Naging busy si Niko sa buong araw. Maliban kasi sa pagiging interim Manager nya sa branch na ito, he still holds the position Project Director sa Main office. When he was put in this position 6 years ago, he was pressured since many people question his capabilities. Maraming nagsabi that he got the position because of his family, pero wala syang kakayahan. The company major stock holder is His Dad, His Aunt which is sister ng Dad nya and his uncle, first cousin ng Dad nya. ang combined shares ng tatlo ay nasa 69 %. His dad have the most nasa 28% and her mom have also 3%, but he is just a mere employee. His income is purely his salary, so he really strive his best to prove his capabilities in the past 6 years. His major contribution was the Mindanao branch. This give them a huge cost saving in the past 4 years of operation nito. He also expanded their market globally in the past 4 years. Kahit paano hindi na naging doubtful ang ibang stock holders ng companya. But he really wants to put up his own start up business. But since wala syang capital , he keeps bugging his Dad to invest on it. Pero palagi lang sineset aside ng Dad nya ang proposal nya.
He had a meeting with his uncle na base sa Bulgaria for the expansion of their Europe market since 6 pm and it lasted almost 2 hours. When he check his watch it is almost 8 na at naalala nya si Leila, Umuwi na kaya ang dalaga? but he have her keys, hindi nya ito sinuli kanina.
He is planning to make Leila submit to him at mapapayag itong i-hatid sundo nya araw araw. Alam nyang muntik na syang takasan nito kaninang umaga, buti nalang maaga niya itong sinundo.
Lumabas sya ng kwarto nya to check if anjan pa si Leila sa office. Tahimik na kasi ang office, but he is hoping nag Overtime na naman ang dalaga.
Napa smile nya ng nakita nya itong nakatalikod at naghahalungkat ng mga files sa malaking filing cabinet sa labas ng office nito. Finance department have the most document of course kaya ang office ng mga to ay napapaligiran ng malalaking filing cabinets.
He silently approached her at napansin nyang pakanta kanta ito habang may hinahanap sa filing cabinet.
" Oh it sad to belong to someone else when the right one comes along "
Noong nasa tapat na sya sa likod nito, tinapat nya sa tenga nito ang mukha nya sabay sabi " Do you belong to someone else?"
"Ay anak ng tipaklong ! " Sigaw nito at nabitawan ang filler na hawak hawak. " Bwesit ka! bakit ka ba nang gugulat!' Hinampas sya nito sa may dibdib. " Aray! " Napangiwe ito, dahil nasaktan ata sa paghampas sa kanya.
Tawang tawa naman sya sa reaction nito. "hahaha"
" Huwag kang tumawa jan!" hahampasin na naman sana sya nito, pero sinalo nya ang kamay nito habang nakangiti parin.
"Sorry, cute mo kasi pag nagugulat. Masakit ba? " Hinaplos nya ang kamay nito na namula sa paghampas. "Violente ka kasi, ayan tuloy nasaktan kamay mo. "
Binawi nito ang kamay sa pagkakahawak nya at pinulot ang nabitawang filer. " Wag ka kasing mangulat."
"Di naman kita ginulat, gulatin ka lang talaga." palusot nya dito
"Pina inum mo kasi ako ng kape. " paninisi nito sa kanya
" Oh sya, kasalanan ko na " Ngiting ngiti parin nyang sabi
"kasalanan mo talaga !" sagot naman nito
"Matagal ka pa?" tanong nya dito.
"May hinahanap lang akong isang document at uuwi narin."
"Good tulungan na kita."
"No need, Found it!, scan ko lang and will send in the email."
"Ok, Daanan mo nalang ako sa office ko."
"Ok" Sagot nito, at di man lang tumingin sa kanya at pumunta na sa scanning machine. Kaya bumalik narin sya sa office nya,
After few minutes, pumasok na si Leila sa kwarto nya bitbit ang ladies bag nito at ang laptop bag nito. Pinatong nito ang mga bag sa mesa nya sabay bukas ng palad nito. " Susi ko" sabi nito
"Magdadrive ka? " Tinaasan nya ito ng kilay
"Hindi, pero sabi ni Ate Rhea sa akin kanina anjan na daw ang kotse mo. So akin na susi ko. "
" I'll give it to you later" tumayo na sya at tiniklop laptop nya.
