang sya at tumatawa sa gilid ng mga to. Yan kasi ang role nya sa grupo, taga tawa at audience sa mga kalokohan ng mga to.
Bago nagsimula ang 2nd half, lumapit si Niko sa kanila. Naka smile ito at tumingin sa kanya. “Leila right? " tumango naman si Leila habang lahat ng mga kaibigan nya ay nakangangang nakatingin kay Niko at sa kanya “ Keep your pretty smile, pangdagdag sa inspiration." Tapos kumindat ito sabay ngiti at paatras nglakad pabalik sa team nya.
Nagtaka si Leila sa nangyari at tulala syang tumingin sa mga kaibigan nya. Nakita din naman nyang shock din ang mga ito na nakatingin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata nito kung anong ibig sabihin ni Niko. Itinaas nya ang balikat nya at umiling para ipaalam sa mga ito na wala rin syang alam.
Nagsimula na ang 2nd half, Di narin ng abala ang magkakaibigan para questionin si Leila. Balik Cheering squad na naman sila sa School team nila. At napansin nyang every time nakaka score si Niko, tumitingin ito sa kanila. Kaya ang mga bading nyang kaibigian todo todo din ang pag cheer ng mga ito.
Nanalo ang School nila at MVP of the Game si Niko.
Nang makalabas na sila ng gym may natangap na text message si Leila galing kay MC BF Saan ka? Hatid na kita.