"ha?" Nagtatakang tanong nito
"I'll give it to you later. Let's go. " Yaya niya dito sabay kuha sa laptop bag nya at laptop bag nito. Hindi na nya kinuha ang ladies bag nito kasi natatandaan parin nya ang sinabi nito dati na- nakakaturn off ang lalaking nag bibitbit ng ladies bag.
Pagdating nila sa parking, dalawang kotse nalang ang naiwan doon, isang white na Ford explorer at ang kotse ni Leila. Nauna na syang maglakad palapit sa explorer at ramdam nyang nakasunod lang sa kanya ang dalaga. Nang pinagbuksan nya ito ng pinto. Hindi ito sumakay agad kaya binigyan nya ito ng patanong na expression. Sumakay narin ito pero di parin nagsasalita. Nilagay nya ang mga laptop bag sa back seat at umikot na sa driver. Bago kinabit ang seatbelt nya, chineck nya muna ang seatbelt ni Leila, nang makitang naka seat belt na ito, saka lang sya ngkabit ng seatbelt at ngstart na ng kotse
" Let's have dinner muna bago umuwi. Gutom na ako. " He glance at her while driving . Tumango lang ito at di nagsalita
"Bakit ang tahimik mo?
"Magdrive ka na nga lang, gutom narin ako.Daming napupuna. " Nagtataray tarayang sabi nito.Kaya nagsmile nalang sya.
Nagpark sya sa isang italian restaurant along the way " Dito na tayo kumain, masarap daw dito." Alam nya kasing mahilig ito into noodles or pasta.
"Ok." Agad na itong bumaba at di na hinantay na pagbuksan nya.
They seated near the window side, romantic ang ambiance ng restaurant. Tahimik lang si Leila habang ngbutingting sa cellphone.
" Palagi mo bang iniiwan kotse mo sa office?" Tanong nya dito
"Paminsan minsan lang, pag pagod na akong magdrive."
" We can ask someone to send it back, tapos sabay kana sa akin araw araw." pasimpleng sabi nya dito
'Ha?" Nagtaas ito ng tingin galing sa cellphone nito.
"Sabi ko, Ihahatid sundo kita araw araw. Here 's our food na." Tiniming talaga nya ang pagsabi non pagdating ng pagkain para hindi na makapagreact ang dalaga. Pero ngkakamali ata sya , kasi after umalis ang waiter ngsalita agad si Leila
"You don't have to do that. I can drive myself, busy lang ako this week dahil sa auditors" mahinahong pagtangi nito sa kanya. Nakatingin lang ito sa plato habang kumakain.
"Pero pano yan, gusto kitang ihatid sundo. and remember boss mo ako. "
"Are you threatening me?" Seryoso itong nakatingin sa kanya ng magtanong.
"Not really but if it works, why not. " Nakangising sagot nya dito at ngpatuloy sa pagkain
"Let's compromise."
"On what way? "
"If I need to do overtime or too tired for the day to drive, pwede mo akong ihatid pauwi at sunduin the next day. "
"How often do you do overtime"
"Depende, I usually know it on the day, if I need to do overtime. I'll inform you bago ang uwian."
Napaisip sya sa sinabi nito, Papayag nalang siguro sya sa arrangement na ito. Anyway this is just his first step para ipagpatuloy ang panliligaw nya dito na naudlot 8 years ago. "Ok , pero wag kang tumakas sa umaga. Akala mo siguro di ko alam na you tried to escape this morning." Kinindatan nya ito at nagpatuloy sa pagkain.
"Ok, hindi na tatakas. Baka ipagkalat mo pa sa office na suplada ako. Mabait pa naman ang image ko sa office." Nakangiti na ito sa kanya, medyo bumalik na ito sa pagiging friendly sa kanya, unlike sa umaga at kanina sa office na parang aloft na aloft ito.
"Should I give you more work or fire some of your staff para araw-araw kang mag overtime? " Pabiro nyang sabi dito
"Hala grabe sya oh, power triping? " tinaasan sya ng kilay nito pero na gets naman nitong nagbibiro lang sya
" Joke lang. " Bawi nya sa sinabi at napansin nya may sauce ng carbonara ang gilid ng bibig nito. Wala sa loob nyang inabot at pinunasan ito gamit ang daliri nya. Nagulat ito sa ginawa nya, pero patay malisya lang sya at tinuloy ang pagkain.